Kakagising ko lang ng tumunog ang cellphone ko. Haysss kay aga aga naman distorbo. Wala akong balak na sagutin ito pero baka importante at emergency kaya sinagot ko nalang.
"Hello?"
"Hello Nichole punta kayo mamaya sa birthday ko ha magtatampo talaga ako pag di kayo dumating."
"Oo naman pupunta kami nu."
"Sigeee at wag mong kalimutan na sabihan siy---"
Di ko na siya pinatapos pang magsalita at binabaan ko na agad. Haha ang sama ko ba ? That's what friends are for aduuh~ Alam ko naman ang point nya dun eh na dapat sabihan ko si Jen na girlfriend niya na dapat pumunta talaga sa birthday niya mamaya. Matik na yun nu!
Nga pala si JB yung tumawag sa akin. One of my friends since highschool actually marami yan sila dakilang friendly yata ako chour. Birthday niya pala ngayon muntik ko ng makalimutan hehe Sorry naman! tao lang po lalong gumaganda.
Nang mag hapon, nag prepare na agad ako. Nagbihis ako ng simple white tops with denim skirts at flats lang, kunting paganda sa mukha and almost done. *krrrrrringggg* nag ring na naman ang phone ko tiningnan ko ito kung sino, Si Jen pala tumatawag.
"Reminisce Nichole Rozivales! Nasaan kana? Late kana naman! kanina pa ako naghihintay sayo myghad nandito na ang squad dali naaaaa bilis!."
Shit! napamura nalang ako ng malaman na late na pala ako. Always naman eh, kahit sa school palagi din namang late hueee. Nagmadali na akong lumabas at nagpa alam kanila mommy at daddy. Mag tataxi nalang ako papunta sa bahay nila JB.
Meanwhileeeeee....
Nang makarating ako sa bahay nila JB. Agad na bumungad sakin ang nakabusangot na mukha ni Jen haysss sorry naman nu. Eh kasi naman natural na talaga sa akin ang pagiging late pag may lakad o kahit ano pa yan. Nginitian ko na lang siya na parang walang nangyari at lumapit na sa kanya.
"Hi beh sorry I'm late"
at aaktong mag pepeace sign.Ngumiti din naman ito at dinala na ako patungo sa kinaroroonan nila JB.
Nang nakita kami ni JB na papalapit sa kanya ngumiti ito. Umiling nalang ako dahil abot tenga ang ngiti niya ng makita si Jen nakooo! ang lakas talaga ng tama ng lalaking tu!
"Hi babe" sabay yakap kay Jen.
"Woooow hindi mo ba ako babatiin bro? Baka nakakalimutan mong nandito din ako. Late nga lang"
Kumalas ito sa pagkakayakap kay Jen.
"Bakit? Binati muba ako ng Happy Birthday ha?"
"Abat! Oo naman syempre ngayon babatiin na kita. Happy Birthday brooo." sabay batok sa kanya.
"yan nalang pala birthday gift ko sayo haha" pahabol kong sabi.
Umiling nalang ito at natawa
dahil sa ginawa ko.Habang kumakain ako sa dine table nila JB, may isang lalaki na naka agaw sa aking atensyon. Tiningnan ko siya, simple lang ito maputi at medyo chinito. Tsk ang totoo naiilang ako sa kanya kasi naman pinapanood niya akong kumakain. Alam mo yung feeling na may nakatitig sayo habang sumusubo ka ng pagkain tapos pag nahuhuli mo naman bigla itong nagplaplay safe na hindi nakatingin damn. Does he even know that staring is rude? Tsk di ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako. Gutom ako nu ang sarap pa ng foods dito sarap ng paborito kong shrimps!
Pagkatapos kung kumain pumunta na agad ako sa round tables which is nasa living room nila JB at nandun silang lahat. Happy talking , laughing and drinking. Syempre hindi naman mawawala yan pag may celebration dba? at tsaka nasa legal age na din kami kaya gooooo lang ng gooooooo.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kanila nakita ko na naman siya at biglang nagkasalubong ang aming mga mata. Yung lalaki, Oo yung lalaking panay nakaw tingin sa akin. I just ignored him anyway hindi ko naman siya kilala baka classmate siya ni JB sa college, nagkahiwalay hiwalay na kasi kami simula ng mag college different schools kasi.
Umupo nalang ako sa tabi ni Jen at kaharap ko naman yung lalaking maputi at medyo chinito, oo tama si Mr nakaw tingin. No choice hayssss.
Habang kami ay nagkukwetuhan at nagtatawanan hindi ko namalayan na lumalalim na pala ang gabi, napasarap yata ang kulitan at tawanan namin. Haha GHAD what a priceless moments.
Nga pala nalaman ko na din ang pangalan ni Mr nakaw tingin. "Lyron Brett Zacharias" that is his name. Don't get me wrong pinakilala kami ni JB sa mga friends niya sa college kaya wag kayo! I'm not interested with his name or even with him. Never!
Hindi kona din siya pinansin kahit panay padin ang pag titig niya sa akin. Tsk ang weird talaga ng taong tu! May pa mysterious effect pa siyang nalalaman hmp.
Pagkauwi ko sa bahay siguro mga 10pm na yun buti nalang hinatid kami ni Kenneth, Kuya ni JB gabi na din kasi. At dahil hindi pa ako masyadong inaantok, Napagpasyahan ko munang mag log in sa Facebook para mag update at tamang scroll lang sa Newsfeed.
*Tinnggggg* Notification"
*Friendrequest* confirm/deleteAlam kong marami ang nag friend request sa akin pero isa lang talaga ang naka agaw ng aking tingin. Lumaki ang dalawang magaganda kung mata nang makita ko ang kanyang pangalan.
"Lyron Brett Zacharias" *confirm/delete* dali dali kong tiningnan ang profile nito and shit! siya nga walang duda. Pero bakit? Nag friend request siya sa akin ? E confirm ko ba tu o hindi?
At dahil na curious ako, Cinonfirm ko siya. Curiosity kills the cat? whatever puzzy
Ilang minuto lang ang nakalipas ng nag nag pop up agad ang messenger ko. Tiningnan ko ito kung sino and shit! Nagchat si Brett.
"Hey. Hi" :)
*seen*
"Why seen?"
Tsk. E sa hindi ko alam kung anong erereply ko sayo. Pero dahil marufok ang ate niyo nag reply nalang ako ng simpleng "hello"
*typing*
damn! ang bilis naman makapag reply.
"Did u recognize me?" :D
Wait! What? Enedew? Haha
"Ofcourse." ito lang ang sinabi ko at dina siya hinintay na makapag reply pa dahil nag log out na ako. Hays makatulog na nga lang, I badly need beauty rest hueee.