Simula nung araw na yun lagi nang nag chachat si Brett sa akin. Nasanay na din ako,
I consider him as one of my friends na din naman.*Tingggggg* biglang nag pop up ang messenger ko.
"Nic busy kaba ngayon?"
-Brett"Nic sama ka samin mag bebeach swimming tayo ngayon with the squad." -JB
"Omy! Beeeeh e prepare mona ang pinaka bonggang two piece mo jan mag swi-swimming daw tayo sabi ng squad." -Jen
Napa-wooow at nganga nalang ako sa mga chat nila sa akin. Teka beach swimming with the squad? So kasama dito sina Cris, Drian, Kate, Mark, Jake and Thea. Yes naman lahat sila couple ow dba ako lang ang wala pero pag may outing naman katulad nalang ngayon. Always akong may dalang partner para you know hindi ako ma out of place dun. Haha
Nireplayan kona sila isa isa. At napagpasyahan ko na si Brett nalang ang isasama ko para naman hindi ako masyadong ma OP. Tinawagan ko na agad siya. *kriiinggg*
Bigla niya agad itong sinagot.
"Hello Nic?"
"Ow yes hello Brett, may favor sana ako sayo. Hehe"
"Yeah sure no probs basta ikaw." He chuckle damn.
"Ahm magpapasama sana ako sayu. May outing kasi kami ngayon with the squad alam mo naman lahat sila may partner, ako lang talaga ang wala." Tumawa ako.
"HA?" So u mean isasama mo ako bilang partner mo? Pagtatakang tanong niya sakin.
"Precisely" :D agad ko namang sagot.
Hindi siya umimik. Matagal siya bago nagsalita, parang kinikilig na ewan. Chour Assuming
"Sige2 sure Nic hehe." Maligaya nyang sabi sakin.
"Alright then, see yah!" At binaba kona. At mag hahanda pa ako ng susuotin.
Linagay kuna lahat ng damit na susuotin ko at syempre di mawawala ang two piece, Sunblock and some personal hygiene. Overnight kasi kami dun. Mas bongga pag night swimming tapos may bonefire pa, tent and star gazinggg waaaah! Maaaahh heart maaaaah' soul! :D
Tinext kona din si Brett sa location kung saan kami magkikita at susunduin nila JB, may dala silang car yung car pala ni Jake ang gagamitin namin, kasi malaki ito parang van. Habang naghihintay, Maya maya ay may dumating na agad. Pagtingin ko si Brett pala, Ngumiti ako sa kanya at napangiti din naman siya sakin aweee.
Few minutes dumating na din sina JB at sumakay na din kami sa sasakyan. Bumati sila kay Brett at tinapik tapik ang balikat nito na parang matagal na talaga nilang kakilala. Yung girls naman yumakap sa akin, namiss daw nila ang taglay kong kagandahan chour. Small things girls.
After a while umupo nadin ako nasa may side ako ng window tapos katabi ko naman siya. Nakakapagod naman ang byahe,
bat ang layo pa ng napili nilang beach resort huee inaantok na tuloy ako. Habang tumatagal napapasandal na talaga ako sa balikat ni Brett bahala siya antok na antok na talaga ako and FYI hindi naman ako naglalaway pag natutulog nu ang ganda ko kaya parang anghel, demonyong anghel ganun.Nagising nalang ako ng may pumitik sa ilong ko pero mahina lang naman. Hende nemen mesyedeng mesheket~
"Hey Nic nandito na tayo." Malambing niyang sabi at agad kinuha ang mga gamit namin.
Kinurap kurap ko pa ang aking mata at maya maya'y lumabas na ng tuluyan. Nauna na palang lumabas si Brett hindi man lang ako hinintay tsk. Napaka insensitive huh?
Paglabas ko, Agad akong napatingin at napa Wow sa magandang resort na ito. Omy! ang ganda naman ng beach resort na ito kaya pala masyadong malayo pero worth it naman hehe, kulay white at medyo pink ang sands nito at blue naman ang dagat napaka linis pa sobraaaa yung parang nasa maldives kalang chour. Lumakad ako at tumakbo papalapit sa seashore, kumuha ako ng sands at parang bata na amaze na amaze dito nagtatalon pa talaga ako sa tuwa hahaha.
Feel na feel ko na sana ang moment ng merong tumawa sa likoran ko. Nagulat ako at muntik na naman magka mini heart attack. Ghad Brett para kang kabute sumusulpot lang kung saan saan!
Tiningnan ko lang siya. Medyo kumunot ang noo ko. Bakit siya tumatawa ? Clown ba ako ha? Ang ganda ko naman yata para maging clown tsk.
Kumunot din ang noo niya At tumawa na naman ulit. Ay loko pala tung tao na tu eh. May sayad na yata tsk!
"Anong nakakatawa?" Sabi ko.
"Wala natutuwa lang ako, ikaw naman kasi ang cute cute mo para kang bata na sabik na sabik maligo sa dagat Hahahaha."
Bigla namang namula ang mukha ko. Hindi dahil sa sinabihan niya akong cute kundi sa kahihiyan, ginawa pa naman akong bata tsk. Whatever baby face naman talaga ako.
Lumakad nalang ako patungo sa kanila at inayos ang tent na ilalagay namin para mamaya Deym so excited :D
Hapon na din ng matapos namin ayusin ang tent. Dalawang malalaking tent ito, one for the girls and one for the boys.
Habang sila ay abala sa paghahanda ng mga pagkain namin para mamaya. Ako naman ay pumunta malapit sa seashore at umupo habang hinihintay ang pag baba ng araw. Indeed sunset for me is everything. Yung feeling na makita ko lang ito araw araw buo na agad ang sistema ko at talagang nakakawala pa ng stress. Lalo pa akong gaganda dahil sa walang wrinkles hehe.
Suminghap ako at tumingin sa langit.
Napakaganda talaga ng sunsets, dito mo marerealize na hindi lahat ng endings ay mapait, masakit at pangit. Sometimes, its wonderful, beautiful and magestic tulad nalang ngayon.
I saw a blaze of colors, oranges, pearly pinks and vibrant purple that scattered along the skyes at talagang sumasabay pa ang ritmo ng alon at ang kulay asul na dagat sa pag lubog ng haring araw. Ghaaad so priceless, what a wonderful world and a beautiful scenery.Pumikit ako at dinama ang moment na ito. First time kong maka experience ng ganitong mga moments, napaka peaceful at nakakawala talaga ng mga problema. Kung gusto ko man mag unwind, sigurado talaga akong dito ako pupunta.
Nag enhale/exhale ako sabay sabi sa sarili ko.
"Indeed I will cherish and treasured this kind of moments. Carpe diem.
Pagdilat ko, lumaki ang mga mata ko ng makita c Brett sa tabi ko habang nakatitig sa akin. Damn kanina paba siya nandito? Bat hindi ko man lang siya napansin.
"Brett?" tawag ko sa kanya kahit alam kong sobrang awkward na talaga ng moment na tu.
"Hmm...sobrang ganda" sabi niya.
"Ako?" Haha pabiro kung sagot. Alam ko naman na yung sunset ang tinutukoy niya eh."
Hindi siya umimik. Ano yun deadma ang beauty ko ?
Bigla nalang siyang tumayo at naglahad ng kamay sakin. Tiningnan ko lang yun at kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya?
"Halikana medyo madilim na bumalik na tayo sa kanila para makapaghanda na sa bonefire." Bigla niyang sabi sakin.
Bumalik naman agad ang ulirat ko at dali daling kinuha ang kanyang kamay upang makatayo na. Sabay kaming naglakad patungo sa kanila na busy sa paghahanda na mga pagkain at para sa bonfire. Masayang nag uusap at nagtatawanan. Ang saya lang nilang tingnan kaya nakisali na din ako hehe.