Chapter 4

8 5 3
                                    

Gabi na ng naka uwi sila Mommy,Daddy at ate si Mommy at Daddy daw busy sila sa businesses partner nila si ate naman busy din sa school sa mga paperwork's at projects tas may rinush daw silang project kanina dahil hindi nila na asikaso kasi nga sa dami ng requirement sa school nila graduating na din kasi si ate ngayon kagaya ko pero nasa college na siya samantalang ako ay nasa senior high palang si kuya naman nasa first year college na din.

Nagpalit lang ng damit sila ate at bababa na din sila dahil naka prepare na sila yaya ng dinner namin sa sobrang ginabi sila Mommy ay umabot sila sa 7 pm sinundo lang daw nila si ate sa school kaninang 6:40 pm kaya sabay-sabay na silang pumunta dito.

Nang naka baba na sila Mommy ay nagsimula na kaming kumain, tahimik lang kaming kumakain hanggang sa lumipas ulit ang ilang minuto at tapos na kaming kumain. Si ate ay dumiretso kaagad sa kwarto niya dahil sa mga assignments niya sila Daddy at Mommy naman nagderetdo sila sa Office room ni Daddy doon nila ginagawa yung mga tungkol sa business para daw walang storbo at tsaka tahimik daw doon kaya makakapag concentrate sila...ako naman dahil wala akong assignments at iba pa ay nasa living room ako pati na din si kuya ginawa daw kasi niya yung mga projects niya sa school kanina kaya wala na siyang problema.

Nagsawa na kami kakanood sa t.v kaya naglaro muna kami ni kuya ng kung ano-ano at tawa kami ng tawa hanggang sa hindi nagsawa na kami at tumawa lang ng tumawa kapag maynaa-out sa aming dalawa.napa upo nalang ako sa couch dahil hindi ko na kaya ang sakit ng tiyan kakatawa.

Tumigil ako sa kakatawa at naging seryoso pati si kuya ay tumigil din "kuya sa tingin mo may time pa ba sila Mommy sa atin? I mean oo nga malalaki na tayo pero sana kahit every weekend lang naman ay may bonding tayong lahat"sabi ko na malungkot ang expression.

Napa buntong hininga si kuya"baby girl para sa atin din naman yung ginagawa nila Mommy eh wag ka nang malungkot sige ka papangit ka!"biro pa niya pero di ako tinablan.

"Eh kapag kaya nasa fourth year college ka na din kuya parang kay Ate Bexley wala ka na din time para sa akin kapag nagkataon"sabi ko at ipinakita ko sa kanyang malungkot talaga ang expression ko.

"Baby girl hindi mangyayari yon,remember that ha? Kapag may dumating na maraming projects,schoolwork's,assignments si kuya tatapusin ko kaagad yon para maka pagbonding tayo gusto mo yon?"Sabi ji kuya nagsmile naman ako sa kaniya.

"Totoo kuya!!"sabi ko sa paraang excited.
Tumango naman siya.

"Halika nga dito hug mo si kuya"lumapit naman ako sa kaniya at hinug ng mahigpit, si kuya Damein talaga napaka sweet.napaka protective pa haay!maswerte yung mapapangasawa nito!

"Kuya may tanong ako"sabi ko

"Ano yon baby girl?"

"Siguro may girlfriend ka na no?!"

"Siyempre meron!"sabi naman niya proud na proud pa!

"Sino kuya?sweet kayo siguro no?"

"Syempre first girlfriend ko si Mommy pangalawa si Bexley pangatlo ikaw! Kayo lang naman girlfriend ko eh"

"Kuya wag mo muna kami ipagpapalit ha"

"Oo naman baby girl"sabi ni kuya

"Kuya makikisabay ako sayo bukas pwede?"sabi ko tumango naman siya.Bigla naman ako naka ramdam ng antok at nagpaalam kay kuya siya naman daw ay manonood muna ng tv.

Umakyat ako sa second floor kasi nandoon yung kwarto ko dumiretso muna ako sa bathroom para mag shower at magtoothbrush. Nang natapos ako magshower at mag toothbrush ay nagpalit ako ng terno kong pajama at humiga ako sa kama saka ko pinatay yung lamp at natulog.

Luke Dominic's POV

Haay! Mag-iisang buwan na akong nagkakagusto kay Lori at the same time ay nagsstalk sa kaniya gusto ko kasing malaman yung personality niya.

Sa isang buwan ko siyang sinusundan ay may nalalaman din ako sa kaniya una magka batch kami pero magkaiba ng section at strand sayang nga eh
pangalawa mabait siya pangatlo honor student at pang-apat kilala sa buong mundo yung kompanya nila nagulat nga ako nung bussiness partner pala yung mga magulang niya at si Daddy.

Hindi ko nga alam na isang araw ay nahulog nalang ako sa kaniya at palagi ko nalang siyang inistalk hanggang pati sa breaktime ay nagsstalk ako sa kaniya hindi naman ako naglilihim sa mga barkada ko kaya alam na alam nila lahat ng nagyayari sa buhay ko,meron ngang araw na magkakasama pa kaming sumusunod kila Lori yung isa ko pa kasing barkada na si ay may crush kay Angel.

Sana pag nagkaharap na kami ni Lori ay mapalitan yung hiya ng lakas ng loob

Pagkatapos ko dito sa assignment ko matutulog na ako para maaga akong gumising bukas ilang araw ko na kasing hindi nakakasabay si Lori sa paglalakad ewan ko nga ba don mayaman naman sila pero mas pinipili niyang maglakad.

Buti nalang at hindi madami yung assignment na binigay ni Sir Ruiz sa amin napaka strikto pa naman nun dahil yung mga binibigay niyang assignments ay binabasa niya kahit na napaka haba nun ay babasahin niya talaga kaya kaming magka classmates ay stress sa mga assignments namin tapos kapag nag search ka sa google yung mga answers dun ay memorize niya kaya dapat magsikap ka sa pag-answer.

Magiisang oras na nung natapos ko yung assignment ko saka ako dumiretso sa bathroom dito sa kwarto ko para maligo tsaka ako nagdamit ng white sando tsaka black short.

Saka ako humiga sa kama at mabilis naman akong dinalaw ng antok dahil kakahiga ko palang sa kama ay naka tulog ako kaagad.

zzZ...zzZ...zzZ...zzZ

I woke up at 5:15 am nag ready na din ako para sa pagpasok ko sa school tsaka ako dumiretso sa banyo para maligo after makaligo ay nagbihis na ako pang school uniform ko tsaka ako bumaba para kumain ng agahan kasama sila Mom at Dad at ni Kelly my younger sister matapos kaming kumain ay makikisabay ako kila Mommy dahil wala pa akong kotse ngayon, hinintay pa namin si Daddy dahil may nakalimutan daw siya sa kwarto nila Mom may meeting daw kasi sila Dad at parents ni Lori.

Lori's POV

Ang ganda ng tulog ko! Buti nalang at nag alarm yung alarm clock ko kundi tulog pa ako hanggang ngayon nag stretch muna ako bago pumasok sa banyo matapos ang 25 minutes sa banyo at nagsuot ng bathrobe ay lumabas na ako at buti nalang at dinala na ni yaya Mercy yung uniform ko para di na ako bumaba siya kasi yung may trabaho doon sinuot ko naman kaagad yung uniform ko saka ako naglagay ng light makeup tsaka ako bumaba para kumain sa dining area.

Nang maka baba ako ay si ate Bexley at kuya Damein as usual wala nanaman sila Mommy at Daddy napa buntong hininga nalang ako tsaka ako tumabi kay Ate Bexley "nasaan po si Mommy at Daddy?"

"Maaga silang umalis Lori dahil may business meeting sila Mommy"sagot naman ni Ate Bexley last week pa sila ganito ah!sabagay sabi naman ni kuya para saamin din naman ito "sige una na ako maaga akong papasok ngayon may gagawin pa kami ng mga ka group ko"sabi ni ate habang may hinahanap sa bag niya tumango naman kami ni kuya.

Ilang minuto pa kaming kumain ni kuya. At gaya nga nang sinabi ko kay kuya ay makikisabay ako kay kuya mabait naman si kuya, tsaka ko hinintay si kuya sa labas ng gate dahil kinuha pa niya yung kotse niyang Mustang GT nang makarating si kuya sa harapan ko ay sumakay kaagad ako sa passenger's seat tsaka niya pina andar iyon at tinahak namin ang daan papunta sa ISM.

Ilang minuto din kaming nasa daan at malapit na kami sa gate ng Junior High doon ko kasi sinabi kay kuya na doon nalang ako bababa

~~•
Hi Biibies! Thank you for reading Stay Safe, God Bless and Love you all!!❤️
~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••
For more info's please DM me to my accounts
Facebook:Katrina Casculan
Twitter:@ZerrAbii
~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••~~••

I Fell Inlove to my Stalker (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon