* * *
TIKTOK-TIKTOKNakatanga lang ako sa orasang nakasabit sa pader ng kwarto ko. It's already passed 2:00 PM but here I am, nakahiga lang. Di parin ako kumakain. Ang bigat-bigat kasi ng pakiramdam ko. Kapag sinusubukan kong tumayo ay bigla naman akong nahihilo. Ramdam ko na ang gutom.
"Peter?" si Joy, napatitig ako sa pader.
"Hmm-?" sunod-sunod akong umubo.
"May iniwan ako sa labas ng pinto mo."
Pinilit kong tumayo at binuksan ang pinto. Nakapatong sa isang monoblock chair ang isang tray. May isang mangkok ng sopas, isang bote ng tubig, gamot at basang towel na nakasabit sa hawakan ng tray. May nakasukbit ding papel na may sulat.
'Take this and get well. Marami pa akong ikukwento sayo kaya magpaggaling ka.
(^v^)
-JSumilay sa labi ko ang kaunting ngiti. Kinuha ko na ang tray saka dinala sa loob. Mainit pa ang sopas, mukhang bagong luto.
"Oh wag mo lang titigan, kainin mo na nahihiya ka pa eh." di ko man nakikita pero base sa tono nya halatang nakangiti sya.
"Yes boss." medyo garalgal man ang boses ko ay nakuha ko pang tumawa ng kaunti.
Nang maubos ko na ang sopas ay ininom ko na ang gamot. Salamat din sa basang towel medyo hindi na ganun kainit ang pakiramdam ko. Tumayo ako papunta sa pader, tinitigan ko lang yung butas. Sisilip 'ba ako? Wala naman atang masama dun diba? Titignan ko lang naman kung anong ginagawa nya at isa pa, sya nga madalas naninilip.
Wag na nga lang.
Kumatok ako ng ilang beses. Nakasuot sa bulsa ko ang kanang kamay ko sa shorts ko habang yung kanang kamay ang kumakatok.
"Joy?" nakarinig ako ng yapak. Patakbo.
"Yes?"
"Thank you." inihilig ko ang noo ko sa pader. "Magkuwento ka naman."
Sa ngayon, gusto ko nalang makinig sa mga kwento nya imbis na isipin si Wendyl. Kahit ngayon lang, gusto kong tumawa na hindi pilit, na hindi iniisip kung ano ang maaring rason ng pag-alis nya.
Ngayon, si Joy lang ang may kakayahang patawanin ako kahit sandali lang."Ganun ba?" rinig ko ang paghatak nya ng isang upuan. "Sige, may i-k-kwento ako sayo." naghatak rin ako ng isang upuan atsaka humarap sa pader.
"May isang daga ang napadpad sa isang bahay. Pangalanan nalang natin syang Moomoo—ay hindi ! Raty nalang pala. Tapos ayun, nakita sya ng pusa nung may-ari ng bahay. Sandali silang nagkatitigan, tila umikot ang kanilang mundo. Unang beses ring tumibok ang puso ng pusa kung kaya't hindi nya ito sinaktan. Nagtagal ang mga araw palagi na silang nagkakasama, naghahati rin sila ng pagkain ng daga. Nagmahalan, and they live happily ever after. The end!" nagkasalubong ang kilay ko sa kwento nyang yun. Sa lahat ng pwede nyang ikuwento yun pa? Napaka-weird nya talaga.
"Ang weird ng kwento mo pati narin ikaw."pailing-iling kong sabi.
"I know, HAHAHAHA."
"Bakit ka ganyan?" naiisip ko lang. Masyado syang masayahin. Sigurado akong mas malungkot yung mga pinagdaanan nya sa buhay.
"Bakit maganda ako?" tumawa sya ulit ng malakas.
"Adik. Ang ibig kong sabihin, bakit sobrang saya mo? "
Hindi sya nakasagot kaagad.Sa halip ay nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga.
YOU ARE READING
IN BETWEEN ROOM 71 & 72 (A short story)
Short StoryStory that began between two rooms. Room 71 & 72 📎Any copy distributed without author's permission is considered PLAGIARISM