CHAPTER 33

401 35 1
                                    


TULALA akong nakatingin sa labas habang nagmamaneho si Ace.

Ni hindi ko manlang nagawang kumurap dahil sa gulat ng lahat ng nasaksihan ko.

Gusto kong umiyak ngunit ayaw nang tumulo ang mga luha ko.
Gusto kong magsalita o di kaya'y magwala sa oras nito ngunit hindi gumagana ang sistema ko. Ni ayaw bumuka ng bibig ko ,ayaw gumalaw ng katawan ko.

Ilang beses narin akong sinubukang kausapin ni Ace ngunit ni isa wala itong nakuhang tugon mula sa'kin.

Attorney Santiago's words are still echoing on my head. It shatters my heart , damn it! How could they do this to me!?

Bakit nila ako pinaniwalang patay na sila!?
Bakit nila ako hinayaang maging mangmang sa loob ng dalawang taon!?

Dahil ba sa katigasan ng ulo ko Kaya nila nagawa sakin Ito?

Pinarurusahan ba nila ako dahil sa mga ginawa ko!?

Yeah ,thanks to them nakaya kong bumangon mag-isa at naging responsable but fvck!

They hurt my feelings!Damn it!

Di ko naramdaman na lumuluha na naman pala ako.Nakakainis akala ko ba naman ubos na 'to!?

Tumagilid ako at tumingin sa bintana para di na mahalata ni Ace na umiiyak na naman ako.

"Alyrra tell me please ,I'm fvcking worried here " rinig kong pakiusap ulit ni Ace.

Ramdam ko ang titig nito sa'kin kahit na nakatalikod ako sakanya.

"Not now Ace, dalhin mo nalang ako kina Cami" sinubukan kong ituwid ang boses ko habang nagsasalita.

Narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga nito saka mahinang nagsalita.

Di ko na iyon pinansin ,palihim ko na lamang na pinunasan ang mga luha ko .

Mas masakit pa ito sa katotohanang nagsinungaling  at nagloko sa akin si Ivan.

Bukas o di kaya'y mamayang gabi ay puputulin ko na ang namamagitan sa amin.

Sapat na dahilan na yong tinangkaan niya ang buhay namin.
Sapat na ang lahat ng kahayupang ginawa niya.

Maybe I can forgive him if he asked for forgiveness but I can't forget what exactly he done to my family.

Lumipas ang ilang minuto ay pinarada na ni Ace ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay nila ni Cami.

Awtomatikong napagalaw ako para bumaba na ng bigla akong pinigilan ni Ace at hinawakan sa pulsuhan.

Walang kaemosyon-emosyon ko siyang tiningnan.

Masuyo niya akong tiningnan saka hinalikan ang likod ng palad ko bagay na ikinainit ng pisngi ko.

Ewan ko pero nasa ganito na akong sitwasyon pero nagawa ko paring kiligin dahil sa simpleng paghalik niya sa kamay ko.

"Call me if you needed, Please take care of our child" nagsusumamong sambit nito sakin habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Tipid akong ngumiti saka tumango.

"I will" Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa kotse niya.

Akala ko ay aalis na siya ngunit lumabas rin ito saka siya na mismo ang nagdoor bell sa gate.

Palihim kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang kiligin.

Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil nagawa kong pang kiligin sa kalagitnaan ako ng kapighatian ko.

Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang gate at niluwa ang isang kasambahay nila Cami.

"Ay ikaw pala Miss Aly, magandang gabi pasok po kayo" magalang na sambit ng pinakabatang kasambahay.

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon