Sweet
"Ayos tong sasakyan mo, ah!" Puri ko pagkasakay sa magarang kotse niya. It was so sexy. Lahat na lang ba ng pagmamayari niya... sexy?
Hindi. Hindi pa lahat.
Kasi wala pa ako.
Pinigilan ko ang pagtawa sa iniisip dahil mukhang bad mood si Armastrus kanina pa, simula noong umalis si Mike. Hindi ko alam kung bakit.
Ginawa kong kumportable ang sarili, minsan lang ako makasakay sa ganito. Malinis at mabango rito. Might as well enjoy it, right?
Tiningnan ko siya. Hindi siya kumibo at nakatuon nang maigi ang mata sa malawak na kahabaan ng highway. Bahagyang nakakunot ang noo at para bang irita.
Nagtagal ang titig ko sa kaniya.
This side profile of him is spectacular. Mas kita ang matangos na ilong niya. Ang paraan ng pagka seryoso at irita niya ay hindi nakakairitang tingnan, actually...he looks like he is modelling for a famous magazine. Kung may contest lang sa pinakaguwapong lalaki sa mundo, ikakandidato ko talaga tong si Armastrus.
"Saan tayo kakain? Puwede bang pumunta tayo sa mall?" Pakiusap ko dahil may misyon uli ako roon.
Tumikhim siya at tumango. Bago iniliko ang sasakyan sa ibang kalye.
"Bad mood, eh?"
Ngayon, nakuha ko na ang atensyon niya. Buti na lang at nakatigil ang sasakyan dahil traffic.
"Magkakilala kayo ni Mike?" Biglang tanong niya.
"Kakakilala pa lang. Una ko siyang nakita noong sa bar."
"Kakakilala pa lang? Tapos sumama ka agad kumain sa labas?" Akusa niya.
"Sobra ka naman! Sinisiraan mo yung kaibigan mo sa akin?"
Marahas siyang bumuntong hininga. "That's not my point!"
"Gagalet ka?!"
"Hindi!" medyo tumaas ang boses nito.
"Ayan o! Anong hindi!"
Tinikom niya ang bibig. Napailing at mukhang talo.
Ano kasi pinaglalaban nito? Kung hindi lang kami bagong magkakilala, iisipin kong may gusto ito sa akin e. "Eh anong point mo?"
"My point is you should not put your full trust to strangers. Malay ba nating may masamang intensyon sayo?"
"Malalaman ko naman yun kung masama"
"Mas maigi ang magingat, Sinta." Paalala nito saka muling tinuon ang pansin sa kalasada.
I appreciated his reminder. Ngunit naaalala ko yung pagpapalabas sa akin kanina. Puno man ako ng pagmamahal ngunit hindi ko alam bakit may pagkainis at ...selos sa akin.
"Nasaan na nga pala si, Lan. Bakit hindi siya ang kasama mo?"
Napasulyap muli ito."She went home. Kanina pa." He answered cooly. "At kanina pa rin kita hinihintay...wala ka na sa labas pagsilip ko." He looked away.
"Syempre, kaysa naman mag intay ako ng matagal hanggang matapos kayo ng girlfriend mo sa kung anong gagawin niyo." I said meaningfully.
His face darkened, he shook his head. "She's not my girlfriend."
"I don't believe you. Sa action niyang iyon? Hindi pa kayo? O baka nililigawan mo?" Tanong ko. "Or..ka-fling? Hook up?"
His lips is set in grim line. "She's a friend."
BINABASA MO ANG
Indelible Sight In Harriniva: Sinta
General FictionPula, ang kulay na nananalaytay sa kaniyang pagkatao. Ang kulay na inilaan para sa kaniya. Kulay na nagtutulak sa kaniya upang isagawa ang bawat misyong nakaatas sa kaniya. Ang kulay na nagtulak sa kaniya papunta sa isang lugar- hindi...sa isang tao...