Rein POV
Napangise nalang ako sa naging reaksyon ng lalaking 'yon kanina. Pulang-pula ang mukha at gulat na gulat ang mga mata.
Binibiro ko lamang siya pero gano'n nalang ang naging reaksyon niya. Kung ibang lalaki iyon ay sasakyan nalang ako pero siya ay gulat na gulat na parang hindi inaasahan ang ginawa ko
'Parang babae.' asik ko sa isip.
"OMG!! Rein! Ang ganda dito!" Abot-abot ang ngiti niya. Umaandar na naman ang pagiging OA ni Luna.
Iyon ang bungad niya nang makarating ako ng room.
Sabagay ay hindi ko rin siya masisisi. Maganda dito at kompleto ang mga pasilidad.
Mapapansin rin ang karangyaan ng mga estudyanteng nag-aaral dito. Maging ang canteen ay may sariling floor sa sobrang laki.
"Nakikita ko." Sarkasmong sambit ko. Napangiwi naman siya.
"Ang KJ mo talaga! At tsaka bawas-bawasan mo yang pagiging sarkastika at baka hindi tayo magtagal dito!" Angil naman ni Luna.
Hindi ko nalang siya pinansin. Paniguradong hindi siya titigil kaka-dada.
Umupo ako sa inuukupang upuan, kung saan nasa gilid lamang ng bintana.
Ibinaling ko na lamang ang sarili sa labas. Ang green na green na soccer field at simoy ng hangin ang bumungad sa 'kin.
Nagkaroon ng kaunting kapayapaan sa isip ko pero dinig ko parin ang mga nagsisitawanan at nagsisipag-usap sa paligid.
Nangibabaw ang tinig ni Luna na siya namang kina-baling ko.
Kaharap niya ang isang bababeng nakasalamin at kalahating lalake na halata sa pilantik ng mga daliri.
"Bakla? Sino 'yang kasama mo?" Sabay na baling nila sa'kin. "Tinalo ang action star, te!"
"Oo nga pala! Si Rein. Bestfriend ko!" Ngiting pakilala niya.
"Hi, Rein! I'm Annika Toledo!" Inilahad naman ang kamay ng nakasalaming babae.
Inabot ko naman iyon. "Hi."
"Hi! I'm Mj Obligo. The one and only dyosang SSG President! Nice to meet you!" Inilahad niya rin ang kamay at inabot ko iyon.
Tumango ako bago bumaling muli sa bintana.
"Unexpected ang ginawa niyo kanina, Rein.." Bigla ay dinig kong sambit ni Annika.
Nangunot ang noo ni Luna at maging ako ay nagtataka.
"Ang alin?" Tanong ni Luna.
Nagkatinginan si Annika at Mj.
"Fyi, mga bakla! Gumawa lang naman kayo ng eksena kanina habang may pa-grand entrance ang mga pa'pa ko." Maarteng paliwanag ni Mj.
"Sila ba may-ari ng hallway para tratuhin rin namin sila ng ganoon!?" Inis na sambit ni Luna.
"Apparently, half ng school pagmamay-ari nila." Ani naman ni Annika.
"Kahit sila pa ang may-ari ng buong mundo, wala akong pakialam. Estudyante rin naman sila katulad natin." Muling sambit ni Luna.
"May point ka, bakla! Pero hina-hinaan mo lang 'yang boses mo at maraming marites dito. Lalo na ang mga echuserang fans club nila." Suhestiyon naman ni Mj.
Marahan lang akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila, bahagyang napapangiwi dahil sa mga nalaman.
"Mayroong fans club sila Crey, Drake at Jake." Bumuntong-hininga pa si Mj.
"Ang mga echuserang 'yon ang kinatatakutan ng mga students dito. Sila ang nagpasimula ng rule na yon. Once na hindi ka sumunod ay sira ang beauty mo buong school year. " Mahinang kwento ni Mj maging si Annika habang lumalapit sa' min.
BINABASA MO ANG
His Boyish Girlfriend
Teen FictionMaluwang na faded jeans, oversized shirt at sneakers. Lalake kung pumorma. Hambog kung umasta. Yes, she's Rein Callen Elfonzo. She's different, maybe because she's not my ideal type. Hindi siya panget at hindi rin naman maganda. Ang lahat ay ayaw ko...