( 𝗧𝘄𝗼 )

5 0 0
                                    

"Sweetie did you know him?" tanong ni mommy kaya nag-angat ako ng tingin.

"Ah....Yes po." sagot ko.

"So...That's it! Then let's eat." sabi niya.

Agad naman akong umupo sa may bakanteng upuan kung saan katabi ko si Woojin.

Sobrang kaba ang aking naramdaman ngayon habang katabi siya. Hindi pa rin ako makapaniwala.

~~~

Gabi na ngayon. Kakatapos lang namin kumain ng dinner.

'Ang bilis talaga ng panahon' sabi ko sa isip.

Nandito kami ngayon ni Woojin sa may terrace ng kwarto ko. Nagpapahangin. Matapos kasi ng meeting kanina ay pinayagan kaming mag-usap muna.

"I-ito pala ang dahilan mo?" kabado kong tanong.

Nabaling ang tingin niya sakin.

'Ang ganda talaga ng mga mata niya! Ang gwapo! Mayghaads!' sabi ko ulit sa isip.

"Yes...." He sighed pero kalaunan ay ngumiti na rin.

"Nung pinakita kasi ng mga magulang ko ang pictures mo....." pabitin niyang sabi.

"A-ano?"

"Nagandahan ako sayo." sabi niya tas biglang ngumiti.

Pagkasabi na pagkasabi nya ay bigla nalang tumugtog ang 'Dalagang Pilipina' kaya wala sa sariling napa-action ako.

"Isang dalagang pilipina yeah! Isang dalagang pilipinaaaa~"

"Heyy! Naririnig mo ba ako?" biglang tanong niya kaya nabalik sa tama ang pag-iisip ko.

Lihim ko namang binatukan ang sarili. Kung ano-ano na lang pinag-iisip mo y/n!

"Ano nga pala 'yong sinabi mo?" tanong ko rito.

"I said, unang kita ko pa lang sa pictures mo alam kong wala na akong magagawa kasi 'yon ang gusto nila....Ang gusto ng mga magulang ko." sabi niya habang may lungkot ang mga matang nakatingin sakin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"And...siguro naman tama lang 'to kasi....kasi mukhang masaya ka namang kasama." sabi niya kaya napatingin ulit ako rito.

Nakangiti na siya. Pero kitang-kita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Napangiti ako tsaka hinawakan ang kanyang mga kamay.

"H-huwag mong pilitin ang sarili na maging masaya....Kung gusto mong umiyak, nandito lang ako." sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kanyang mga kamay.

Walang pag-alinlangang niyakap niya ako at humahagulhol ng iyak.

"H-hindi ko ginusto to y/n, dahil ayokong mawalay sa kanila..." nakikinig lang ako sa kanya at hinayaan siyang umiyak.

"Mahal na mahal ko ang mga kagrupo ko....Pero wala na akong magagawa."

Hindi ko na namalayan na umiiyak na rin pala ako.

"M-may magagawa ka pa...Hindi pa huli ang lahat." sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod.

Napatingin ako sa mga bituin habang nakayakap pa rin sa kanya. Nakita ko ulit 'yong kulay blue na bituin na may kalakihan at nagniningning.

'Masaya ako pero..... parang may mali. Parang lahat ng ito ay isang panaginip lang. Parang pinaglalaruan lang ako ng tadhana.'

Napaiyak lalo ako sa iniisip. Pumikit ako.

"Ayaw ko nang magising pa. Gusto ko pa siyang makasama pero...hindi maaari. May mga naghihintay sa kanya at pati na rin sakin. Kaya sana magising na ako kahit....kahit masakit." buong puso kong sabi sa isip at tsaka inisip 'yong bituin na nagniningning na para bang kinakausap ako nito kapag nakatingin sa kanya.

Pero sana lahat ng 'to ay......

"Totoo." bulong ko.

 BITUIN ( Short Story ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon