"Kuya, hindi mo na ko kailangang dalhan pa ng mga prutas. I can buy those." Sita ko kay kuya.This is the first week na di ako sa kanya nakatira. Namiss nya raw ako kaya binisita nya ko. How sweet.
"Jane, how are you? You know how worried I am that you're not in my custody anymore. How's marriage life?"
Napabuntong hininga nalang ako sa tinanong nya. Actually, dalawang araw na kaming di nagkikita ni Matt. Maaga syang umaalis at gabing gabi na kung umuwi. Aalis syang tulog pa ko at dadating syang tulog na ko.
"Hey, don't stress yourself. Nakakasama sayo yan. Alam ba nya ang tungkol sa sakit mo?" Namulagat ako sa sinabi ni Kuya Jerson
"Don't tell him kuya." Nakayuko kong sabi
"Luisa Jane! Alam mong galit ako sa mga taong nananakit sayo!" Nagulat ako sa sinabi ni Kuya.
"I know kuya but--"
"Kailan pa yang pasa mo sa balakang?! Si Matthew ba may gawa nyan?!"
Nanlaki ang mata ko. Nakataas pala ang gilid ng tshirt ko. At kitang kita yung pasa ko. Ito yung tumama sa lababo. Kahit apat na araw na ang lumipas di pa rin nawawala.
"Ah-- Eh kasi Kuya tumama ako sa lababo eh. Pero pagaling na yan." Ngumiti ako sa kanya ng bahagya. Napabuntong hininga sya.
"Malaman ko lang Jane, na sinasaktan ka ng asawa mo. Kahit sino pa sya ako makakalaban nya." Masamang tingin na sabi ni kuya.
"Super protective mo talaga kuya. Kaya love na love kita eh." Sabay yakap ko sa kanya.
"Sus. Ipaghanda mo ko ng makakain. Kanina pa ko dito di mo manlang ako maalok ng pagkain."
Sabay kaming natawa sa sinabi nya. Inaya ko na sya sa kusina para kumain. Ilang araw na kong naghahanda ng pagkain at nasasayang lang dahil ako lang ang kumakain. Nagluluto ako ng pang dalawa kaso di rito kumakain si Matt.
***
Alas kwatro na ng hapon at nandito kami sa salas ni Kuya nanonood ng movies nang biglang dumating si Matt.
"Oh, Jers nandito ka pala." Bati ni Matt sa Kuya ko at nakipag fistbump.
Matalik na magkaibigan si Kuya Jerson at Matthew noon. Pero nung umalis sya nagbago na ang lahat.
"Oo pre, pero paalis na rin ako. Binisita ko lang si Jane." Sabi ni kuya nang hindi nakatingin kay Matt.
"Nga pala, LJ magbihis ka. May pupuntahan tayong dinner meeting mamyang 6pm. Wear something casual." Yun lang ang sinabi nya at umakyat na sya patungo sa kwarto nya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Ganyan ba makipag usap sayo yang asawa mo? Wala manlang kasweet sweet. Tsk." I chuckled
"Kilala mo naman si Matt kuya. Di sya sweet na tao. Hahaha. I gotta go. Mag aayos na ko para sa dinner mamaya. Hihi." Excited na sabi ko sabay tayo na sa couch.
"Aalis na rin ako. Just contact me if you need something or if there's something wrong. Okay? I love you sis. Take care." Paalam ni kuya
Niyakap na nya ko at kiniss sa noo. Sabay labas na nya ng bahay.
Super sweet talaga ni Kuya. Kaming dalawa na ang magkasama simula ng maaksidente sila mommy 5years ago. Car accident ang kinamatay nila. Si Kuya na ang tumayong magulang ko simula non. Sya na rin ang namahala ng business ng magulang namin. Hindi ako pwedeng sumabak sa mabigat na business dahil sa kalagayan ko. Kaya pinilit ni kuya na kayanin hawakan lahat ng naiwan ng parents namin.
Si Kuya na rin ang kasama ko ng ma diagnosed akong may cancer sa dugo. Kaming dalawa lang ni Kuya ang nakakaalam nito. Pati na rin ang mommy at Lolo ni Matt. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko.
Noon pa man ay gustong gusto na ko ng pamilya ni Matthew para sa kanya. Kaya nung sinabi ko sa kanila ang kalagayan ko ay agad nila kaming in-arrange marriage. Sobrang tuwang tuwa ako nung in-announce ang kasal namin. Kabaliktaran ni Matt.
Simula ng umalis sya at bumalik dito sa Pinas ay nagbago na ang ugali nya. Tila nakalimutan na nya lahat ng tungkol samin. Kung paano sya mag alala sakin noon kapag nadadapa ako. Kung paano sya tumawa pag kasama nya ko. Kung paano nya ko hawakan ng may ingat. Kung paano nya ko titigan na parang ako ang pinakamaganda at pinakamahalagang babae sa kanya.
Lahat yun wala na. Hindi ko alam kung anong ginawa ko o nagawa ko para magbago sya. Wala akong balita sa kanya simula ng umalis sya. Nagulat nalang ako ng dumating sya dito na may masamang tingin sakin.
*Knock. Knock*
Nagulat ako sa katok na galing sa pinto ng kwarto ko.
"Di ka pa ba tapos jan Luisa Jane? Anong oras na." Naiinis na sabi ni Matt.
Oo nga pala. Tapos na ko mag ayos. Isang simpleng black fitted dress lang na above the knee ang sinuot ko. Sleeveless ito kaya kitang kita ang malaporselana kong kutis. Naglagay nalang ako ng scarf sa leeg ko at kinuha ko na ang purse ko saka binuksan ang pinto.
"Sorry Matt. Nahirapan kasi ako maghanap ng damit." Sabi ko nalang sa kanya.
Nakita ko naman syang sinipat ako mula ulo hanggang paa sabay palatak.
"Tsk. Too sexy. Tss." Narinig kong bulong nya. Napangiti naman ako.
Naaappreciate nya rin pala ako.
Sumakay na kami sa kotse nya. As usual di nya ko pinagbuksan ng pinto. Napaka ungentleman talaga nya.
Buong byahe kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Maingat syang magdrive. Yun ang napansin ko sa kanya. Mangilang ngilan din syang napapalingon sakin. Pero hindi ko pinahahalata na napapansin ko yun.
"Ehem." Nagulat ako sa pag ubo nya. "Wag na wag kang magkukwento ng kung anu-ano mamaya sa dinner meeting. Big investors ang makakaharap natin mamaya." Nagtaka naman ako bakit kasama pa ko.
"Ahm, Can I ask? Bakit sinama mo ko?" Napalingon sya sakin saglit at binalik na ang tingin sa daan.
"Because my f*cking ex is there. Isa sya sa investors ko ngayon."
Natahimik ako bigla at napayuko. Nandun ang ex nya? May ex na sya? Sabagay di na yun lingid sa kaalaman ko. Sa America sya galing kaya imposibleng wala syang maging ex dun. That's a liberate country.
"Oh? Bat natahimik ka?" Tanong ni Matt
Maingay ba ko kanina? Tsk.
"Ahhh, wala. Di mo na dapat ako sinama." Nakayukong sabi ko.
"You need to be there. Guguluhin lang ako ng ex ko. Ayaw nyang maniwala na kasal na ko. Kaya kailangan nandun ka. Ayoko ng distractions."
Naguluhan naman ako bigla sa sinabi nya. All of a sudden magpapakita sya isasama ako sa meeting dahil nandun ang ex nya. At higit sa lahat we're having a conversation now. I dunno. Naguguluhan ako sa nangyayari.
"We're here. Act like we're sweet." Bumaba agad sya ng kotse at lumakad papunta sa pwesto ko pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan akong bumaba sa kotse.
Sana ganto nalang palagi. Kahit acting lang. Masaya na ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss' Wife
Random"I now pronounce you Mr. and Mrs. Matthew Lewis. You may now kiss the bride." Nagtilian ang mga tao sa loob ng simbahan. Ngiting ngiti ako habang unti unting inaangat ng aking asawa ang belo na nakapatong sa aking ulo. Bago nya ko halikan ay binulun...