Crey POV
*tooooot...toooot...tooo--
Padabog kong pinindot ang alarm clock mula sa bedside table ko.
Inaantok pa ko at bahagyang nanakit ang sentido marahil sa hang over ko.
Naparami ang inom namin kagabi. Sabagay ay hindi na rin masama dahil iyon na rin ang huling inom namin. Graduating students na kami at kailangan ng mag-aral ng mabuti.
Isantabi muna ang kasiyahan at pag-aksayahan ng panahon ang pagkuha ng diploma.
Hindi pa man nakakabangon ay biglang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko. Tumatawag si Jake at agad ko namang sinagot ito.
"Oh?" Irita kong sambit, mukhang mangungulit nanaman itong sumabay sa akin at ayaw gamitin ang sariling kotse.
"Ang aga-aga ang init ng ulo mo! Anyway. Pasabay ulit, tol! Hihintayin kita sa labas, bye!" At agad niyang pinutol ang linya.
Inaasahan niya ng tatanggi ako kaya pinutol niya agad. Maparaan ang loko.
Wala akong choice kundi daanan ang loko na 'yon. Sa dami ng kotse niya, hindi niya magawang magamit. Ano 'yon display lang sa garahe at hahayaang mangalawang.
Tumayo ako at naligo na.
Nang makapagbihis ay humarap ako sa salamin."Walang kupas Crey 'D Wilson!" Bahagya kong inayos ang uniform maging ang buhok.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba, naabutan ko naman sila mommy, daddy at kuya sa dining area.
"Goodmorning!" Bati ko sa kanila.
Humalik naman ako sa pisnge ni mommy.
"Goodmorning anak!" Bati niya rin sa akin. "It's your first day. No more kalokohan na okay? Graduating student kana!" Paalala ni mommy.
Tinapik ko naman si dad at kuya sa balikat at binati sila bago ako umupo sa pwesto at bumaling kay mom.
"Ofcourse mom. Last na yung kagabi. And besides magfofocus na ako." Kumbinsi ko pero parang hindi parin kumbinsido si mommy. Kitang-kita sa kunot ng kaniyang noo.
Lumapit ako sa kaniya at yumakap. Kailangan lang nito ng lambing.
"I promised. Don't worry too much. I'll be a good boy." Bumingisngis naman siya at tinapik-tapik pa ang braso ko.
"Fine, son.." Ngiting nakatingala siya sa akin at bumalik naman ako sa kinauupuan.
"Psh. If i know mom may bago na naman 'yang babaeng pagtitripan." Entrada ni kuya. Kahit kailan ay kontra siya palagi sa akin.
I play girls at aminado ako 'don. Hindi ko na kasalanan na biyayaan ako ng sobrang kagwapuhan.
Gini-girlfriend ko sila and after 2 weeks or 3, bine-breakan ko na. Well. I live with this shit. Mukhang hindi pa pinapanganak ang katapat ko. Ine-enjoy ko lang ang pagiging binata ko.
"Oh, c'mon kuya? Just shut up and eat." Banta ko sa kaniya. Paniguradong sisiraan nanaman ako nito kay mommy at daddy.
"Why? Im just telling what is expected to happen. Promise's meant to be broken and you know that lil' brother." Dinuro niya pa ako gamit ang fork na hawak niya.
Magsasalita na sana ako ng magsalita si daddy.
"Enough of that. Nasa harap tayo ng pagkain." Maawtoridad na sambit ni daddy.
Sinamaan ko nalang ng titig si kuya at kumain na.
Matapos ay nagpaalam na akong papasok na. Gamit ang viper sports car ay dinaanan ko si Jake sa mansyon nila.
BINABASA MO ANG
His Boyish Girlfriend
Teen FictionMaluwang na faded jeans, oversized shirt at sneakers. Lalake kung pumorma. Hambog kung umasta. Yes, she's Rein Callen Elfonzo. She's different, maybe because she's not my ideal type. Hindi siya panget at hindi rin naman maganda. Ang lahat ay ayaw ko...