Chapter 3 (Kagandahang muling nasilayan)

389 12 0
                                    

"Janina! Blooming ka ngayon ah!"

"Aba may igaganda ka pala Janina!"

"McVey! Ganda natin ngayon ah!"

Kada makasalubong ko sa corridor, nakatulala at nagulantang. Instant peymuth ako nito ah! Hay parang ganito rin naman ang hitsura ko kahapon ah. Ayon nga sa aking kasabihan, "Maganda today, Maganda yesterday, Maganda everyday". Oh My G!

"Grabe Janina! Sinabihan ka lang ni Pepito kahapon. Lumevel-up ang ganda mo ah! Aba!"

Maya-maya pa, pumasok na si Pepito sa eksena.

Pepito's Point Of View

Sinabi na nga ba't tama ang naging desisyon ko. May ganda pa siya na mailalabas.

"Janina Nicole! Ano ba yan?! Anong paandar yan?!", sigaw ko.

"Sabi mo gamitin ko yung cosmetics na binigay mo sa'kin?! Buti nga 'di nangati mukha ko eh. For sure naman na sa bangketa mo lang yun binili.",sigaw niya sabay batok sa'kin.

'Di na pala niya kailangan ng make-up. Hay nako binilhan ko pa kasi eh. Lalo tuloy kumapal yung mukha ay este yung cream sa mukha.

"Hoy! For your information! Made in England pa yan!"

"Huwoo...ineechos mo lang ako eh.",sagot niya.

"Kung ayaw mo maniwala, edi sige akin na yan!"

"Wag na! Nagamit ko na eh. Tsaka hindi bagay sa'yo."

"Huwoo...kunwari ka pa eh. Gusto mo rin eh"

Infairness naman kasi talaga, bagay naman sa kanya.

"Janina Nicole! oh ano? payag ka na ba maging date ko sa prom? bagay na bagay na tayo niyan!"

"No thanks! Oh sa'yo na yang cosmetics mo! Okay na sa'kin 'tong natural beauty ko."

"Hindi rin bagay yang cosmetics na binili KO PARA SA'YO kasi ang kagwapuhan ko nanalaytay sa dugo ko."

"Oh? Kawawa ka naman sa dugo mo napunta hindi sa mukha mo.", bulong niya.

Hay grabe naman talaga oh! Ano pa ba kasi ang gusto niya para makadate ko siya sa prom? Maghahanap nanaman ba ulit ako sa bahay niya? Bibigyan ko nanaman ba siya ng cosmetics?

"Nako Pepito, ligawan mo na kasi. Alam naman na nating lahat na may gusto rin siya sa'yo eh. Nagpapakipot lang yun!", sabat naman ni Tomas.

"Ito talagang si Tomas puro biro. Siya nga pala Pepito, bakit ba gustong-gusto mong kapartner si Janina Nicole sa prom?", sabat naman ni Johnny.

"Pre 'di ko nga din alam eh. Naiinis lang talaga ako sa kanya. Siguro gusto ko lang talaga siya paglaruan."

"Pre, hindi siya laruan 'wag mo sana siyang saktan.", sagot ni Johnny.

"Oh teka! teka! ano yan Johnny? nagdadrama ka? hoy! prom date lang 'to.", sigaw ni Tomas habang tumatawa ng malakas.

Janina's Point Of View

Pag-uwi na pag-uwi ko sa bahay, sumalubong sa'kin 'tong mga magulang ko na para bang nagtataka.

"Mano po 'Nay! Mano po 'Tay!"

"Janina?"

"Taray ni sister! Lumelevel-up!", sigaw ng kapatid kong si Leonardo (ang kapatid kong bakla).

"Ah! binigyan po kasi ako ng kaklase ko ng cosmetics."

"Nako!!!! tanggalin mo yan! sinasabi ko sa'yo! Janina Nicole McVey! Tanggalin mo yan sa pagmumukha mo! Hindi kita pinag-aaral para magpaganda!", sigaw ng tatay ko.

Nung tinanggal ko naman sabi niya,

"Sige nak! balik mo na lang!", sinabi niya ng pabiro.

"Ah eh anak! Ano bang pangalan nang kaklase mong nagbigay sa'yo niyan at bakit ka naman bingyan ng ganyan?"

"Si Pepito po. Kasi niyaya niya po ako sa prom eh ayoko."

"Si Pepito?! Grabe! Nay! Siya na ata ang pinaka gwapo sa school nila! He's so famous kaya. Tapos ang bait bait pa.", sabat ni Leonardo.

"Oh gwapo naman pala 'tas mabait pa. Choosy ka pa? Grabe naman!", sabi ni tatay.

"'Tay, hindi ko siya type. okay?"

"Hay! oo na sige na! Hoy ikaw Janina! Kunin mo muna ang college diploma mo bago ka mag-boyfriend ha?!"

"Aba! Opo naman 'tay! Sa panahong yun, wala ng single."

Ang Boyfriend Kong GGSS (Gwapong-Gwapo Sa Sarili) [MarNella fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon