CHAPTER 38

329 12 1
                                    

KUMUNOT ang noo ni Aly ng 'di niya mahanap ang anino ni Ace sa loob ng bahay niya.

Kakagising lang niya at si Ace agad ang hinahanap niya.
'Nasaan na naman ang lalaking iyon?' Aniya sa kaniyang isipan at dumeritso sa island counter para kumuha ng maiinom na tubig.
Saka na lamang niya napansin ang sticky note na nakadikit sa refrigerator nito.

'I went out, I'll be back at 7pm to pick you up.I made you a milk inside the cooler, I love you . Take care , my love.'
-ACE

Napangiti na lamang siya sa nabasa, 'di niya alam pero kahit sa napakaliit na bagay na ginagawa ni Ace para sa kaniya ay napapangiti na lamang siya. Kaagad niyang tinungo ang cooler niya saka iyon binuksan at nakita niya du'n ang isang medium size ng baso na may takip na naglalaman ng gatas.

May maliit na heart shape na nakadikit du'n at may kasamang isang pitas ng rosas na bulaklak.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya habang inaabot iyon.
Ace was romantic in a small way.

Kinuha na rin niya ang rosas at inamuyan iyon. Nangingiti siyang naglakad patungo sa living room bitbit ang baso ng gatas at isang piraso ng rosas. Inilagay niya sa vase ang rosas at nakangiting sumimsim ng gatas.

Kahit papano ay marunong ding magtimpla ng gatas ang lalaking iyon' aniya sa kaniyang isip at mahinang natawa.

-----

Nakakasampung minuto palang sa pagkakahiga si Aly ay para na itong isang oras sa kaniya. Kaagad siyang naupo dahil sa nababagot na siya. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader ng kuwarto niya at tiningnan kung anong oras na iyon.
4:20pm pa lang , nag-isip siya ng pwedeng gawin para kahit papano ay malibang naman siya. Gusto sana niyang mag-bake kaso out of stock na ang itlog sa ref niya. Tinatamad naman siyang mag-garden at magpinta.

Isa lang ang pumasok sa isip niya, kaagad siyang nagpalit ng floral dress at nagsuot ng tinted na salamin sa mata.

Gusto niyang manuod ng papalubog na araw , mabilis niyang dinampot ang susi ng limousine niya at pumunta sa garahe.

Mabilis niyang pinatakbo ang limousine papalabas ng subdivision nila , she misses witnessing the way the sun sets in the horizon.

Naaalala pa niya kung paano niya iyon pagmasdan tuwing hapon bago sumapit ang dilim kasama si Ivan.
Bigla na lamang nawala ang ngiti sa labi niya na kanina lang nakapinta. Napalitan iyon ng kung anong kirot at sakit.
'Nasaan na kaya siya sa mga oras na'to? ' iyon ang tanong na bumuo sa isip niya habang nagmamaneho.

Sana ayos lang ito, sana naman ay masaya ito sa naging desisyon niya. Alam niyang masakit iyon para sa part ni Ivan pero iyon na rin naman siguro ang pinakamagandang desisyon na gagawin niya, ang palayain siya.
'Di na niya namalayang nakarating na pala siya sa dalampasigan. Nasa loob pa rin ito ng Maynila , medyo kilala ito sa mga taong peace lover. Sa mga taong gustong mapag-isa, mag-isip o' di kaya'y magmuni-muni. Pero dito din ang lugar upang saksihan ang pag-iisa ng araw at dagat. Ang paglubog nito na may magandang pinta na dala.

Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at tumungo sa buhanginan. Napangiti na lamang siya ng makita ang pinaghalong kulay ng pula at kahel , matingkad na kulay asul kasama ng papalubog na araw. Gusto sana niyang kuhaan iyon ng litrato kaso nga lang wala siyang dalang kamera o 'di kaya'y cellphone.

Ang sarap at ang gaan lang sa pakiramdam na makita ulit iyon, nakakahinayang lang na hindi niya kasama si Ace . Mas masaya sana iyon lalo na't kasama mo yong taong gusto mong makasama sa hinaharap.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng dalampasigan , naghanap siya ng pwedeng mauupuan at nakakita naman siya ng bangko na gawa sa kahoy .

Umupo siya du'n at nakangiting nakamasid sa magandang tanawin habang nakahawak sa bandang tiyan.
"Be healthy baby,kumapit kalang kay Mommy , okay? Dahil sa susunod tatlo na tayo ang Daddy mo ang magmamasid dito" nakangiti niyang saad habang hinihimas ang tiyan.

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon