Chapter 2: Do I Know You?

40 4 8
                                    

"Tulala ka lately," natauhan ako nang biglang sumulpot sa mukha ko ang babaeng nakalunok ng diksyunaryo ng mga conyo. Sa dinami-dami ng makakasalubong ko ngayong deadlines, dito pa ako sa ikakasakit ng baga ko ako napunta.

"Wala, may iniisip lang." pagpapalusot ko. Natawa naman ako inside nang tinaas niya ang mga kilay niya't akmang sesermonan nanaman ako.

3,

2,

1

"Gurl, if you're thinking 'bout how you should get your ex back, 'wag ka nalang mag think. Kawawa braincells mo." sabay paikot ng hibla ng buhok niya sa hintuturo niya. Napakunot lang ako ng mukha sa inaasta ng babaeng 'to. Minsan din talaga napapaisip ako kung krungkrung ba 'tong si Isabela oh ano kaya siya nag psych. Hindi ko siya gets eh.

"You know naman, boys, are just boys. We have a lot of boys kaya here in SEU. Gusto mo pa ireto kita elsewhere. Ano bang like mo? You know just tell me. Kasi, when you find someone you actually like, mafoforget mo na yung mga naghurt sayo yesterday or baka sa past. And ofcourse, it will somewhat seem like a rebound kasi you know, hindi mo naman talaga sila siguro malilike at first sight. I know hindi ka naman like that. Pero kasi ilang years na dibang hindi kayo ni-- anyways, marami akong knows na guy jan sa side side na want na magkajowa. You want ba? Mababait naman din sila eh, like Josef L, dancer siya sa S. Crew, if you want naman a mathematician but funny, Christopher A is perfect for you, oh! and that hot Japanese guy sa 4th flo-- hoy, nakikinig ka ba?" Nagkatinginan lang kami at nagpatuloy na sa pagsasalita. Hindi rin naman yan titigil so hinayaan ko nalang.

"Shhh, bahala ka. So where was I na? Ah so yeah, those guys are amazing..."
Matapos ang pagkahaba haba niyang speech na daig pa ang speech ni Rieu nung 18th birthday ko, nginitian niya lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad habang ginagamit niya ang cellphone niya--- habang pinapakita sakin ang mga litrato ng mga "boys" that i might like "daw". Nagmumukha na siyang human tinder sa tabi ko at pag may dumadaan, napapatakip nalang ako ng mukha. Haaaaaaaay.

Pero, knowing na hindi naman ako nagmamadali at medyo maaga pa naman, okay lang sakin na sumama muna kay Sab kahit hiyang hiya na ako. At saka, hindi naman din ako nag cram ng mga projects kaya walang rason para mataranta. Wala lang talaga akong tulog.

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas magmula nung may nangyari sakin sa condo ko. Hindi ko na pinaalam sa kahit sino ang nangyari. But recently, I've been seeing flashes--- minsan normal things but mostly, horror. Iniisip ko lang na baka guni-guni ko kang yun o ano ba. Basta ganun.

Bigla naman akong nataranta nang napatili si Isabela sa gilid ko. Hindi ako nagreact oh ano at tiningnan ko lang siya. Aba't parang mapupunit na ang bibig niya sa laki ng ngiti niya.

"Free daw ang squad later lunch! Finally!!!!!!"

Nakahinga naman ako nang maluwag nang bitawan niya ang mga salita niya. Itong babaeng itago nalang natin sa pangalang Isabela Yoj Santiago, ang pinakakinakatakutan naming magbabarkada. Hindi naman sa dahil nakakatakot ang mukha niya, kundi dahil nakakatakot ang inaasta niya. Minsan matutulala nalang bigla, minsan rin sobrang daldal. Iisang tono lang rin lahat ng tili niya kaya't mapapapigil hininga ka hangga't hindi niya sinasabi anong meron. Wala rin naman siyang hindi sinasabi kasi masasapak siya ni Shye. OC yun eh.

Biglang nag ring ang phone niya at sinagot niya yun. Daddy niya ata. Matapos nila mag-usap ay nagpaalam na si Sab sakin. Magkikita rin naman kami mamayang lunch. Sigurado akong magpapaulan nanaman yan ng chismis mamaya. Pustaan limang daan.

Nang paliko na ako papuntang comlab para ipasa ang huling project ko, may nahagilap akong mata dahilan para makita ko nanaman ang kakaibang mga pangyayari. Lalaki, nakangiti siya sa harap ko. Nakasuot ng puting v-neck shirt at khaki pants. May nakakabit na itim na leather watch sa kaliwang kamay niya. Nanlambot ang tuhod ko sa takot at nabitawan ko ang mga dala ko. Anong nangyayari sakin?

Take Me with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon