CHAPTER 5

12 2 9
                                    

Brett's POV

Shit! Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina.
Ano ba tung nangyayari sa akin? Hindi ko naman yun first time ah at lalong hindi ako baguhan nu! Sanay akong halikan ng mga babae, sanay ako na sila lagi ang nag fifirst move sakin. Kasalanan ko bang ipinanganak talaga akong gwapo? Haha

Lumabas ako ng tent at pumunta malapit sa dagat. Magpapahangin na muna ako dito at para makapag isip2. Tulog na din mga kasama ko sobrang natamaan yata sa alak ang dami ba naman kasing ininom.

Habang nagmumuni muni ako dito sa labas siya lang talaga ang nasa isip at laman ng utak ko. Anak ng pato! hindi ko ma explain ang feelings natu, diko ma explain ang nararamdaman ko sa kanya. Damn it! Hindi naman ako nagkakaganito nuon pag may crush ako lilipas at lilipas din yan. Katawan lang talaga ang habol ko sa kanila alam niyo yun pampalipas oras lang just to have fun and pleasures. Oo aaminin ko, Crush ko siya simula pa nung una ko siyang nakita sa birthday ni JB. Hindi ko naman kasi alam na meron palang magandang kaibigan tung si JB. Napaka ganda at sexy pa ng katawan ugh! What an ideal. Na Love at first sight yata ako sa kanya hindi ko alam basta ang alam ko lang gusto ko siya at ayaw kong mawala pa siya sakin.

Habang pinag pa-fantasyahan ko siya. May biglang kumalabit sa likoran ko paglingon ko Shit! muntik na akong atakihin sa kaba at mamatay sa gulat! Ghad si Nichole pala at nakakunot na naman ang noo nito. Damn it! Bat ang cute cute niya pag nagaganyan.

Bigla siyang nagsalita.

"Hoy Brett! Bat parang nakakita ka ng multo jan!"
"Tss ang ganda ko naman yatang multo." pahabol pa niyang sabi.

Nalaglag ang panga ko! Napaka talaga ng babaeng tu minsan ang hangin talaga alam ko naman na maganda siya, sobrang ganda pa nga eh. Walang katulad.

"Ha? Wa--laaa." Nauutal kong sabi. Damn it! Bat parang nababakla na ako dito!

Tumawa lang siya at napa iling2 dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka makatulog?." Bigla niyang tanong sakin.

"Hindi eh." Tipid ko namang sagot.

"Ako din." Agad niyang sabi.

Wait! What? Iniisip niya din ako? Hindi din siya makatulog dahil sakin? Mutual ba feelings namin? Tsk. Assuming ka masyado Brett.

Shit! Sasabihin ko ba sa kanya na siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog? Ulol! syempre hindi. Hindi ko pa naranasan na magconfess sa isang babae at wala akong plano na gawin yun. Never ever in my damn life!

"Wala may iniisip lang." Sagot ko naman sa kanya.

Tumango tango lang siya at hindi na nagsalita. Akala ko nga aalis na siya pero hindi, bigla siyang humiga sa buhangin at tinatanaw ang mga butuin sa kalangitan.

"Sabi ng lola ko sakin."
panimula niya.
"Pag meron kang matinding iniisip, tumingala ka lang at tingnan ang mga bituin."

Hindi ako nakapagsalita, ang alam ko lang ay sinunod ko ang kanyang sinabi. At tama nga siya ang ganda ng langit ngayon nakikita ko ang mga bituin na kumikislap at ang buwan na sobrang bilog, Full Moon yata ngayon. Sa sobrang ganda nito makakalimutan mo talaga ang mga problema at matindi mong iniisip.

Kalaunay, bigla siyang kumanta tama lang ang lakas para marinig ko ito.

"Smile my only star~
My only star~
Smile on baby~"

Hindi ko alam kung ano ang title ng kinanta niya. Ang alam ko lang ay ang napaka ganda niyang boses, para siyang anghel na kumakanta.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ngumiti pagkatapos niyang kumanta. Ngumiti din naman siya sakin at napakaganda talaga nito. I really cant resist her smile damn! Tiningnan ko ang kanyang mga labi, mapupula ito at napakalambot. Bigla ko naman naalala ang mga nangyari kanina. Yung moment na hindi ako nakagalaw dahil hinalikan niya ako bigla. Ghad talagang nanigas pa ako! Damn it junjun! Calm down.

Bigla niyang hinila ang aking kamay dahilan ng pagkatumba ko sa buhangin, katulad ng posisyon niya ngayon. Nagkaharap kami sa isa't isa at nagkatitigan. Lumapit ako sa kanya at hindi na napigilan ang aking sarili na halikan siya. Nung una hindi pa siya gumagalaw pero kalaunan tumutugon na siya sa aking mga halik.

Damn! I think I'm falling for this girl...

I WAS MADE FOR LOVING YOUWhere stories live. Discover now