I have a photoshoot the whole day but this time the theme is sexy and daring so I probably wear a lingerie or nighties. Lacey Panty's and Bra, name of the company.
The owner of the company is my bestfriend, Charlene. Kinuha niya ako dahil medyo pumapatok na yung mga minomodel kong damit noong nakaraang linggo.
I get my purse and start the engine.
Charlene calling...
I answer.
"Papunta na ako. Ikaw asan ka na?"
"Hoy! Ikaw na babaita ka, kanina ka pa namin hinihintay. Filipino time ka nanam-"
I off the call immediately. Here we go again. My bestfriend, my nanay! I laugh. She will mad at me again. Lagi iyon naiinis pag pinapatayan ko siya ng tawag. Baka kung ano pa ulit ang sabihin niyang hindi kaaya-aya. Nakakatakot pa naman siya magsalita dahil sa mga malalaswang salitang kanyang nabibitawan. Nakakahiya sa mga nakakarinig.
Alam ko naman na mabagal ako. Bakit pa niya uulitin? Hmmm.
Alam niyang nag da-drive ako eh.
Gosh! traffic nanaman. Inihinto ko muna ang sasakyan ko dahil hindi pa umuusad ang nasa unahan na sasakyan. Hindi na ba mababago ito. Nasa Ortigas palang ako. Tumingin muna ako sa relo ko.
8:45 a.m. na!
Late na late na talaga ako. Lasa ko'y hindi lang kurot sa singit ang abot ko sa aking kaibigan. Ano ba naman kasing traffic ito.
Tinatapik-tapik ko ang manibela ko habang nakanta.
Just some random song that I composed.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din sa kompanya.
At nakikita ko na nga ang babaeng pinaglihi sa mikropono. In 3, 2, 1...
"HOY! BABAE KA! ALAM MO BNG ILANG ORAS KAMING NAGHINTAY SAYO. KUNG HINDI KALANG PATOK AY KANINA KO PA KINANSELA ANG ISKEDYUL MO." sigaw niya kahit nakalapit na.
"ARAY!" hinampas ko siya sa magkabilang braso.
"Ikaw ang ingay-ingay mo. Ang aga-aga ay stress na stress ka." Masamang tingin sa kanya.
"Fyi, dalawang oras lang naman kami naghintay sayong haliparot ka. Ano bang pinagkakaabalahan mo ha, alam ko namang tigang kang babashshsksksksxn ANO BA!"
tinakpan ko ang bibig niya.Nakakahiya talaga ang babaeng ito. Walang habas ang bibig.
"Manahimik ka na nga." kunwaring pagalit kong sabi.
"Kung hindi ka lang maganda ay kanina pa kita ibinalibag sa sahig." sabay taray sa akin. Natawa na lamang ako sa inasal niya. Sanay na ako sa ugali niyang ganyan at sanay na rin naman na siya sa akin.
Photoshoot was started. I applied the techniques and posing that my mentor taught me. I pose right to left. Sometimes I smile and have a fierce look. So many daring and sexy lingerie I wore and the pose was nice. Well, I can say that all of it was beautiful.
Sa pinakahuli kong pose ay ako ay bahagyang nakatuwad at nakapatong ang dalawa kong kamay sa taas ng upuang ginamit namin bilang props. And then, done.
Nagkayayaan pa na gumimik sa bar mamaya. Well, I'm single and no complications if I'll go anywhere.
Nagpaalam na ako. Dumiretso na muna ako sa isang 'fast food restaurant', ito ay Jollibee. I order some chicken with rice, burger, and coke float. Ito nalang yung dinner ko para pag-uwi ko sa condo ay magsho-shower nalang ako bago mag-pahinga.
Naalala ko tuloy yung mga araw na may isang espesyal na tao akong ipinagluluto at ipinaghahanda ng mga masasarap na pagkain. Mula kasi noong nagkahiwalay na kami, nawalan na rin ako nang gana magluto kaya ang mga kinakain ko nalang ay kung hindi 'take out', kumakain nalang ako sa labas.
Habang sinusubo ko yung burger ay may nahagip ang mata ko. Pamilyar na likod ng isang lalaki, na minsan nang nagpatibok ng aking puso.
Kinabahan ako kaya tumalikod ako sa gawi kung saan andoon siya.
Bakit bumalik pa siya?
Kelan pa siya bumalik?
Anong ginagawa niya dito?
Sobra akong kinakabahan at ang lakas nang kabog ng aking dibdib. Ngunit hindi ko matiis kaya sinilip ko ulit.
Ngunit pagharap ko ay nakaharap na pala siya. Tila'y huminto ang mundo ko nang makita kong muli siya. Napahinto at gulat din ang mga mata niya nang makita ako. Parang may dagitab sa aming mga mata. Nagtagal ang titigan sa loob ng 10 segundo. Ngunit naputol iyon dahil ako ang unang nag-iwas ng tingin. Bumalik ang aking ulirat at nag-isip ng gagawin. Nanginginig ang aking mga tuhod.
Dali-dali akong nag-ayos ng gamit saka dumiretso sa pintuan. Pagkadating ko sa aking sasakyan ay muli ko siyang tinanaw.
But the most shocking part is...
He is carrying a handsome boy that exactly looks like him.
Anak niya ba iyon?
YOU ARE READING
Aurora Series 1: Sands of Memories
RomanceAng probinsiyang matatagpuan sa gitnang-luzon. Dito nabuo ang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang istado. Gonzaga, ang apelyidong kinakatakutan sa lugar na ito. Sapagkat sila ay isa sa mga makapangyarihang pamilya at namamahala sa...