1

76 1 5
                                    

Maagang nagpunta dito ang may-ari ng bahay at dahil sa kanya nagising ako ng maaga tapos ang ibubungad niya lang sakin ay ang paalisin ako ng wala man lang pasabi? Nagbibiro ba siya?

"Hindi po pwede ang sinasabi niyo. I already paid for advanced!"

"Mag-impake ka na kasi dahil may ibang mangungupaan dito na hindi sinisira ang lugar'ng ito."

What?

"Ate,  kakagising ko lang tas papaalisin mo ako agad-agad ng wala man lang pasabi? Hindi naman siguro tama ito."

Ni hindi man lang ito nakinig at agarang pumasok  sa kwarto ko kasama na rin ang ibang tao sa labas na nakatingin habang tumatawa pa.

"Anong ginagawa niyo?" Pagtatanong ko ng nakitang itinatapon niya ang mga damit ko.

"Dinudungisan mo ang bahay na ito." simpleng sagot niya habang ako naman kinukuha lahat ng tinatapon niya.

"Hoy! Isa nalang talaga! Pag ako hindi makapagtimpi matanda ka, papatulan talaga kita!"

This is sick!

Hindi siya nakinig kaya kinuha ko ang lumang suitcase ko at ipinasok doon ang mga gamit ko.

"Ginagawa mong bar ang bahay ko. Kung sinu-sino nalang ang lalakeng pinapasok at tinitira mo ditong malanding babae ka!"

"Hndi ko alam na dapat pala kayong mangialam sa personal na buhay ng nangungupa sa inyo?"

"Hindi ako nangangarap magkaroon ng anak na kagaya mong napakarumi. "

"Pwes, hindi ko rin pinangarap na magkaroon ng nanay na kagaya mong chismosa at pakialamera sa buhay ng ibang taong hindi mo naman pinapakain at obligasyon!!"

"Umalis kana, kundi tatawag ako ng pulis!" pagsigaw niya.

"Ooooo! Aalis talaga ako dito," I paused and looked around " Aalis ako dito dahil maraming pakialamera. Para kayong mga walang trabaho dahil buhay ko lagi ang inaatupad niyo mga putang ina kayo!!"

Pagkatapos kong mailagay lahat ng gamit ko ay naglakad na ako palabas.

Ang init ng panahon ay sumasabay sa utak ko na parang sasabog sa tindi ng galit sa mga taong hindi ko naman inaano.

"Mabuti naman at aalis kana? " sabi ng malditang ali kahapon na may manyak na asawa.

"Ang asawa mo kasi minamanyak ako kaya aalis na talaga ko."

"At bakit naman kita paniniwalaan, ha?"

"Tanungin mo asawa mo," tinignan ko ang lalaki sa gilid niya kaya bumaling naman siya doon "bakit niyo po pala ako sinisilipan sa banyo? Sana pumasok nalang kayo para less effort. "

Nanlaki ang mga mata nila at nakita ko ang pagbalatay ng iritasyon sa mukha nila. I laughed at them. Tyempo naming lumabas na ang may-ari ng bulok na bahay na ito kaya inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Akin na ang advance payment ko!"

Imbes na ilagay ito sa kamay ko ay tinapon niya pa ito sa sahig. Wala akong nagawa kaya pinulot ko nalang ang napakagusot na dalawang libo.

Okay na ito. Wala na kasi akong pera at maghahanap pa ako ng trabaho.

"Sige, alis na ako. Salamat sa inyo."

Mga bwesit kayo! Ang sarap pahalikan ng bibig niyo gamit ang kamao ko ng matigil na iyan sa chismis!

Umalis ako doon at naglakad ulit. Nakakita ako ng isang karinderya kaya tumigil muna para kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me encontreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon