Damon's POV;
"Kailangan po natin ng representative na magiging model ng Cortton Corporation sa darating na Model Party at iba't ibang kompanya po ang pupunta don.." sabi ng secretary ko at ibinigay ang isang folder kaya binasan ko yun
At tama sya.. Maraming iba't ibang nag lalakihang kompanya ang mga pupunta don at binasa ko pa ang ilan sa mga Company na pupunta.. Nanduj ang Embassy Suit, Deval Corporation, Mandarin Oriental.. Pero natigilan ako sa tatlong kompanya na nabasa ko
'Gonzales and Scott's Hotel at ang Villa Florenz.. '
Ang Gonzales and Scott's Hotel ay kila chloe yun at ang Villa Florenz ay kila eun woo kaya naman wala ako sa sariling naibaba ang folder..
"Babae at lalaki po kailangan sa model.. Sa susunod na araw na daw po gaganapin ang Grandeng party na yan.. " dagdag pa ng secretary ko
"Hindi ko alam kung sino ang kukunin kong model ng Cortton Corporation.." usal ko
"Bakit hindi po si ma'am Veronica? Hanapan nyo na lang po ng partner dahil hindi po kayo pwede.." sambit nya kaya napabuntong hininga ako "Nakahanap na rin po kami ng designer para sa sosootin ng dalawang magiging model ng Cortton Corporation.." dagdag pa nya pa at nag paalam ng umalis
Napahawak ako sa sentido ko dahil hindi ko alam kung sino ang gagawin kong model para sa grandeng party na yun.. Pero napatingin ako sa pinto nang bumukas yun ay pumasok si Ven at agad na nilapitan ako
"Mukang stress na stress ang boyfriend ko ah.. " malabing na sambit nya at pumwesto sa likod ko para masahihin ang balikat ko kaya napa buntong hininga ako
"Kailangan ng model para sa Cortton Corporation at hindi ko alam kung sino ang kukunin ko.." usal at narinig ko ang pag ngisi nya pero nabigla ako nang umupo sya sa lap ko at pinulupot ang braso sa batok ko kaya medyo nailang ako
"Pwede naman ako.. Kaya ko mag model kung rampa rampa lang pala ang gagawin don.. Pero sino ang partner ko?" tanong nya kaya napaiwas ako nang tingin at dahan dahang tumayo para makaupo sya sa kinauupuan ko kanina
"Hindi ko alam.. Pero sigurado ka bang okay lang sayo maging model nito?" tanong ko at nginitian nya ako
"Of course.." sabi nya at kinuha ang kamay ko tyaka inilagay sa pisngi nya na ani mong dinadama ang palad ko "What if si daril ang maging partner ko sa model? Hindi naman siguro masama yun diba?" agad na tanong nya kaya kumunot ang noo ko
"Si daril? Tsk! Baka mag kalat lang yun don.. " inis na sambit ko pero mahina nya akong pinalo sa braso
"Ang sama mo sa kapatid mo.. Tsk! Wala naman masama yung ita-try diba? Tyaka ako naman ang partner nya kaya ko na syang dalhin.. " sabi nya at parang nag lalambing pa kaya inis kong kinuha ang phone ko at dinail ang number ni daril.. Ilang saglit pa ay sumagot din yon
"May kailangan ka?" agad na tanong nya kaya nag salubong ng todo ang kilay ko
"Wala akong choice.. Kaya mag seryoso ka" seryosong sambit ko at narinig ko ang pag ngisi nya sa kabilang linya
"At ano naman ang kailangan mo? Minsan mo lang ako tawagan kaya mukang malaking favor yan.." natatawang usal pa nya kaya inis akong tumayo ng maayos at napasulyap pa kay ven na ngiting ngiti
"Ikaw ang magiging partner ni ven sa model party.. At maraming nag lalakihang kompanya ang pupunta kaya wag kang mag kakalat.." diing sambit ko at lumakas ang tawa nya
"Model party? Tsk! Easy.. Pero anong nakain mo ata pinaubaya mo sa'kin si ven?" natatawang tanong nya kaya napapikit pa ako ng mariin
"Hindi ko pinapaubaya sayo si ven.. Ikaw ang ipapaubaya ko sakanya.." pinipigilan kong pag taasan sya ng boses dahil baka kung ano pa'ng masabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE)
Diversos[RedDragon Series #4] "Just learn to rest not to give up" Chloe Jane Scott Damon Bruce Cortton