Kristian's POV
Dinala ako ni Oona at Fatima sa clinic pagkatapos nung nangyari sa Library. Sobrang sakit ng braso ko pero di ko ipinahalata sa lalaking yun kanina dala na rin ng pride.
Ayokong magpakita ng kahit anong emosyon sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay may hindi tama.
Kasalukuyang nilalagyan ng sling ang braso ko dahil sa nabalian ito ng kaunti, pero sabi naman ng nurse na 2-3wks lang ako gagamit ng sling at magiging okay na ulit ang braso ko.
Hindi ako makapaniwalang makikipag-agawan saken ang lalaking yun, first time ko lang sya nakita sa school at sa tingin ko ay hindi nya ako kilala.
"Beshee, you okay?" Nag-aalalang tanong ni Fatima. Nagtataka sya kung bakit ganun ang nangyari kanina, pero hindi na naman sya nagtanong. Siguro nahalata nyang ayokong pag-usapan yun. Yan ang kagandahan kay Fatima, marunong syang makaramdam. Kumpara kay Oona na sobrang mausisa.
Isang tango lang ang itinugon ko at sabay sabay na kaming umalis ng clinic.
"Kristian hindi ako makapaniwalang ganun ang ginawa sayo ni Clarise." Naiinis na sabi ni Oona. Base sa ekspresyon ng mukha nya halata yung pagkainis nya. "Pagsasabihan ko yang bestfriend ng Pinsan ko. Tsk!"
"Huh? Bestfriend ng pinsan mo? Sino?" May pagtatakang tanong ko.
"Si Clarise. Pinsan ko kase si Jino." - Oona.
"Si Jino?" Namumulang sabi ni Fatima.
"Jino? Yung kasama nya palagi?" Tanong ko at tumigil sa paglalakad. Pumasok ako sa classroom at naupo sa upuan paharap kina Oona at Fatima.
"Yeah. He's my Cousin. My mom and his mom are sisters." Maikling tugon nya. Napatingin naman ako kay Fatima na hindi na umimik. Nakatungo lang sya at halata ang pamumula ng pisngi, dahil sa sobrang puti hindi mapagkakailang nagba-blush sya.
Dahil sa sinabi ni Oona ay may naisip akong kalokohan. Hindi pwedeng hindi ako makakaganti sa ginawa saken ng lalaking yun. Hindi ako si KRISTIAN JOY HERRERA Kung hahayaan ko lang yung nangyari saken.
"Anong buong pangalan nung kaibigan ni Jino?"- tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko, Clark Louise Espinosa. Clarise for short. Why?"- Oona.
"Nothing. Yung name nya, Too girly." Nakasmirk na sabi ko.
CLARK LOUISE ESPINOSA. Magtutuos din tayo. Wait for my Sweet Revenge. :)
Pumasok na ang proff. namin at nagsimula na rin ang klase.
----
Jino's POV
Hello There! I'm Josh Ivan Natividad Ong. Jino for short. Mr. Happy-Go-Lucky. Masayahin at makulit. At the age of 19 I Started managing my father's airline Business. I know how naughty i am pero i'm a responsible man.
'Want a secret?
Girlfriend ko si Fatima. :) We've been together for 9 Months na. I love her so much. We keep our relationship secret because of the girls around me. They get wild kapag nalalaman na may girlfriend ako. Iba na talaga 'pag pogi. XD
Hey Guys! Keep my secret okay? :)
Bestfriend nga pala ako ni Clarise. Nakakapagtaka yung name nya diba? It's because of Tita Celestine. She really want a baby girl kaso boy ang naging anak nya. Ayaw na naman nya magkaanak ng isa pa dahil masakit daw manganak. :D
So ayun, kasama ko ngayon ang girlfriend ko. Nasa isang tagong lugar kame sa school, dito kami madalas magkita kase kakaunti lang ang nakakaalam ng lugar na'to.

BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero ....
Teen FictionKiligin. Matuwa. Sumaya. Mainis. Maguluhan. Mabadtrip. Maloka At Mainspired sa story ni Kristian At Clarise.