Short UD. Huhu. Sarreeey! Bawi ako sa next update. :) :*
------
Clarise POV
"Dito nakatira ang dati kong matalik na kaibigan na si Clayver. Magkababata kami pero mas matanda sya saken ng isang taon. Lumipat sila sa states nung mag-ffirst year highschool kame. Sa kanya ko nalaman ang lugar na ito dahil dito kame madalas maglaro." Mahabang sabi ko kay Kristian.
Pagpasok palang namin sa Villa ay nakita ko na ang pagkamangha sa kanyang mukha. Marahil ay first time nya sa probinsya. Nakikita kong nasisiyahan sya sa mga nakikita nya. Kahit ako naman ay namangha din sa kagandahan ng lugar na ito.
Matagal na nung huli akong nagpunta dito, dahil na rin sa sobrang busy sa school.
"Ang ganda talaga! Tara magsswimming!" Nakangiting sambit ni Kristian. "Hala! Hindi pala pwede. Wala akong dalang damit."
Sumimangot sya at tumingin tingin ulit sa paligid.
"Wag kang mag-alala, may nabibilhan dito. Tara?" Anyaya ko. Bigla namang bumalik ang kasiyahan sa mukha nya at biglang humawak sa braso ko.
"Tara na! Excited nako. First time ko dito kaya dapat mag-enjoy tayo."
Tingnan mo nga naman, ang babaeng tigre na 'to biglang bumait. Saka ko na iisipin kung bakit ganto sya, sa ngayon mag-enjoy nalang muna kame.
Hinila ko na sya at sya naman ay parang batang nagtatatalon talon habang hawak ang kamay ko.
*dug dug dug dug*
Oona's POV
Shopping dito. Shopping doon.
Kanina pa kami dito sa mall ni Fatima. Sabi ko sa kanya ay magshopping nalang muna kami at mamaya na ang boy Hunting. Syempre paghahandaan ko yun. Wahaha!
Well anyways, ayun nga nagsha-shopping parin kami. Pumasok kami sa isang botique at tumingin ng magandang damit. Maybe i should change my clothes. I want a new one.
Dali dali akong namili ng damit. Madaming tao sa botique kaya nakipagbalyahan ako para makapasok. Opo! Nakipagbalyahan ako. Haha!
Booggsshh!
"Aray!" Malakas na sambit ng isang babae sa likod ko. Marahil natabig ko sya, diba nga nakipagbalyahan ako? Haha. Hindi ko naman sya pinansin at nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga damit.
"The fudge! Are you blind?" Mataray na sambit nito.
Ang ganda talaga ng mga damit. Siguro bagay lahat 'to saken. Bilhin ko na kaya ang botique na 'to? Haha!
"Hey! You ugly b*tch! I'm talking to you!" Malakas na sigaw ng babae.
Napalingon naman ako sa gawi nya at mataman syang tiningnan.
Is she referring to me? Lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao.
"It's you! You ugly b*tch!"
Ugly B*tch?! Huh! So ako pala?
"Me? Huh! I don't know you, you Filthy fish!" Mataray na sagot ko. Nilapitan ko sya. "Ugly b*tch?! How dare you call me names! First, i'm not ugly. Second, we're not close so you don't have the right to call me anything you want. And lastly, yes i'm a Biatch girl so don't mess up with me."
"I'm not natatakot to you noh! Kasalanan mo naman talaga. First time mo bang pumasok to the mall kaya you make siksik na akala mo mauubusan ka?"
"Hoy babae! This is not my first time here. Actually i can live here everytime i want! Maybe you don't know me girl." Sabi ko sa kanya. Sinulyapan ko ang i.d nya at nakita kong sa Crimson university din sya nag-aaral. What a small world huh?

BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero ....
Teen FictionKiligin. Matuwa. Sumaya. Mainis. Maguluhan. Mabadtrip. Maloka At Mainspired sa story ni Kristian At Clarise.