Chapter 26: I'm in pain!

3K 100 17
                                    

Chloe's POV;

Naidilat ko ang mata ko at alam kong nasa kwarto na ako.. Sandali ko pang naipit ang mata ko nang maramdaman ko ang nakalagay na oxygen sa ilong ko

'Gusto ko nang mag pahinga.. Yung pang habang buhay na pahinga..'

"Gising kana.. " naitagilid ko ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni mommy

"Hmmyeah.. " usal ko at seryosong umupo si mommy sa higaan ko kaya umupo ako at akmang tatanggalin ang oxygen nang pigilan ako ni mom

"Wag mong tatanggalin yan.." seryosong sambit nya kaya wala na akong nagawa "Si damon ang nag hatid sayo dito kaninang madaling araw.. " sabi nya kaya natigilan ako "Parehas mugto ang mata nyo.. Nakapag usap naba kayo ng maayos?" tanong pa ni mom kaya napaiwas ako ng tingin

"Ayaw na talaga nya mom.." nakayukong usal ko "Ano pa bang dapat kong gawin?" nag pipigil ng luhang usal ko kaya bumuntong hininga si mommy

"Hayaan mo na sya.. " agad na sabi ni mom kaya napahinga ako ng malalim "Anak pag pahingahin mo na yang puso mo.. Alam kong mahalaga sya pero mas mahalaga ka" dagdag pa nya at marahang hinagod ang balikat ko "Realize that if a door closed, it's because what was behind it wasn't meant for you"

Dinama ko ang bawat pag haplos ni mommy.. Nararamdaman ko na ang kahinaan ng katawan ko pero parang ayaw maubos ng luha ko. Sa bawat pag bitaw ni damon ng mga salita nya ay sobrang bumabaon yun sa puso ko na para bang mga patalim na ilang beses na tumutusok don. Ayokong isipin ang pag bitaw ko sakanya dahil hindi ko pa ginagawa ay hindi ko na kaya.. Minsan pumapasok sa isip ko na kung hindi ko piniling umalis para sakanya ay hindi kami aabot sa ganito. Ilang taon kong tiniis ang hirap at sakit na halos pumapatay na sa'kin araw araw.. Nasasaktan ako dahil nasasaktan sya pero kahit katiting na bagay wala akong magawa para maibsan ang sakit na dinadanas sya.. Ito isa sa dahilan kung bakit ayokong tanggapin sa sariling isang mapanganib ang buhay namin.. Hindi ko pinangarap ang kahit isang bagay na pinag daan ko simula nung makalipas ang halos limang taon.

"Inalagaan at iningatan kita mula sa sinapupunan ko ng siyam na buwan.. Pero sana wag mong hayaan na sirain ka ng tuluyan dahil sa iisang tao lang.." malungkot na sabi ni mom kaya napangiti ako ng mapait

"Mom yung isang tao na yun.. Yun yung bumuo sa pag katao ko--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mag salita sya

"Pero sya rin ang sumisira ng nabuo nyang pag katao mo.. Anak mas mabuting huwag mo na syang guluhin. Mas magiging maayos kayo kung hahayaan nyo na ang sarili nyong makalaya.. " sabi ni mom at kasunod non ang pag bukas ng pinto kaya nagulat ako. Pumasok si daddy at clyde na mga nakakunot ang noo

"Kelan pa chloe?" seryosong tanong ni clyde kaya may namuong kaba sa dibdib ko "Kelan kapa nag sinungaling sa'kin about sainyo ni damon?" at tuluyang bumagsak ang mundo ko nang tanungin nya yun

'Napaka komplikado na..'

"Sabihin mo sa'kin.. Sinaktan kaba non?" alam kong nag pipigil na ng galit si daddy nang tanungin din nya yun kaya napayuko ako at naipikit ang mata

"Saka nyo na yan itanong.. Hayaan nyo muna syang mag pahinga" rinig kong usal ni mom

"I'm sorry.. " tanging usal ko at mabilis na kumawala ang luha sa mga mata ko

"Damn it!" rinig kong inis na sigaw ni clyde

"Anak huminahon ka!" suway ni mommy kay clyde

"Anak naman.. Bakit hinahayaan mong saktan ka lang non?! Huh?!" hindi na napigilan ni daddy na mapasigaw "Kung alam ko lang.. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na pinayagan na maging kayo!" sigaw ni dad kaya napahikbi na ako

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon