Untitled Story Part

439 1 0
                                    

Dear Tatay,

Una sa lahat, wag po kayong magalit sa sarili ninyo dahil ginawa ko ito. Wag nyong sisishin ang sarili nyo dahil sa nagawa ko. Ito po ang gusto ko. Di po ako nagsisising gagawin ko ang bagay na ito. Gusto ko lang pong maibalik sa inyo ang kabutihang nagawa nyo. Inspirasyon ko po kayo.

Naalala nyo pa po ba dato? Kahit iniwan na tayo ng inay, di ka pa rin sumuko. Nakangiti ka pa rin sa akin araw-araw. Lage mo akong pinasasaya kahit na naghihirap ka na. Alam ko naman po, tay, na nanhhihina na kayo. Na mas sakit kayo. Di ko lang po initanong sa inyo. Kasi alam kong ayaw mong makita kitang nanghihina dahil baka panghinaan din ako ng loob dahil sa kalagayan ko.

Tanda nyo pa po ba dati? Lage akong nakasakay sa bisiklita mo. Sobrang tuwa ko pa nga po nung tinuruan nyo akong magbike eh! Nung hinayaan mo akong matoto. Lage man akong natutumba, lage mo naman akong inaalalayan patayo at nakangito mong sinabing 'Ayus lang yan anak, sa buhay natin, kinalangan nating marasan ang matumba. Masaktan at magkasugat. Pagsubok lang yan. Ang kilngan mo lang ay bumangon at ipikita sa mundong kaya mo itong lampasan.' Alam kong may iba pang kahulogan ang sinabing mong yun. Naiintidihan ko yon itay, sa mura kong edad noong mga panahong iyon. Tanda nyo pa rin po ba nung umakyat tayo ss puno ng guyabano dahil nakalock yung pinto? Nakay inay yung susi. Nakangiti kang umakyat kahit na may sugat ka dahil sa nagkamali ako ng inapakan. Eh nung kaarawan ko? Diba ginwa mo ang lahat para sumaya lang ako. Iniwan na tayo ni nanay noong mga oras na yun dahil napagod na sya sa kalagayan natin. Ngunit nakangiti ka pa rin. Di mo pinapakitang nasasaktan ka sa pagkawala nya. Gumawa ka pa rin ng paraan para maging masaya ako kaarawan ko kahit na isang beses sa isang araw lang tayong nakakainin noon. Di ka rin sumuko. Buong lakas mong hinarap ang pagsubok na binagay sa atin ng Dyos. Di ka din nakalimot na ipaalala sa aking andyan lang sya palagi.

Nung nagtapos ako ng high school para sa mga pipi, sobrang tuwa mo. Unang beses kitang nakitang umiyak. Ngunit di yun dahil sa lungkot. Dahil yun sa tuwa. Masaya ako nung mga araw na iyon dahil sa unang pagkakataon, nakita ko amg tunay mong ngiti. Walang maskara.. Ngiting galing sa iyong puso.

Mung unang pagbigo ko, dahil sa di ako natanggap sa trabaho. Kasi nga pipi ako, nanatili ka pa rin sa tabi ko kahit na alam nating parehong nanghihina ka na. May sakit ka na sa puso ng mga panahong iyon, ngunit di mo pa rin ako iniwan. Nakangiti ka pa ein paulit-ulit na sinasabing wag mawalan ng pag-asa at wag kalimotang pagdasal at magpasalamat sa Dyos. Diba di nagtagal, nakilala ako sa lugar natin? Dumami ang bumibili sa mga obra ko. Naging mayaman tayo. Nakatanggap ako ng parangal. Sobrang saya ko noon tay! Ngunit.... Sa araw mismo ng parangal, bigay ang katawan mo. Di mo na kinaya kaya kilangan kang dalhin sa ospital. Sinisi ko ang Dyos kung bakit ito nangyare sayo. Sinisi ko sya kung bakit kilan nakaahon na tayo sa kahirapan, saka ka pa nya kukunin sa akin. Ngunit maalala ko bigla ang sinabi mo. Sino nga ba ako para sisishin sya? Diba lahat ng bagay ay naayon sa nakatakda? Pinahid ko ang mga luha ko ng mga oras na iyon. Tumayo ako't ginawa ang isang bagay na alam kong di ko pagsisisihan. Mahal kita ng sobra itay. Kaya patawad sa gagawin ko at salamat sa mga kabutihang nagawa mo kahit di mo talaga ako tunay na anak.

Pinili mo ako kisa kay inay. Di mo pinabaayan. Inisip mo ang kapakaman ko, at ikabubuti ko. Di mo man lang iniisip na ang sarili mo. Mas inuna mo pa ako kisa sa kaligayahan mo. Hanggang dito nalang, tay. Hangad ko ang kaligayahan mo. Mahal na mahal kita. Sana mapatad mo ako sa bagay na ito. Oras na para isipin mo naman ang sarili mo.. Paalam, itay....

Nagmamahal,

Dado

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liham Para kay TatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon