Chapter 7: One cup of kiss

570 15 0
                                    

SUMMER'S POV

Masyado namang clingy tong si Minchie. Ang cute cute niya tuloy, parang bata. :)

Kumain kami at umorder ng pagkarami-rami ang batang to. Ang takaw-takaw ang liit-liit pa naman. Ngshop na rin siya. Tinanong niya ako kung bagay ba'ng mga damit niya. Haist, kung alam niya lang. Bagay naman kasi sa kanya lahat na suotin niya. Nag-enjoy naman ako sa lakad namin ngayon.

Nasa second floor kami ngayon. Papunta na sana kami sa elevator nang may biglang humila sakin. "Summer!" tawag ni Jake na kumikislap ang mga mata. "Buti naman at nagkita tayo dito."

"Ah, eh. Ikaw lang naman ang nakakita sakin," mapait na sabi ko.

"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga, Summer. Kaya gustong-gusto kita, eh!" At sumaya pa ang loko.

"At kaya naman ayaw na ayaw kita, eh," panggagaya ko sa tono niya. Matablan na sana. Ang manhid naman nito. Di ba niya maramdamang ayaw ko sa kanya? Sakit sa ulo.

"Di mo ba talaga ako bibigyan ng chance?" pangungulit sakin ni boy bato. Haist. Tigas ng ulo.

"Sabi ko na diba? Wala akong nararamdaman para sayo."

"Kahit konti lang?"

"Oo."

Pansin kong humihigpit na ang pagkakakapit ng kasama ko sa braso ko. Halatang nagpipigil. Napa-oww naman ako sa sakit ng pagkakakapit niya. Ang sama na ng mga tingin niya sa lalaking kaharap ko. "Pero bakit? May mahal ka na ba?" halos mangiyak-ngiyak na tanong ni Jake. Hindi ako makatingin ng deritso sa kanya.

Ilang segundo pa't nagpasya na akong sagutin siya. "Dahil-" Hindi na ako pinatapos ni Minchie at walang pag-aatubiling inilapat niya ang mga labi sakin. Her lips are so soft and her breath makes me to want more. Pulang-pula pa ata ako ngayon sa apple! Gosh! Is this how a kiss feels like? Damn, it's too good to be true. I feel butterflies in the pit of my stomach at ang init-init ng katawan ko. Did I catch a fever? But it's too good to be a fever. I cannot seem to control myself and I respond to her kiss. We are almost having a french kiss but then, she pulls away.

I almost forgot about everything, that we are still in the mall, that Jake is still here, that we are both girls! It just happened for less than a minute but it feels like hours. Hindi pa ako nakakarecover sa nangyari't tumingin si Minchie kay Jake at nagsalita, "Because of me. You don't stand a chance, you know that. So just go before-" she pauses at huminga ng malalim. "-Bago pa madagdagan ang mga criminal dito sa Pilipinas dahil mapapatay talaga kita kapag hindi ako nakapagpigil!" sindak niya kay Jake pero mas naging cute siya tingnan dahil mababakas pa rin ang accent niya. This girl is so adorable. :)

Gulat na gulat si Jake sa nangyari at hindi na nakapagreact. Maging ako man. Hinila na ako ni Minchie at tumakbo kami sa abot ng aming makakaya at nakalabas na rin kami sa mall.

Gabi na pala. Tapos ano na ngayon? Tinulungan lang naman niya ako diba? Pero pakiramdam ko totoong-totoo yon. Magsasalita na sana ako ng magring ang phone niya. "Hello? What?! Now?! Can't it wait?! I have something important going on in here. But- urghh! Binabaan pa ako! Lagot ka talaga sakin pagdating ko dyan!" Tumingin siya sakin. "I'm sorry, Summer. I have to go. It's an emergency. We'll talk about this pagbalik ko. Bye!" Pumasok na siya sa car niya at binukasan ang window. "I'll miss you!" At umalis na siya.

Ganon lang yon? She kissed me and just left? What would be more important than this moment now? Pero sino ba naman ako para magdemand? She kissed me probably just to help. :(

Pag-uwi ko dumeritso na ako sa kwarto. Humiga ako sa kama. Buong oras sya ang nasa isip ko. Her beautiful face, cheerful smiles and that passionate kiss we shared keep flashing in my mind. Gustong-gusto ko na siyang makita ulit. Ano gninawa mo sakin, Minchie? Mali ito. Maling-mali sa paningin ng iba. Maging ang isipin ko lang ay mali. ~But how can something so wrong feel so right all along? Catch me I'm falling for you~ naman, Toni, nananadya ka pa. But this isn't an ordinary case.

Dapat ko tong ayusin. Kinuha ko ang phone at nagdial ng number. "Pwede ka bang pumunta dito ngayon? I need to ask you something." Ilang minuto lang ay dumating na siya at pinapasok ko sa kwarto ko.

Tiningnan niya akong nag-aalala ngunit di siya nagsalita. Nakaupo kami ngayon sa bed, side by side. "Tyson," nakayukong sabi ko.

"O bakit, summer? You look so down. Parang wala ka sa sarili mo. Nasan na yong cool Summer?"

"T-Tyson pano mo masasabing inlove ka na? How did you know you're inlove with M-Min..chie?" Nakayuko pa rin ako.

"Ah..." Tumingin sya sakin na parang he figured something out at nagpatuloy sa pagsasalita. "It happened so fast. Paggising ko nalaman ko na lang mahal ko na pala siya. Sa tuwing nakikita ko siya sumasaya ako. Bumibilis tibok ng puso ko at parang may umuungol sa tiyan ko pag magkalapit kami. Gutom guro ako.haha Nagugutom sa kakatingin sa kanya. Sa totoo lang mahirap ipaliwanag...Kaya ka pala ganyan. Pansin ko recently may nagbago sayo. Di ko alam kung ano pero meron," nakangiting sabi niya. "sa wakas ang espren ko inlababo na rin! So who's the lucky guy?" He looks at me teasingly. Tch. Kung alam lang niya.haha Ganon ganon ang nararamdaman ko para kay Minchie. The only difference is that I knew the moment I saw her that I felt something for her but I was confused and couldn't accept the fact that I fell for a girl.

"Pero paano kung mali? Mali na mahalin mo siya. That you aren't perfect for each other?" nakayuko pa ring tanong ko.

"Kung mahal mo, mahal mo. wag mo ng dugtungan pa ng what ifs. Yan ang sinabi mo nong nag-aalangan ako. Binabalik ko lang sayo." Tama siya. Kaya pala kailangan natin ang payo ng mga kaibigan o mga magulang when we feel like this. Sadya bang nagiging matalino sila sa mga oras na ito o nagiging tanga lang tayo pag naiinlove?


A/N: Nagustuhan niyo po ba? Sino kaya ang magcoconfess? Si Minchie ba o si Summer? Comment po kayo. Nakakadagdag po ng motivation ang support niyo. Thankies ^_^

Guilty Beauty Love (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon