\m/ BIOGRAPHY OF PARAMORE \m/

1.1K 15 6
                                    


AYON SA GOOGLE:

Ang Paramore ay isang dayuhang banda mula Franklin, Tennessee, na nabuo noong 2004. Ang banda ay binubuo nina Hayley Williams, bilang bokalista; Jeremy Davis, bilang bahista; at ni Taylor York, bilang gitarista. Inilabas ng banda ang kanilang unang album na All We Know is Falling, noong 2005; at ang ikalawa, ang album na pinamagatang Riot! noong 2007 na nagkamit ng Platinum sa Estados Unidos at Ginto sa mga bansang Australia, Canada, New Zealand at UK. Ang kanilang ikatlong album, Brand New Eyes ay nailabas noong 2009 na siyang pinakahitik sa masa hanggang sa ngayon.

Taong 2002, sa edad na 13, ang bokalistang si Hayley Williams ay lumipat mula sa kanyang tinitirhan sa Meridian, Mississippi patungong Franklin, Tennessee; kung saan nakilala niya ang magkapatid na sina Josh Farro at Zac Farro habang nag-aaral siya sa isang pribadong paaralan.

Pagkadating niya, nagsimula siya sa paghasa ng kanyang boses sa tulong ni Brett Manning. Bago pa man mabuo ang Paramore, si Hayley at ang bahistang si Jeremy Davis kasama ang kaibigang si Kimee Read, ay magkakasama sa bandang The Factory; habang sina Josh at Zac naman ay nagpapraktis ng magkasama pagkatapos ng kani-kanilang klase.

Ang mga sumunod na naging miyembro ng Paramore ay hindi lubos na sigurado kung kukunin nga ba nilang bokalista si Hayley Williams dahil sa isa syang babae; subalit, dahil sa sila ay magkakaibigan, nagsimula si Hayley na magsulat ng mga kanta para sa grupo. Sinabi ni Hayley sa kanyang mga kabanda nung una nya itong makilala na, "Sila yung mga taong una kong nakilala na ganun na lang yung pagmamahal sa musika katulad ko."

Ang banda ay opisyal na nabuo taong 2004 nina Josh Farro, bilang gitarista; Zac Farro, bilang drummer; Jeremy Davis, bilang bahista; at ni Hayley Williams, bilang bokalista, at nadagdagan pa ng isang gitarista na si Jason Bynum, isang kapitbahay ni Hayley. Nang magpraktis ang banda, nagulat si Jeremy ng malamang 12-anyos lang ang kanilang drummer. Inamin nya na hindi talaga siya umaasang magiging maganda ang pagsasama ng banda sapagkat mga bata pa nga yung iba. Ang sabi ni Jeremy Davis,"Napakaliit talaga ng paniniwala ko sa bawat miyembro ng grupo dahil nga sa batang edad nila. Naalala ko na naisip ko pang hindi magiging maayos ito dahil sa ang babata pa nila subalit ang unang araw ng aming ensayo ay napakagaling. Kung kaya alam kong may ibubuga kami."

Ayon kay Hayley, ang pangalang "Paramore" ay nagmula sa apelyido ng ina ng kanilang naunang bahista. Nang malaman ng ibang miyembro na ang kasingtunog na salita nitong "paramour" ay nangangahulugang "lihim na mangingibig", napagdesisyunan nilang gamiting pangalan ito ngunit gamit ang pagbaybay na "Paramore".

Si Hayley ay orihinal na nakakontrata bilang isang soloista sa Atlantic Records noong 2003. Siya ay ipinakilala kay Atlantic A & R Tom Storms sa pamamagitan nina Kent Marcus at Jim Zumwalt, mga abogado nina Dave Steunebrink at Richard Williams (tagapamahala ni Hayley Williams) at sumunod ang paglagda ng kontrata sa pamamagitan ni Jason Flom. Si Steunebrink at Richard Williams ang nakatuklas kay Hayley at siyang nagpakontrata sa isang produksiyon na di naglaon ay binili ng Atlantic Records.

Ang orihinal na plano ay gawin syang isang mangangawit ng Pop, pero sinabi ni Hayley na gusto nyang tumugtog ng musikang alternative rockkasama ang banda. Sa isang panayam sa HitQuarters, ang A & R ng banda sa Atlantic na si Steve Robertson, ang sabi, "Gusto ni Hayley siguraduhing na hindi namin sya kikilalanin bilang isang artistang sisikat agad at makakaabot sa listahan ng nangungunang apatnapung mangangawit ng Pop.

Gusto nyang siguraduhin na siya at ang kanyang mga kabanda ay makakakuha ng oportunidad na ipakita ang kanilang talento bilang isang banda na gumagawa ng sarili nilang mga awitin."

Ang presidente ng Label na si Julie Greenwald at ang mga tauhan nito ay napagdesisyunang hayaan si Hayley sa kanyang mga kagustuhan. Ang orihinal na namamahala sa banda ay sina Dave Steunebrink; ang tagapamahala ng bandang Creed, sina Jeff hanson at si Mark Mercado.

Ang Paramore ay dapat talagang ipapalabas ng Atlantic Records pero naisipang ng mga humahawak sa banda na mas mainam kung sila ay hindi agad maikakawit sa isang sikat na pangalan. Sa halip, inilabas nila ang kanilang musika sa pamamagitan ng mas naaayong tatak ng Fueled by Ramen.

Ang pinuno ng grupong Warner Music na si Lyor Cohen ay natukoy ang Fueled by Ramen bilang isang tatak na dapat ipareha sa banda at napagdesisyunang rock ang nababagay na tatak para sa banda. Ayon kay Robertson, nang ipakita sa CEO ng Fueled by Ramen na si John Janick, nakita agad nito ang posibilidad ng pagkasikat ng banda. Dumayo rin si Janick sa isang pagtatanghal ng grupo ang Taste of Chaos sa Orlando, Florida upang makitang magtanghal ito sa personal.

Noong Abril 2005, matapos ang maliit at pribadong tugtugan ng banda, lumagda sila sa Atlantic Records at Fueled by Ramen. Ang unang awiting isinulat ng banda nang magkakasama ay "Conspiracy", na di naglaon ay ginamit sa kanilang debut album. Noong 2004, naipalabas ang kanilang banda sa Purple Door. Sa ngayon, nililibot nila ang Timog-Silangan kasama ang mga magulang ni Hayley Williams. Ang sabi niya, "Noon pa man, alam kong iisa lang ang gusto naming gawin. Pagkatapos ng klase, deretso sa bahay tapos ensayo. Iyon talaga ang gusto naming ginagawa para magkasiyahan at hanggang nagyon. Hindi ko iniisip na may isa sa aming nakaisip na lahat ay magiging ganito."

PARAMOREWhere stories live. Discover now