Chapter 10

4 2 0
                                    

Sorry for typo's, wrong grammars, unedited. :>

Lori's POV

Pagkagising ko ay nag stretching muna ako bago pumasok sa banyo para maligo, pagkalabas ko ng banyo ay nasa kama ko na ang uniform ko.

Isinuot ko na ang uniform ko at tinawag yung isa naming yaya para magpa braid ng buhok ko ang ganda kasi ng pakatarintas niya ng buhok ko at iba-iba din ang style 'non.

Nang matapos sa pagtarintas sa buhok ko ay bumaba na ako para kumain ng agahan pero konti lamang ang kakainin ko dahilan ng pagdiet ko ayaw ko kasi yung sobrang taba at ayaw ko rin ng sobrang payat kaya kung maaari ay sakto lamang ang aking timbang.

Dumiretso na ako sa dining area ng aming bahay at na abutan ko na silang lahat doon binati ko pa muna sila ng 'good morning' bago ako umupo sa upuang para sa akin.

Makikisabay ulit ako kay Kuya Damein ngayon papasok sa school. Sinimulan na naming kumain tahimik lamang ngunit nabasag iyon nang tumunog ang phone ni  Mom.

"I have to go may meeting pa ako mamayang 8:10 bye, see you later honey" ani Mom sa'min. "Have to go Hon, see you at the office" sabi naman ni Mom kay Dad.

Tumango naman kami at isa-isa kaming hinalikan ni Mom sa pisnge. Saka siya umalis.

Nagtuloy kami sa pagkain at ilang minuto palang ay tumunog din ang cellphone ni Dad. Tinignan niya iyon.

"I have to go my secretary texted me, see you later" Ani Dad at gaya ni Mom ay isa-isa niya rin kaming kiniss sa pisnge.

Tapos na akong kumain at hinintay ko nalang si kuya sa labas ng bahay--harap ng main door namin--kinuha pa niya kasi ang kaniyang kotse sa garage.

Nang maka rating si kuya sa harap ko ay pumasok na agad ako sa passengers seat at saka ko isinuot ang aking seatbelt.

"Are you done baby girl?" Tanong ni Kuya Damein sa akin. Tumango nalang ako sa kaniya bilang sagot. At saka niya pinaharurot ang sasakyan.

Nakarating kami ni kuya sa school at nang makalabas ako sa kotse niya ay nagkawayan lang kaming dalawa saka niya ulit pinaharurot ang sasakyan.

Dumiretso na ako sa gate at ipinakita kay Manong Guard ang I.D ko saka ako tuluyang pumasok sa campus. Nakita ko naman si Angel di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Naglalakad siya. Likod palang ay alam ko nang siya iyon kaya naman binilisan ko ang paglalakad at sinabayan siya sa paglalakad.

"Oh! Lori nandito ka na pala!" Aniyang gulat dahil sa pagsulpot ko. Ngumiti nalang ako sa kaniya tsaka namin ipinagpatuloy ang paglalakad.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa classroom at naupo sa upuan na para sa amin dahil nga wala pa ang una naming subject teacher ay lumapit sa akin si Angel.

Paniguradong may chismis nanaman ito. "Lori?!"aniya.

"Oh bakit?"

"May sasabihin ako sayo"

"Ano?" Tanong ko.

"Baka mauuna akong aalis mamaya pagkatapos ng last subject natin." Ah mukhang nagkamali ako hehe.

"Okay sige." Aniko sabay ngiti kay Angel.

Bumalik na si Angel sa kaniyang upuan at sakto namang dumating na ang first subject teacher namin. Si Miss Flores.

"Good morning class!" Aniya binati rin namin siya.

"Today we have an activity, it's modern dance" ani ng teacher namin.

I Fell Inlove to my Stalker (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon