My phone beeped twice, indicating a text message. I scanned it thoroughly and let out a deep sigh. Check-up day ko pala ngayon. I stood up quietly and did my morning rituals. Namili ako ng plain shirt at fitted jeans, along with a comfy white rubber shoes. I scanned my reflection in the mirror.
"I'm here for you."
I blinked, and thought about a part of my weird dream. He was there again. Sitting on a bench under a shady tree, his face was hidden with a shining ray of light. Curious with his face, I walked closer to him. My thoughts were disrupted by a ringing from my cellphone.
"Xechna, remember to eat before you go to your check-up okay?" boses ni Syl ang bumungad.
I smiled to myself, napakamaalalahanin talaga ng bff ko.
"Ne, eomma~ Geokjeonghajima, nan gwaenchanayo," I replied in a playful tone.
"Ayan! Diyan ka magaling! Kinokoryan koryan mo na naman ako! Last time na nagpa-check up ka without eating, nahilo ka pa sa labas ng hospital! Papatayin mo ako sa kaba! Buti na lang nasa labas ka pa ng hospital noon! Jusmiyo marimar, Xechna!"
"I know, I know. Oo na, dadaan ako sa café nila Leim para mag-quick breakfast. Picture-an ko pa kung gusto mo," I sighed in defeat.
Buti pa sila, concerned sa'kin. Eh yung mga magulang ko, nilimot na yata ako. Simula nung Junior High School ako, madalang na akong nasa Top 1. I tried explaining na ibang iba ang High School sa Elementary, swerte nga kung maka-with honors ka na eh. At doon ko napagtantong napakalaking disappointment ko nga talaga sa parte ng mga magulang ko.
"Ano? Wala ka pa talagang balak sabihin sa'kin na third ka lang ngayong taon? Nakakahiya!" panimula ng sermon ng Papa ko nang papunta kami sa classroom. Mas nauna kasi ang general pre-awarding sa social hall sa school at mahuhuli yung sa classroom.
"Third?! Anong nangyari? Hindi ka namin binibigyan ng sobra-sobrang baon para lang maging talunan! Nakita mo ba kung paano ako tingnan nang mapangmaliit nung mga co-parents ko noong elementary?! Nakakahiya, pinagyayabang ko pang matalino ka! Hindi naman pala! Hindi na ako pupunta sa classroom niyo tutal alam ko namang talong-talo ka na sa school year na'to! Mag-usap na lang tayo sa bahay!" diretsahan at pagalit na sabi ni Papa sa akin.Disappointment na naman ako.
I shook my head and assured my bff na kakain ako ng agahan. Ayoko namang pati sa mga bestfriend ko maging disappointment pa ako noh. Quotang-quota na ako.
"Sige na at tatanghaliin pa ako kung magtatagal ka pa sa panenermon sa'kin," sabi ko nang patawa kay Syl. I ended the call and prepared to go to the café to eat a quick breakfast.
"You're never a disappointment to me. I assure you that."
Hindi ko alam kung sa isip ko lang ba iyon at imahinasyon pero tila ba ang boses ay kasinglalim ng sa lalaki sa aking panaginip. Humawak ako nang bahagya sa ulo ko nang mapagtantong medyo sumasakit ito. Sumandal ako saglit sa dingding nang nakapikit at hinintay na humupa ang mistulang tumatambol sa ulo ko. Nang naramdamang okay na ay sumaglit ako sa kusina at uminom ng tubig.
"You're never a disappointment to me. I assure you that."
Tila nakakapanibago namang hindi nadidismaya sa akin ang mga tao sa paligid ko, lalo pa't sumasagi sa isip ko ang lalaking misteryoso. Wala sa sariling napangiti sa mga katagang iyon. Never a disappointment, huh? Bakit ba parang nakakagaan sa loob na may magsasabi ng ganoon sa akin? Nababaliw na yata ako. I tried breathing in and out para kumalma. Tatanungin ko na lang ito kay Doctora mamaya, baka parte na ito ng mga nawala kong ala-ala.
As I entered the café to grab a quick breakfast, I saw Leim spacing out, holding her phone tightly. I cleared my throat to make her know my presence but she rarely noticed, so I decided to smack her forehead with my palm.
"Jusmiyo marimar, earth to Leim?!" bungad ko sa nanlilisik niyang tingin sa akin.
"Kailangan ba talagang sapokin mo 'tong noo ko, Xech?" iritado niyang sagot, sabay haplos sa mamula-mula niyang noo.
"Ano ka ba naman kasi? Kanina pa kita tinitingnan, you look so weird zoning out! Para kang nawalan ng jowa--- or don't tell me, 'yang magaling mong boyfriend na naman ang dahilan ng pagkatulala mo ha?! Kailangan mo pa yata ng mas matinding sapok sa noo! Halika nga rito," tugon ko at nag-ambang lalapitan ulit siya nang nakaangat ang palad.
"XECHNA MAE! ISA!" pagalit niyang sagot, "eh kasi naman eh! Nakita ko na naman 'yong picture ng boyfriend ko sa fb story ng iba na hindi ko pa malalaman kung hindi sinend sa screenshot! Nakakainis! Bakit hindi sila marunong dumistansya?! Taken na nga 'yong tao, haharutin pa rin nila? Uhaw na uhaw sa lalaki, sis?!"
I sighed. I looked at her for a second and answered her question.
"Alam mo kasi Leim, 'wag puro yung iba ang sinisisi mo. 'Yang boyfriend mo naman kasi, baka hindi man lang kino-confront yung mga ganoon, eh alam naman niyang napakaselosa mo. Or baka hindi ka rin kasi fline-flex ng jowa mo kaya akala nila single pa siya? Not that him flexing your relationship is necessary, but it should not be that private so girls would know their limits, noh. Baka g na g kasi yang boyfriend mong saksakan ng har--"
"Hindi siya ganon, Xech. I've known him for quite a while now. He would never do that to me- hindi niya isisikreto kasi mahal niya ako. Alam ko 'yon.
"Hay nako, if that's what you insist. Basta sinabihan na kita more than a hundred times ha. Kapag nabroken ka ulit diyan sa jowa mo, ihahampas ko sa'yo yung mga screenshot ko sa karupokan mo!" I snapped at her in defeat.
Umupo na ako sa harap niya at saktong dineliver na rin ang breakfast koㅡ cornsilog and pineapple juice. We talked a bit more and hinayaan na ako ni Leim na kumain dahil alam niyang may check-up pa ako sa araw na 'yon.
"Sige Leim, punta na ako sa hospital ha? Sasabihin ko sanag mag-ingat ka kaso sa sitwasyon niyo pa lang ng jowa mo, delikadong delikado na 'di ka naman affected, hindi mo na kailangan yun," panunuya ko sa kaibigan ko.
Kinurot niya ako sa tagiliran at hinatid na sa labas ng café nila. We waved goodbye to each other and I started walking towards the jeepney stop. Habang naghihintay ng dadaang jeep, I glanced at the other side of the road and noticed a familiar man. Our eyes met, and he let out a soft smile to me. My heart raced faster than normal, making me have an urge to walk towards the man. Siya yun!
"Hey, wait!"
I was about to run for the other end of the road when someone pulled my arm, making me stumble back to the sidewalk.
"Ano ba Xechna! Magpapakamatay ka ba! Bakit hindi mo tinitingnan ang tatawiran mo ha?! Paano kung nabangga ka diyan?!"
It was Leim. Hindi ko nasagot ang mga sunod-sunod niyang tanong dahil liningon ko ulit yung lalake sa kabila pero wala na siya. Sayang!
"Xechna! Ano ba?!" ulit ni Leim.
"S-sorry, hindi ko na naisip kasi nakita ko siya..."
"Sino?!"
"...yung lalaking sinabi ko sa inyo, sa..."
Lumingon akong muli sa kabila.
"...panaginip ko. Siya yun."
YOU ARE READING
A Love That Never Was
General FictionDo you know the word 'Hiraeth'? If not, you can push through the story of a lady with amnesia and a mysterious man who appears in her dreams. She travels back to places she saw written inside an old diary in search for her lost memories. Will she ev...