Chapter 7

9 5 3
                                    


~~•

Natapos ang klase namin kay Miss at paglabas ko sa room ay wala pa si Angel kaya naman napag desisyonan kong pumunta nalang sa building nila since magkatapat lang naman yung building na pinaka-klasehan namin.

Bumaba na ako sa second floor since doon naman yung klase namin saka ako dumaan sa hagdaan at dumiretso na ako sa building nila Angel nasa first floor lang naman sila at alam ko din yung classroom nila kaya hindi na ako mahihirapan sa paghahanap sa kaniya.

Nakarating ako sa tapat nang classroom nila Angel at may ina-announce lang yung teacher nila, tumingin naman siya sa tapat nang pinto---nasa tapat kasi ako nang pinto---tapos isinenyas niyang 'wait lang'.

Tumango nalang ako kay Angel. "Okay class that's all for today and I guess see you on next meeting?" ani teacher nila. Tsaka sila nagtakbuhan papunta sa pintuan.

Yung parang ngayon lang sila nakawala sa hawla yung teacher naman nila tawa-tawa siguro ganon yung ginagawa nila kapag tapos na sila sa klase nila.

Syempre si Angel nakikisingit para mauna na siyang makalabas at syempre dahil nga si Angel 'yon ay nagtagumpay naman siya.

Nagsimula na kaming maglakad ni Angel yung mga kamay niya ayon nasa favorite spot nanaman yung mga yon.

Tinahak namin ni Angel yung daan papunta sa cafeteria for our lunch time, late na kami ni Angel sa tamang oras talaga ng time kasi nga 2 hours yung time namin for our strands.

Kaya nang maka dating kami ni Angel sa cafeteria ay oonti nalang yung tao sa loob yung iba naman ay paalis na.

Dumiretso na kami ni Angel sa counter para mag order nang makakain namin for our lunch since patapos naman na yung iba at kokonti nalang kami dito sa loob nang cafeteria ay hindi na kami nahirapan ni Angel dahil wala ng susunod sa amin na mago-order pero may mga studyante pa namang papasok sa cafeteria.

Nang makuha namin ni Angel yung order namin ay dumiretso na kami sa dati naming spot malapit sa entrance door ng cafeteria.

Nag order ako ng vegetable salad favorite ko din kasi yong vegetables kasi healthy 'yon para sa katawan natin.

Nagsimula na kaming kumain ni Angel, gaya nang dati ay tahimik kaming kumain ni Angel at nang matapos kaming kumain ay tumambay na muna kami ni Angel sa bleachers pero pumili kami ng pwesto dahil yung ibang bleachers ay naiinitan at sobrang sakit yung sinag ng araw kasi 12:57 p.m kami pumunta sa bleachers at mamaya iisang subject lang din kami ngayong hapon at P.E subject namin iyon.

Malapit lang sa amin ni Angel ang gym kaya hindi kami mapro-problema ngunit yung locker room namin ay medyo malayo lang onti ngunit wala iyong problema sa amin ni Angel.

Inilabas ko yung phone ko dahil magche check pa ako ng mga notifs ko sa social media accounts ko. At pagka open ko ng mobile data ko ay maraming nagpop na notifications pero pulos mention lang naman iyon, meron din namang likes and comments sa previous post ko sa Facebook binasa ko ang ilan sa mga comments at ganon nalang ang tuwa ko 'nung ganon nalang kaganda yung mga comments nila.

"Grabe ang ganda talaga ni ate Lori!"

"I love your cover songs nakakakilig dahil sa ganda ng boses"

"Waaa!! Notice me idol!"

"Sana manotice ako nito huhu!"

May ilan pang magagandang comments ang nagpapop gaya ng nakita niyo sa comments nila sa akin ay naga-upload ako ng cover songs ko sa facebook at YouTube account ko nagu-upload din ako sa Instagram pero hindi kumpleto yung video kumbaga parang teaser lang 'yon.

Pumunta naman ako sa YouTube account ko at ganon nalang ang gulat ko nang dumami ang subscribers at viewers ko sa kakapost ko lang na video ko ang subscribes ko na ngayon ay umabot na sa 879k at sa viewers ko naman ay 253k views sobra akong natuwa at dumagdag pa yung mga comments sa post ko.

Plinaplano ko ding mag vlog kapag hindi na ako busy sa school, gaya ng inaasahan ay pati sa Instagram at Twitter ay dumami din ang followers ko nagpapasalamat talaga ako sa mga taong sumosuporta sa akin.

In-open ko yung Twitter ko at nag tweet doon.

"Hi guys! Thank you so much sa 879k subscribers ko on YouTube and thank you sa mga 253k na nanood sa last post ko sa YouTube grabe you made my day! I love you!"

At pinost ko na nga pagka post na pagka post ko palang ay may ilan nang nagtwi-tweets meron ding mga likes doon at natuwa ulit ako sa mga tweets nila, grabe mahal na mahal ko kayo! *insert (Inlove emoji)*

Dumaan pa ang ilang oras at hindi namin namalayan ni Angel na malapit na ang P.E time namin, inaya na ako ni Angel na pumunta sa Girls Locker room naka hiwalay yung locker namin sa mga boys kasi sa sobrang dami ng studyante ay baka iba ibang lockers sila pumunta kaya para hindi daw magulo ay pinag hiwalay nila ang locker room ng boys at locker room ng girls.

Nagpalit na kami ni Angel ng uniform into jogging pants/shorts and P.E t-shirt maglalaro kasi kami ngayon ng basketball and volleyball girls for volleyball and boys for basketball though yung ibang girls ay gusto ng basketball at yung ibang biys naman gusto ng volleyball kaya sabi ni Ma'am ay halo nalang kung sino daw ang may gusto ng basketball basketball lang siya ganon din sa volleyball, yung iba gusto lumipat sa sports kapag daw tapos na yung game nila sa isa, yun 'yong usapan namin last meeting sa Physical Education.

Kaming dalawa ni Angel ay napagdesisyonan namin na sa volleyball ball nalang kami since hindi naman namin alam mag basketball pero pag hindi na masyado si Kuya Damein ay magpapaturo ako sa kaniya.

Lumabas na kami ni Angel sa locker room at dumiretso na sa gymnasium yung iba daw kasi ay nandoon at may nakakasabay din kaming iba pa naming classmates ni Angel.

Nang makarating kami ni Angel sa gymnasium kasama ang iba pa naming nakasabay kanina at hinintay namin yung iba pang classmates namin, tinawag na kami nung teacher namin sa P.E magwa-warm up pa daw kasi kami

Pagkatapos naming mag warm up ay pumwesto na kaming lahat sa gymnasium malaki ang gym namin, sa sobrang lawak at gym nito ay kasya ang dalawang pang sports pero yung basketball ay dalawang ring din iyon nasa pinaka harap nga lang kaming volleyball players yung basketball naman ay nasa bandang likod namin.

Pumwesto na kaming lahat ako ay nasa bandang gitna sa harap ng net si Angel naman ay nasa right side ko at si Realyn naman ay nasa left side ko tapos si Kelly naman ay siya yung nasa serving area ganong din naman sa mga makakalaban namin si Judeah ang nasa harap ko, si April naman yung nasa right side tsaka si Joivie naman yung nasa left side, si Christine naman yung nasa serving area katulad ni Kelly.

Nagstart na kami ng laban bale nasa kalaban ang bola sinerve naman ni Christine yung bola at pumunta sa way ni Realyn kaya tinamaan niya yon at pumunta ulit sa laban at sinubukan nilang tamaan ngunit nauna nilang tamaan kaya hindi nagtalbo-talbog ito.

Patuloy lang kaming naglaro score check: 6-5 bale kami na yung six at yung mga kalaban ay 5.

~~•

[A/N]: Hi Biibiesss! Nagustuhan mo ba ang aking kwento?

If you like leave a comment about this chapter and paki vote na din...LOVELOTSSS!! :*

I Fell Inlove to my Stalker (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon