CHAPTER 1

50 3 0
                                    

[The names of the characters are made up by the author. Anything related to real life people is pure coincidence only. Enjoy reading!]






"Cheers to the pain we choose to hide!"

"Cheers to the neverending problems we face!"

"Cheers para sa mga mahal nating iniwan tayo para sa iba!"

These are some of my friends' rants as sound of glasses clicking to each other occupied the silent night on our veranda.

"Bakit ka tahimik Xech?" tanong ni Assyla sa'kin. Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

"Wala ito, Syl. May iniisip lang ako."

Si Acaein naman ang bumaling sa'kin.

"What troubles your mind again, Xechna Mae Aguinaldo?"

Napasinghap ako sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko. She usually states my full name kapag gusto niya ng atensyon ko, at sa ngayon, nasa kanya na talaga ito.

"Ano ba naman 'yan Acaein Jing Sagario! You know I don't like it when my name is being fully called like that! I hate my name as it is!"

Tumawa lang sila sa bahagyang pagtaas ng boses ko. I'm not usually short-tempered, but these past few days, medyo mabilis akong naiirita sa mga bagay-bagay.

"Ano ba 'yan, may period ka ghorl?" panunukso ni Leim sa'kin. "Cute naman yung pangalan mo eh, musta naman 'tong second name kong walang ka-thrill thrill man lang," dagdag pa niya sabay simangot.

"Nakalimutan niyo yatang literal na pwet 'tong akin kapag first three letters lang yung tinitira nila, lalo pa at normally ganun kapag getting to know each other," baling naman ni Syl sa amin.

"Oo nga noh? A-S-S, pero okay naman yung Syl eh. OA naman kung Ass yung itatawag sa'yo," singit naman ni ReyRey kay Syl.

Habang nagkukutyaan sila sa mga pangalan namin ay muli kong naisip 'yong mga nakasulat sa isang lumang diary na nakita ko sa ilalim ng sirang tile sa gilid ng kwarto ko. I didn't know na may nakatago doon, balak ko pa namang ipaayos 'yon nang nakita ko. Noong maapakan ko kasi 'yon ay tila tunog na alam mong puno ng hangin sa baba nito kaya nagtaka ako at inusisa kung ano 'yon.

'My Diary' was written in a fancy and curly way using gold glitter ink. Hinipan ko iyon at pinunasan gamit ang long sleeve ko upang matanggal ang alikabok. I opened it and noticed that the few pages at the front were torn. I also remember seeing places there like Dumaguete and El Nido, pero hindi ko natapos 'yon dahil dumating ang mga maingay kong kaibigan. Hindi tuloy ako makapag-concentrate ngayon sa juice na iniinom namin ngayon dito sa aming veranda.
Juice. Oo, juice lang naman ang iniinom namin. Bukod sa bawal akong uminom ng alak, ayoko ring maglasing ang mga kaibigan ko lalo na't mahirap pauwiin ang mga iyan kapag lasing! Bukod sa nagda-drunk call sa mga ex, nag-iiiyak na magwawala kung bakit daw palaging iniiwan. Tingnan mo pa na kahit juice lang ang iniinom namin dito kasama ang inihaw na streetfoods na animo'y "pulutan" namin ay humuhugot pa rin sila! 

Hay, buhay nga naman.

I examined the faces of my dear friends. Syl was always the laughing type, lalo pa at naka-braces siya kaya madalas naming kinukulit na gusto niya lang ipakita 'yong braces niya sa amin. Ito namang si Leim Cessyl medyo busangot type, maputi, maliit at medyo chubby pero cute lalo na kapag ganyang galit-galitan. Our ever loyal-to-boyfriend friend who always rants kung kapalit-palit ba siya kahit hindi naman. Sana. Pero wala eh, pinagpapalit sa mas "sexy". Kasama rin namin si Acaein na madalas naming kutyain na "robot" friend namin. Maganda, pambato sa pageant, maraming admirer, pero study first at manhid-manhiran. Automatic reject ang mga kalalakihan sa kanya kapag nagtatangka silang magconfess kaya ang iba, pinipili na lang makipagkaibigan sa kanya. Last but not the least, ang beki friend naming si Rey Matt. Beki friend naming hindi pa naga-out sa mga magulang. Kapag kaharap ang magulang, matipuno, pero siyempre kapag kami na ang kasama niya, mas binabae pa sa amin kung umasta. Siya rin ang "Mommy" sa grupo namin na pinagluluto kami ng masasarap na pagkain kapag nabibisita sa kanya-kanyang bahay.

All of us looks like we're just young teenagers who enjoy life and heartbreaks, but deep inside each one of us are stories yet to unfold.

Syl hates large crowds kaya konti lang kaming kaibigan niya. She suffers from claustrophobia simula nang nasunog ang kanilang apartment at na-trap siya sa loob kung saan muntik na siyang hindi nailigtas ng mga bumbero. Until now, she's also afraid of the dark. Kailangan niya palagi ng ilaw maski na sa pagtulog.

Leim is a continuous overthinker, yet she loves greatly more than anyone among us. 'Yong tipong she always question kung bakit siya iniiwan o pinagpapalit ng mga taong mahal niya. Ironically, how many times na naging broken siya, she still loves whole-heartedly and she sees it as a disadvantage for herself.

Si Acaein naman, bread winner ng family nila. That's the main reason she does not want to commit to relationships. Ever since iniwan kasi sila ng Papa nila at sumakabilang bahay, naging priority na niya ang para sa pag-aaral ng mga nakababatang kapatid. Na-depress kasi ang Mama nila sa pag-iwan sa kanila kaya she needs to be tough for them. Kumbaga, pasan niya ang buong pamilya niya na tila ba anong oras ay mababali na ang kanyang likod sa pagkarga, pero go lang ng go para sa future.

Not to mention ang hindi pa paga-out ni ReyRey sa mga magulang. Terror and strict ang Ina nito kumpara sa stepfather. Ayaw ng lalamya at lalambot-lambot. May galit ang kanyang Ina sa mga kalahi niya dahil ayon dito, namatay ang totoong Tatay ni Rey dahil sa aksidenteng involved ang isang baklang pinagtulongan ng mga lasing. She hates gays since then, tapos hindi naman inaasahan ni Rey na magiging gay din siya paglipas ng panahon.

I shook my head at my thoughts.
Paano naman ako? Ako lang naman si Xechna Mae Aguinaldo, isang anak na walang silbi sa magulang. I am a walking disappointment to them. Never the best, and never will I be in their eyes. 'Bobo', 'walang kwenta', 'tamad at palamunin'. Mga linyahang ganyan? Aysus, sanay itong kumare niyo. Araw-araw ba namang agahan at hapunan ko iyang mga salitang iyan? Akalain mo nga naman at isang himala rin sa akin na hindi pa ako naglaslas hanggang ngayon. Those words. Tila ba immuned na ako. Or pwede ring sanay na akong itago ang nga iyon sa pinakaloob-loob ko na tila ba wala lang ang mga iyon sa akin. But I know, it dug deep within me. It rooted from my heart and now, it is escalating towards my wholeness. It is slowly eating me up, triggering my emotions every now and then. Masama rin palang magtanim ng hinanakit, kasi ngayong lumago na ito ay mas lalo kong hindi kinakaya.

Winaksi ko na lang ang mga ito ko dahil napagod ako kakaisip sa mga bagay. I raised my full glass to them.

"Cheers to another day we've been through, winning against our silent battles, my friends," I said smiling genuinely at them. We toasted, and watched the night sky as it grew darker and darker as we sat. Another day we've been blessed, tomorrow is another day for a long battle...

...an unending one for us.

A Love That Never WasWhere stories live. Discover now