FIRST SHOT

31 17 0
                                    


*  *  *

               "Hijo?May tanong ka pa ba?''  Napailing ako sa tanong ni Aling Koring, landlady ng boarding house na tutuluyan ko ngayon. ''Kung  gayon aalis nako ha? " sabi nya bago tuluyang umalis.

                 Pinihit ko ang doorknob at saka pumasok sa loob ng kwarto bitbit ang tanging bag na nadala ko dahil sa pagmamadali. Iniikot ko ang tingin ko sa loob ng maliit na kwartong ito. Hindi na masama. Mas malaki 'to kaysa sa mga naging boarding house ko noon. Gawa sa kahoy ang kwarto, pero mukha namang matibay. Isa-isa ko nang nilapag sa sahig ang mga dala kong bag.

               Sumalampak ako sa maliit na kama, kailangan kong magpahinga muna bago ko ituloy ang paghahanap kay Wendyl. Nag-ring ang phone ko, unang bumungad saakin ang message na galing kay Ian. Napatitig ako sa lockscreen ko na kasama sya. Pareho kaming malaki ang ngiti, nakaakbay ako sa kanya habang nakayakap sya sa dibdib ko.

             Naalala ko kung kailan kinunan to. Christmas party namin nung High School. Yun rin yung araw na sinagot nya ko. Napabuntong-hininga nalang ako. Binuksan ko ang message na galing kay Ian.

[From: Ian

Dre, may balita nako tungkol kay Wendyl. Noong nakaraang buwan pa daw sya pumunta ng states.

                                                    
                                                        4:53 pm.  ]

           Namanhid ang kamay ko sa nabasa kong mensahe. Umalis sya, tapos sa ibang bansa pa. Bakit? Umalis lang sya nang hindi ko alam. Basta isang araw hindi na sya sumasagot sa tawag ko, hindi rin nya ako ni-re-replyan. Sinubukan kong tanungin ang mga magulang nya, pero tinaboy lang nila ako. Wala akong makitang rason kung bakit sya umalis. Ako ba ang rason?

          Sunod-sunod na nagsipagpatakan ang luha ko. Tinapon ko ang cellphone ko kung saan. Narinig ko ang pagbagsak nito. Tinakpan ko nalang ang mukha ko ng unan. Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata. I guess I badly need a rest after a long search for nothing. But she's not nothing for me… Its just that—ang labo na atang makita ko sya uli.

*  *  *  *

             SUNOD-SUNOD na kaluskos ang narinig kong galing sa kabilang kwarto. Napabalikwas ako sa kama nang marinig ko ang palakas na palakas na katok sa pader ng kwarto ko. SHIT. Kinapa ko sa kama ang phone ko pero di ko iyon mahanap.

     "S-sino ka?" sabi ko pa habang winawasiwas sa ere ang ruler na nakapa ko kanina.

     "Hihihihi." hagikhik lang ang sinagot niya sakin. Boses batang babae.

     Pakshet, iharap mo na ko sa buwaya wag lang sa multo. Aba baka isama nya ko sa hukay, ayoko nun. Isa pang kalabog ay napatalon ako sa pinto.

"Ahhhhhh-!"

   Pagkabukas ko ay may anino akong nakita. Magulo ang buhok nito at nakasuot sya ng mahabang puting damit. Sabi ko na nga mult---

"MASYADO PANG MAAGA PARA MANGBULABOG KA NG TULOG, HIJO." nasilaw ako sa liwanag.

"H-ha?"

IN BETWEEN ROOM 71 & 72 (A short story)Where stories live. Discover now