Six

68 2 4
                                    

Kristian's POV

D@mn! Anong ginagawa mo Kristian?! Bakit sumama ka sa kanya?! Piping usal ng isip ko.

Kasalukuyan akong nasa kotse ni Clarise , nung hinila nya ako ay wala na akong nagawa dahil sa sobrang higpit ng hawak nya. Ayaw na yata akong bitawan kasi hanggang ngayon ay hawak parin nya ang braso ko habang nagddrive sya.

=___=

"ANO BA?! HINDI MO BA TALAGA BIBITAWAN ANG BRASO KO?!" Malakas na sigaw ko.

Mukha naman syang nagulat at biglang napapreno dahilan upang tumalsik ako ngunit nakaseatbelt naman ako kaya ang resulta ay nasakal ako. Gets nyo naman diba? XD

"Ba't ka ba sumisigaw? Pwede namang sabihin mo nalang, hindi yung sisigaw kapa. Muntik na tayong mabangga sa ginawa mo." Galit na sabi nito.

"Aba! Ikaw pa ang galit ngayon?! E ikaw nga itong may kasalanan. Kung binitawan mo sana yung kamay ko edi sana hindi ako sumigaw. Hanggang ngayon nga hawak mo parin ang braso ko e, alam ko namang maganda ako pero wag mo namang ipahalatang may gusto ka saken."

Bigla syang namula sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin saken. Binitawan nya ang kamay ko at humarap na ulit sa manibela.

"Psh." Mahinang sambit ko.

Hindi ko na talaga sya maintindihan, 3 wks ko na syang iniwasan tapos kamalas malasan talaga at nakita ko pa sya ngayon.

Sa 3 wks na yun nakikita ko naman sya pero madalas nagtatago ako para hindi nya makita. Pinapalitan ko din yung schedule ko na kaklase ko sya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginagawa yun, kung anuman yun siguro ay hindi pa ako handang alamin.

Napapitlag ako bigla nang magsalita sya.

"I'm sorry." Mahinang sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya. Nakayuko sya at hindi ko makita ang mukha nya. "Iniiwasan mo ba ako? Hindi ka nagpakita saken nung magla-Lunch dapat tayo. Ano bang nangyari?"

Napatigil naman ako bigla at matamang tinitigan sya. Nakaharap na sya saken at base sa mukha nya, malungkot sya. Hindi ko alam pero parang biglang may kumirot sa bandang dibdib ko.

Nakatingin sya ng diretso sa mata ko at halata ang lungkot sa mata nya.

"A-ano bang s-sinasabi mo j-jan!" Pautal na sambit ko. Bakit pakiramdam ko kinakabahan ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nag-iwas ng tingin saken si Clarise at binuhay nya ang makina ng sasakyan nya."Wala pala. Wala."

Tahimik syang nagdrive, ako naman ay kinakabahan parin sa pananahimik nya.

Baka nga kelangan kong magpaliwanag? Hindi ko naman kase alam na Big deal pala sa kanya yung pag-iwas ko.

"A-ahm, Clarise? Sorry sa pa-pag-iwas ko. H-hindi ko kase alam yung irereact ko nung bigla kang nagyaya ng Lunch, alam mo naman diba na hindi okay yung una nating pagkikita. Pumayag ako pero kas---"

"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Okay lang naman yun e. Kung tutuusin ako yung may kasalanan. Dapat nga intindihin ko kung bakit hindi tayo natuloy." Putol nya sa sinasabi ko. Tumingin ako sa kanya at nakangiti na ang mukha nya. Wala na yung lungkot na mababakas sa mata nya.

"Sa ngayon, ipagpatuloy natin ngayon ang date. Pwede naman yun diba? Hindi ka pwedeng humindi. Okay?"

Napangiti ako sa sinabi nya.

"May magagawa pa ba ako? E umaandar kaya ang kotse mo, as if tatalon ako dito para tumakas sayo." Pabirong sabi ko. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya.

Ang babaw ko diba? Siguro nga Maldita ako and All, pero yung mga simpleng words at bagay lang nakakapagpasaya na saken. Siguro dahil narin sa puro materyal na bagay ang binibigay saken para sumaya ako kaya mas naaappreciate ko ang mga simpleng bagay.

Mahal Kita, Pero ....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon