Kabanata 1

9 2 0
                                    

Kabanata 1

Vase


Ako ay kasalukuyang nasa ika-pitong baitang sa Aurora National High School. Ang oras ng pasok ko ay mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon kaya may oras pa ako upang tulungan ang aking ina sa pagtatrabaho sa mansion ng mga Gonzaga.



Bata pa lamang ako ay dito na nagtatrabaho ang aking ina bilang katulong ngunit ang aking ama naman ay sa pagbubukid gaya ng pagtatanim ng mga gulay, mais at palay sa kanilang bukid.  Maayos naman ang aming pamumuhay dahil kaisa-isang anak lang ako.


Sa madaming taong nagtatrabaho ang aking magulang sa kanila ay naging matalik kong kaibigan ang babae nilang anak. Maganda at mabait ang batang ito kaya madali ko siyang napakisamahan. Kasa-kasama niya ako sa paglalaro noong kami'y nasa elementarya pa lamang. Mas matanda lamang ako sa kanya ng isang taon.


"Anak, ihanda mo na yung mga gulay at prutas na dadalhin natin." malumanay na saad ng aking ina.


"Tapos na po, inay."


Nagtungo na kami sa mansyon. Isa ito sa mga malawak at malaking bahay sa buong Aurora. Maaliwalas kung titignan mo ito sapagkat napapaligiran ang likod nito ng mga puno ng niyog at buko. Isa sa mga malawak nilang lupain na tinatamnan para sa kanilang ginagawang produkto 'Fresh Buko Juice'. Ito ay patok na patok dahil sa sarap at sustansyang naibibigay nito sa katawan ng tao.

Marami pa silang lupain na tinatamnan ng nga kung ano-ano at wala na 'kong pakialam doon.

Unang bumungad sa'min ay ang malaki at kulay ginto nilang tarangkahan na may nakatatak sa gitna nito 'Mansión rica de Gonzaga' na parang ipinaglalandakan nito ang kayaman ng pamilyang ito.


Pagkabungad pa lamang namin sa pintuan nila ay may narinig na kami kaagad na hiyawan. Nag-aaway nanaman ang mag-asawa. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon sapagkat hindi sila kinasal dahil sa pagmamahal kundi sa pera. Ayaw ko nang ganun. Pag ko kinasal, sisiguraduhin kong mahal nmin ang isa't isa. Ayaw ko maging miserable. 


"WHAT THE FUCK*NG!" the father roared.


"Sige, do it, slap me!" matapang na sagot ng ginang. 

"DO NOT PROVOKE ME, LUCIA! I MIGHT KILL YOU!" he threatening the woman.

Sanay na kami sa pag-aaway ng mag-asawa pero andun pa rin yung takot na baka madamay kami sa galit nila. Ang nakakatakot baka kami ang mapagbuntuan ng galit. Suskopo! Hindi ko pa naman kakayanin.

Dire-diretso kami ng inay sa kusina nila kahit hindi na sila binati pa dahil baka nga madamay pa at upang maghanda na ng kanilang kakainin.

Tumingin ako sa ref nila at nakita ko ng paborito ni Señor Third, ang panganay na anak. Bacon at Ham, kumuha ako ng tamang dami nito ay pinirito ko na sa kawali.  Sinunod ko naman ang paborito ng aking kaibigan na si Lucy, ang unica hija naman nila. Ang 'Tender Juicy' Hotdog, jumbo pa nga. Ano ba 'tong mayayaman na 'to ang hihilig sa mga preservative foods, buti pa ako healthy kasi puro gulay at prutas ng kinakain. Ewan konalang sa kaibigan kong mahilig sa hotdog. Napatawa nalang ko sa naiisip ko. 

Nang matapos ko nang paghandaan ang kakainin nila, kinatok ko na ng pinto ni Lucy.

"Lucy? Kakain na." mahinahon kong sabi.

"Sunny, ikaw na ba yan?" tila masayang sambit nito na alam kong mabilis na tumakbo palapit sa pinto. 

"Oo, halika ka na at kumain na kayo, nakapaghanda na kami." masaya kong sambit.


Aurora Series 1: Sands of MemoriesWhere stories live. Discover now