Y/N POV.
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan namin patungong bahay.
Napabuntong hininga ako ng malaman ko ang rason kung bakit ako pinauwi.=Flashback=
"Nananana Nanananaaa"
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na ang tugtog ay 'My pace ng Stray Kids'.
"Sagutin mo muna yan y/n, baka importante." sabi ng guro namin sa history.
"Opo." sagot ko.
Dali-dali ko itong kinuha sa bag at lumabas ng room.
"Hello Mom?" sagot ko kay Mommy sa kabilang linya matapos kong makita ang kanyang pangalan sa screen.
"Sweetieee! Umuwi kana ngayon din! Bukas na ang meeting para sa arrange marriage mo! You need some beauty rest! Naku mamemeet mo na bukas ang mapapangasawa mo kaya kailangan maganda ka---ay maganda ka naman talaga mana ka sakin eh! Oh siya, 'yon lang. Gotta go na. Byeeee!"
-Toot-Toot-
Kaagad niyang binaba ang tawag nang hindi man lang ako nakapagsalita.
I sighed.
"Bukas na pala 'yon. Ang bilis ng panahon." sabi ko sa sarili at kaagad bumalik sa loob ng room.
=End of flashback=
"Nandito na po tayo." napukaw ako sa aking pag-iisip ng magsalita ang driver namin.
"Kuya Arnold naman, sabi ko sa inyo 'wag na po kayong mag'po' sakin. Nagmumukha akong matanda niyan eh!" saway ko kay Kuya.
"Pasensya na po--este y/n." nakangiti niyang sabi. I also smiled to him.
~~~
Napabuntong hininga ako habang nakaupo dito sa may terrace ng kwarto ko.
'Bukas na ba talaga? Eh kung maglayas kaya ako?'
Bigla akong napailing sa aking mga iniisip.
Napatingin ako sa langit. Ang daming bituin. Napangiti ako. Bituin talaga ang isa sa mga happy pill ko. Pero agad ring napawi ang ngiti ko ng maisip ang balita kani-kanina lang na umalis daw ang bias wrecker ko na si Kim Woojin sa Straykids.
Bigla na lang akong napaluha. Fan na fan talaga ako ng Straykids. Kung pwedi ko lang ibuwis ang buhay ko para maibalik si Woojin, ginawa ko na. Basta ako OT9 FOREVER ❤!
Pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa mga bituin. Napansin ko ang kulay blue na bituin na may kalakihan at nagniningning.
"Kung ano man ang dahilan mo. We will support you. I will support you Kim Woojin. We love you." buong puso kong sabi habang nakangiti.
~~~
"Argggg! Manganganak na yata akooo! Chaniieee darliinngg! Help!"
"Wait darling! Tinitingnan ko pa ang abs ko kung nabawasan ba ng isa."
"T*ng*na! Bilisan mo kung ayaw mong mamatay ang pinakamaganda mong asawa sa balat ng luppaaaa!"
"Nandyan na nga!"
"Aaahhhh!"
---
"Ahh! Aray!" Napadaing ako ng maramdaman ko ang isang palad na dumapo sa aking pisngi.
Napabalikwas ako ng bangon.
"Nananaginip ka na naman! Nakung bata ka! Adik na adik ka na talaga dyan sa kpop-kpop na yan! Sobra ka pang nakadrugs!"
Si Mommy pala ang nandito.
"Mommy naman! Ba't mo 'ko sinampal?" sabi ko habang nakanguso at hinihimas ang pisngi.
"Ginigising kita kanina pa eh ayaw mo namang magising kasi sarap na sarap ka sa panaginip mo! May pa Chanie darling ka pang nalalaman dyan!"
"Mommy naman! Eh kung binuhusan mo nalang ako ng tubig ganern." maktol ko dito.
"Eh sa tinatamad ako eh!" sabi niya nalang.
"Oh siya! Bilisan mo na dyan at nandyan na sa baba mga bisita natin."
Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Aalis na sana siya ng tawagin ko siya."Mom......kailangan ba talaga 'to?" tanong ko habang naiiyak.
"Sweetie, balang araw maiintindihan mo rin. It's for your own sake." malumanay niyang sabi tsaka ako hinalikan sa noo.
Wala na akong nagawa at parang lantang gulay na nagtungo sa cr at ginawa ang morning routine ko.
~~~
Heto na! Wala na talaga 'tong atrasan. Pagpasok na pagpasok ko sa aming dinning room ay kitang-kita ko na ang likod ng mapapangasawa ko.
"G-good m-morning po." nakangiti kong bati habang nauutal.
Takte talaga! Ba't ba ako nauutal.
At parang nagslow motion ang lahat nung biglang humarap ang mapapangasawa ko.
What the! P-panaginip ba 'to?
Kung panaginip man 'to.....Ayaw ko nang magising pa."Kim Woojin?"
Matapos kong makilala kung sino ang mapapangasawa ko ay wala na akong sinayang na oras at kaagad ko siyang niyakap.
"Ehem!" agad akong napakalas ng yakap ng marinig ko ang pagtikhim ng kung sino.
At dun ko lang narealize ang ginawa ko. Napayuko ako at naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko.
Nakakahiya!