Kinaumagahan habang kumakain ako agad na naman tumunog ang cellphone ko. *tinggggg* Nag pop up messenger ko.
"Really? You remember me?"
"Hey"
"Still there?"
"Tulog kana ba?"
Huee ang dami naman ng reply nito.
"Oo dba ikaw yung kaibigan ni JB kagabi." Reply ko.
After a minute. *tinnggg*
Tumunog na naman ang messenger ko."Ay oo hehe :D pwede bang makipag friends sayo?"
Tf ang bilis naman yata nito? Ha! anong mabilis pinag iisip mo jan? nakikipag friends lang yung tao Nichole! Wag kang OA pag sasabi ko sa aking isipan.
Nagreply na ako. It took me a couple of minutes para sagutin ang tanong niya sakin chour. Feeling important ghorl?
"Ahm sure" :D
"Wow sige sige hehe"
reply niya agad hindi ko na din nireplyan. Kakatamad eh, oo tamad naman talaga ako.
Pagkatapos kung maligo chineck ko ang phone ko at nakita ang text ni JB sakin.
"Nic sama ka samin gagala lang sa Mall. Wag mong kalimutan isama si Jen ha hehe."
Gago din ng taong tu! kung tinext niya na lang sana si Jen, hindi yung ako lagi nag iinform sa girlfriend niya. At ginawa pa talaga akong bridge sa relasyon nila ha Abat! Sa ganda ba naman kong tu? Gagawin lang akong tulay!
Tinext ko na din agad si Jen at nag bihis na para hindi ako malate at excited pa naman magkita yung dalawa.
I was just wearing a simple black dress and flats. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin at napa wow nalang ako sa taglay kong kagandahan chour. Maputi ako at Maganda Oo nagmana ako kay mommy na half Australian at kay daddy naman na matangos ang ilong at sobrang gwapo. Sexy din ako kaya humuhubog talaga ang katawan ko sa suot kong dress ngayon.
Nasa labas na ako ng bahay at naghihintay na dumating si Jen at *ting* nandito na nga siya haha ang bilis naman! Early bird talaga tong bestfriend ko. No wonder Opposite do attracts tho'
Pumunta na agad kami sa Mall at nakita sila JB, oo sila dahil may kasama siya at hindi nga ako nagkamali nandito nga si Brett oo tama si Mr nakaw tingin. Pagkalapit namin sa kanila, nagyakapan agad sila JB at Jen. Ngumiwi nalang ako, napaka PDA naman talaga!
"Hi Nic" :D biglang bati ni Brett sakin.
Ha? Nic? Feeling close naman nito. Mga kaibigan ko lang dapat ang tumatawag sa second name ko. Ay oo nga pala pumayag na akong maging kaibigan siya Damn Ass!
"He-llooo" yan lang nasabi ko at parang nauutal pa yata tsk.
Ngumisi na parang aso sina JB at Jen samin. Nakakainis iba pa yata iniisip ng dalawang tu. Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula na akong maglakad para pumunta sa mga stoles dito sa mall. Bahala nga sila hmp!
Pumunta ako sa isang stole dito sa mall which is maraming naka display na mga cute stuffs Omyyy! Di ko mapigilan ang sarili ko na hindi bumili nito ang cute cute naman kasi. While buying some stuffs napatalon ako sa sobrang gulat ng may biglang magsalita sa likod ko.
"Ang cute nu, parang ikaw lang."
Jesus! Anooo ba muntik na akong magka mini heart attack.
"Ha?" Tumingin ako sa kanya.
"Ang sabi ko ang ganda mo ngayon" sabay wink sakin.
Wtf? Anong problema ng lalaking tu. tsk! I just plastered a sweet smile on him not minding that it was sarcastic tho.