Para sa mga kabataan...

223 5 4
                                    

Para sa mga kabataan...

Dear Kabataan'sssss...

Kung may problema ka sa mga magulang mo kesyo strict ayaw kang pagalain sa mall o pasamahin sa mga katropa mo kasi masyado pa kayong bata, ayos lang. Payo ko sa inyo "Lahat ng parents, ang gusto lang sa inyo ay ang kabutihan niyo."

Pero kung takot kayong sabihin ng mga katropa niyo na "KJ!" o di kaya naman "Hindi na kita kaibigan, ayaw mo sa aming makisama," payo ko sa inyo bilang isang dakilang taga-sunod sa mga magulang nila, iwanan mo ang kaibigan mo! Kasi at the first place, kung kaibigan ka talaga nila maiintindihan nila ang kalagayan mo na isa kang masunuring anak sa iyong mga magulang.

Kung may problema ka naman sa boyfriend/girlfriend mo o di kaya naman MU lang kayo, wag niyo munang problemahin 'yan. Kapag nasa early 20's kayo o di kaya naman late 20's niyo yan problemahin kasi kung highschool pa lang kayo, mag-aral muna kayo. 

Sabi ng kaibigan ko "Aral muna bago landi." 

So kung ako sa inyo crush crush muna kasi alam mo na, extinct na ang mga lalaking rerespeto sa inyo bilang babae. Hindi ang habol ay ang perlas ng silangan niyo. Kung ganyan rin ang boyfriend mo or kahit mga girlfriend niyo, aba hiwalayan niyo na 'yan. SEX SLAVE ang hanap ni'yan hindi PAGMAMAHAL!!!

Problema sa kapatid. Naku, ganyan rin ang problema ko sobrang related ako dyan. Alam mo 'yung mag-UD ka lang ng story mo sa Wattpad sasabihin 'Lag' raw sila sa paglalaro ng Dota 2. Jusko! Ang sarap hampasin ng laptop tapos kasama pa yung case.

Para mag-fb lang magagalit na kasi matatalo raw sila. Kung maghanap kaya muna kayo ng trabaho!!! 

Para sa kaso ko 20+ na kasi silang dalawa at parehas silang lalaki kaya anong laban ko sa kanila diba! Pero kung ang kapatid mo na mortal enemy mo rin ay babae at babae ka rin o di kaya naman lalaki at lalaki kayo, tapos nagkakaproblema kayo dahil kinukuha ni Pangalawa 'yung undies ni Pangnay o kaya naman kinukuha ni Pangnay ang undies ni Pangalawa payo ko sa inyo...

Lagyan niyo ng pangalan ang undies niyo!!!

Believe it or not effective 'yan, ganyan ang ginawa ng kapatid ko.

Sa mga 16 and up na babae na pinapayagan ng mag-boyfriend pero dahil sa kapatid niyang lalaki hindi siya magkaroon ng BF, payo ko sa inyo hayaan niyo lang sila kasi ang intention lang naman nila ay ang kabutihan niyo.

Kasi ang mga kapatid niyo lalaki pagdating sa pag-ibig at puso ng kapatid nilang babae, kung makabakod mas matindi pa sa magiging boyfriend niyo. Sabi ng kapatid ko sa akin "Kapag may nanligaw sa'yo, bago makatapak sa bahay natin. Babalatan ko muna ng buhay!!!" yan ang sabi ng pangnay kong kapatid pero sa case ni Kuya K "Kapag kasing gwapo ko, payag akong manliligaw sa'yo." 

Kung problema mo naman ang studies mo, payo ko MAGSIPAG. 

Hindi naman sa nagyayabang, nasa star section ako at kapag bumababa ang grade mo sa 85 tanggal ka sa section na 'yon. Sobrang daming requirements tapos sasabog pa ang utak mo dahil sa lecheng mga project, test at longgggg quizes na binibigay sa amin ng teacher namin.

Para ma-maintain ko ang grade ko ang ginagawa, I stop PROCASTINATING. 

Alam niyo ba 'yon? Ayon lang naman yung ginagawa niyo kapag tinamaan kayo ng katamadan ni Juan. Na parang gusto niyo na lang mahiga sa ilalim ng puno at hintayin na malaglag ang mansanas sa puno sa halip na umakyat ka at saka kumuha ng mansanas. Kung umakyat ka mas marami ang possibility na makakuha ka ng mas maraming mansanas kaysa sa maghintay kang lumalag diba?!

Look at this way guys, kung gusto mong manood ng sine o di kaya gumala sa mall or kahit saan lugar kaso ang dami mong assignments, projects and revising for exams tapos tinatamad ka kasi kesyo nakakapagod, magpapakasaya ka muna, masakit sa kamay, masakit sa ulo, kaya ang ginawa mo nagsaya ka muna. Dahil sa pagsasaya mo, nakalimutan mo na ang MGA gagawin mo kaya sa Linggo gahol na gahol ka sa oras at feeling mo na sa impyerno ka na dahil sa dami ng ginagawa mo, tapos masisi mo pa yung teachers mo kasi ang daming pinapagawa, ang masasabi ko lang...

BALIW KA BA!!! IKAW ITONG HINDI NAG-IISIP TAPOS SISIHIN MO TEACHERS MO!!! (Caps-lock para intense)

Kung ginawa mo muna lahat ng gawain mo bago ka maglalandi sa mall, eh di hindi ka sana hindi ka nakapagpuyat at pumasok ka sa school na mukha kwago dahil sa laki ng eyebags mo tapos kamalas malasan mo pa nakita ka ng crush mo na mukhang haggard, o diba nakakahiya?

Kaya dear students or should I say STUPIDENTS! ARAL MUNA!!!! 

Trust me guys, kung ipupush mo lang ang sarili mo na maging magaling sa pag-aaral at maging masipag, one day you will say thank you sa writer nito na sumpal sa inyo ng katotohanan at sinabi na "MAS MAHALAGA ANG PAG-AARAL KAYSA SA FUN!!!"

Kasi ang word na 'Fun' doesn't last kasi simply it was just fun but it was worth it? Kung mag-h-hardwork ka diba mas worth it kasi alam mong may reward sa dulo. 

Haay... ang dami na ng nasabi ko. Kung gusto niyo ng payo tungkol sa pagiging TEENAGERS comment lang, kahit anong tanong sasagutin ko basta kaya ni Mr. Mind ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Kabataan...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon