Chapter 12 (Totoo na ata talaga 'to)

171 6 0
                                    

     Unti-unti nang nagugustuhan ng totoo ni Pepito si Janina. Kung dati eh trip trip lang nila ng mga kabarkada niya eh ngayon parang unti-unti nang nagiging seryoso si Pepito kay Janina.

Pepito's Point of View

     Ano ba Pepito? Tigilan mo nga yang nararamdaman mo. Oo gwapo ka. Gwapo ka talaga since birth noh pero hindi talaga kayo talo ni Janina. Pero ba't nga ba ganun na lang ang effort mo para walang dumiskarte sa kanyang iba? Gusto mo na ba talaga siya? Ha? Ano ba yan.

"Uy Pepito! 'Di ka ba aattend ng graduation practice natin ha?", sigaw ni Tomas at talon sa kama ko.

     Isa pa pala yan. Paano na kapag gumraduate kami. Kunwari naging kami nga ni Janina, eh magkakahiwalay din kami. Ang hirap kaya ng long distance relationship .

"Nako Pepito! Tama na ang ilusyon! Tara na! Malelate pa tayo niyan sa practice eh."

"Oo na heto na nga babangon na eh."

     Siyempre bago pumasok sa eskwela kailangan maligo muna. Pero bago pa ako makaligo eh...

"Pepito! Tama na yan!", sabay wisik wisik sa akin ng tubig at hatak sa akin.

     So in short hindi na ako nakaligo. Talaga 'tong di Tomas masyadong natatakot dahil mas gwapo ako sa kanya. Hindi niya alam na kahit hindi ako maligo, gwapo at mabango pa rin ako. Inborn kaya 'to!

     Edi pumasok na nga kami sa school. Paglabas pa lang namin ng kotse ay para bang may bg music pa na "Slow Motion". Lahat ay nakatingin sa amin ay este sa akin lang pala. Napatigil silang lahat sa kanilang ginagawa at parang pinipigilan lang nila ang sarili nila na dumugin kami. Nahiya ganon. Datapwat ng pagkatulala ng ibang babae sa campus, pagdating naman ni Janina Nicole ay ako naman ang natulala pero this time hindi slow motion ang nakita ko sa kanya, fast forward. Nakita ko ang future namin. Taray noh?! Must Be Love lang ang peg pero siyempre echos lang yun. In short walang slow motion at fast forward segway lang yun. Basta nung nakita ko siya grabe may sparks talaga eh.

     Bakit ganun? dati kapag nginitian niya ako walang dating sa akin pero bakit ngayon parang...
*dug dug...dug dug*
bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Janina laro tayo basta wag lang taguan kasi ang hirap humanap ng katulad mo.",banat ko sa kanya.

"Hay nako Pepito, ang aga aga ah. Tsaka I'm not into games, gusto ko kasi seryoso lang kapag puro kasi laro sa huli may isa sa'tin ang matatalo at masasaktan.",sagot niya ng seryoso.

     May pinagdadaanan ba itong babae na 'to at humuhugot?

     Pagkatapos nun ay wala na siyang inimik pa at umalis na lang.

     Sa klase, nagdidiscuss kami tungkol sa pag-ibig at siyempre active nanaman ang mga kaklase ko.

" Minamahal kita, kahit languyin ko pa ang karagatang Pasipiko kahit sungkitin ko pa ang mga bituin sa langit lahat ng iyan ay para makamit ko lang ang matamis mong "oo" at masabi mo rin na ako'y iyong iniibig.",isang kataga na galing sa aming libro na gumising sa diwa ng mga kaklase kong konti na lang ay tulog na.

"Buti pa yung lalake sa libro na yan. Grabe kung totoo lang yan, sinagot ko na yan!", sigaw ni Janina.

     Pepito, ano ba yang nangyayari sa'yo? Bakit tinamaan ka bigla? ano nga ba ang nagdadahilan dito sa paa ko na tumakbo papuntang karagatang Pasipiko at pumunta sa NASA para sungkitin ang mga bituin? Pepito...tigilan...mo...ang...sarili...mo...

     Noong uwian na, hinatak ko na ang mga katropa kong nagkakantahan pa sa hallway at f na f pa nila ah. Hinulugan ko na nga lang ng barya yung lata nang matigil na sila. 

Ang Boyfriend Kong GGSS (Gwapong-Gwapo Sa Sarili) [MarNella fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon