Chapter 8 (ToYa Saan Papunta?)

334 10 0
                                    

Janina's Point of View

Hindi na muna tungkol sa'kin 'to. Pumunta naman tayo sa mala MMK love story ni Tomas at ni Ligaya. 

Nagsimula kasi yung pagtingin ni Ligaya kay Tomas nung second year kami. Nung first year kasi ang panget ni Tomas eh. Ewan nga ba namin kung bakit biglang nag-iba hitsura nun. Puberty nga naman. First year kami nun tandang-tanda ko pa na gustong-gusto ni Ligaya si Clyde. Si Clyde kasi yung pinakagwapo sa klase namin nun tapos lagi pa silang nagiging magkatabi kasi magkasunod yung apelyido nila. Pero 'di nagtagal, lumipat sa ibang school si Clyde. At ang lagi nang nakakatabi ni Ligaya ay si Tomas. Nakakairita man yung pagmumukha ni Tomas nun, tiniis niya at habang tumatagal, lalong nahuhulog si Ligaya kay Tomas.

February 14, valentines day malamang.  Nagsagawa yung class president namin nun na kailangan magbigay ang mga lalaki sa klase namin ng kahit 1 rosas lang sa pinakamalapit nilang kaibigan na babae o nagugustuhan. Appreciation kumbaga. Then nung una, walang natanggap si Ligaya pero maya-maya heto na si Tomas papalapit tapos nilagpasan siya. Yun pala eh para kay Jamie yung rosas na yun. Saklap pre. Pero lumipas ang ilang minuto, ito naman si Jarred na may dala-dalang rosas at tsokolate. At binigay niya ito kay Ligaya. Aba'y kay haba ng hair ni Ligaya. 

 Tumagal ng tumagal, kahit na laging dinedema ni Tomas si Ligaya eh gustong-gusto pa rin ni Ligaya si Tomas. Nariyan yung kilala na ni Ligaya ang buong pamilya ni Tomas. Ni si Ligaya nga mismo hindi niya alam kung ano ba nangyayari sa kanya. Bakit na lang ba kasi siya nagkagusto ng ganun kay Tomas. Pag-ibig na nga ba talaga 'to o sadyang paghanga lang?

Tulad ng ibang love story ng estudyante, kapag nalaman ng mga kaklase mo ang crush mo, malalaman na ng buong bayan iyan kinabukasan. Ganun ang nangyari kay Ligaya kaya nga ganoon na lamang ang hiya na nararamdaman niya kapag nagkakagrupo sila ni Tomas sa mga group project. Para bang walang imikan at walang pansinan.

Dati, nagpapasahan pa sila ng group message (ayon kay Ligaya). At katext din daw niya ito pero nung kumalat na ang sikretong malupit ni Ligaya which is ang paghanga niya kay Tomas, hindi na sila naging katulad ng dati. Ang saklap noh? Kung dati nagkakausap pa sila, ngayon hindi na.

Panay na ang asar ng mga kaklase namin kay Tomas at Ligaya kaya dumating ang isang araw, napikon na rin si Tomas. Lahat naman kasi ng tao may hangganan.
"Ano ba! Tigilan niyo na nga...!"

Parang may gusto pang sabihin si Tomas pero tinigil na niya siguro baka makakaoffend lang.

Lumipas ang buwan at taon, sa hindi inaasahang panahon, unti-unting nadevelop si Tomas kay Ligaya. Diba nga 2nd year nagkagusto si Ligaya kay Tomas, ngayong 4th year naman kung kailan unti-unti nang nawawala ang feelings ni Ligaya kay Tomas tsaka naman nagkagusto ng matindi si Tomas kay Ligaya.

Ang Boyfriend Kong GGSS (Gwapong-Gwapo Sa Sarili) [MarNella fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon