Chapter 3:

797 57 5
                                    

Crey POV

Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi niya pero mas pinangunahan parin ako ng inis.

Ginawa ko lang naman 'yon para inisin siya. Gusto ko makita 'yong ilong niyang umuusok ng dahil sa inis. Pero ang lagay ay ako ang nainis. Kapag siya ang nagbiro ay halos magkandautal-utal ako samantalang siya ay sineseryoso ang biro ko.

"Hey? What is that for? Mukhang ginalit mo 'yong babae." Nag-aalalang bungad ni Jake nang makabalik ako sa table namin.

"Iniinis ko lang, mukhang gumana naman. Hahaha!" Pagmamalaki ko pa.

Kwits na kami, sa paninira niya ng first day ko at pang-gu-gulo sa isipan ko.

"Ininis mo lang? E, halos patayin ka na sa talim ng tingin no'n, ah. Pre naman." sambit muli ni Jake na tila ba masama ang ginawa ko.

"Napagkasunduan natin na magbabago na tayo. We're graduating students at alam mo naman 'yon. Oo, hindi kasama do'n ang pambababae natin pero hindi sa ganitong paraan ang inaasahan kong paglalaro mo, tol." Mahinahon pero nangangaral na dagdag niya.

"Ininis ko lang siya, nothing more ---nothing less. And yes! Magbabago naman ako. Pinagtitripan ko lang yo'n but not in a flingy thingy way. Hindi ko type 'yong mayabang na 'yon." Paliwanag ko sa kaniya habang nakangiwi.

Tanging nadidismayang ekspresyon ang isinukli niya sa akin.

Maloko si Jake lalo na pagdating sa mga babae pero hindi siya katulad ni Drake na walang pakialam sa mga ginagawa ko. He's like my mom kung pangaralan ako. Alam kong concern lang sa akin ang lokong 'to kaya hindi ko magawang kwestyonin ang mga sinasabi niya. Kahit papano ay may punto rin siya.

"Ano ba kasing atraso no'n sayo at pinagtitripan mo? Dahil ba sa nangyari kanina sa hallway? Oh, c'mo--" Aniya pa.

"Yeah! Yeah! It's not a big deal pero sinabi ko naman sa inyo! Big deal sa akin 'yon! At hindi lang naman ako ang napahiya dito kayo rin, pre! Remember?" Pagdidiin ko pa.

Hindi lang naman 'to para sa akin kung hindi para rin sa kanila. Imbes na tulungan nila ako, to get rid of that girl pero eto sila ngayon kung hindi ay walang pakialam ay nangangaral.

"Fine. Do whatever you want!" Nangduduro niya pang sambit. "Ewan ko lang kung hindi 'yan makarating kay tita at tito. Lalong-lalo na sa lolo mo."

"Kung? May magsusumbong.." gamit ang hintuturo ay hinahagod ko ang aking ilong.

Ngiseng-ngise akong bumaling kay Drake. Napangise naman siya at muling bumaling sa babaeng katabi niya. One of his flings.

Si Jake naman ay napailing nalang, nadidismaya.

Kung malalaman lang ni lolo ang mga pinagagawa ko dito ay tiyak na parurusahan ako no'n. Hindi pa kasama ang paghold ng mga credit cards ko at pagkumpiska ng sasakyan maging ang iba pang mahalaga sa akin.

Huwag lang na may magkakamaling magsumbong, baka gusto niyang maging miserable ang buhay niya.

Katulad nalang ng mangyayari sa mayabang na 'yon. Higit pa roon ang kaya kong gawin sa kaniya at nagsisimula palang ako.

Saktong pagkatapos namin ay nagring narin ang bell. Dumiretso sa gym ng dahil sa may announcement. Aquintance ball lang naman ang ipapaalam nila.

Kaya imbes na pumunta sa gym ay pumunta muna ako kay Xiah. Ang dalawa naman ay pinaderetso ko nalang sa gym. Baka ay sermon lang ang matanggap ko sa kanila, lalo na kay Jake.

Agad kong hinanap si Xiah, ang presidente ng fans club namin. Kakatwang nagkaroon pa kami ng fans club.

Kinausap ko siya dahil may gusto akong alamin. Pagdating sa mga impormasyon sa mga students dito, siya ang may malawak na koneksyon.

His Boyish Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon