ISIHS 7

46 27 7
                                    

Ignore

"Please don't fall asleep..."

Gustong gusto ko nang pumikit. Hindi ko na maintindihan ang paligid, ang mga salita ay tila tunog na lamang na naghahalo halo at hindi na maintindihan. "Don't fall sleep..." But that anxious voice kept on telling me not to sleep.

He carried me in his arms, ramdam ko ang panic at nginig sa kaniyang paghawak. Mabilis ang lakad niya at taas baba ang dibdib. "Fuck..." He muttered.

Nahihirapan kong inangat ang kamay at hinawak iyon sa pisngi niya.

"What did you to her?" Dumagundong ang isang pamilyar na boses. It was dangerously powerful that it echoed to the whole place. The voice was quivering with rage. Kung nakakapatay man ang boses,  ito na siguro yun.

Armastus. Yun ang pumasok sa isip ko.

Sino itong may buhat sa akin?

Mas lalong nanginig ang may hawak sa akin. Huwag niya lang talaga akong bitawan sa kaba niya, at baka bigla akong mapabangon at lumakas ng di oras.

"Bro, hindi ako. Natagpuan ko-"

I heard harsh steps na mukhang palapit sa amin. "Give her back to me." He said, full of authority. Mas control na ang boses nito ngunit hindi makakatakas ang frustration at galit.

"Eto na, o." Padabog akong inilipat sa piling ni Armastus. I felt Armastus arms under my legs and the other supporting my back.

"Sinta..." he said in a barely audible voice. It was so gentle that it made me feel comfort regardless of the pain. "Don't sleep, okay? I'll bring you to the hospital." He said huskily.

"N-no.." sinubukan ko na bumangon nang mailapag niya ako sa loob ng sasakyan. Mas nagdilim ang paningin ko ngunit hindi ako nagpapigil. Nakapa ko rin ang dugo sa ulo.

Hindi ako mamamatay, alam ko 'yon. Visible ako sa mga mortal  kaya nakakaramdam ako ng sakit. Pero pagbalik ko sa station, muling bubuti ang pakiramdam ko at parang wala na lang ang sakit.

"No, Sinta." He said with restrain. "May tama ka sa ulo."

Hindi ako pwedeng magpa-ospital. Malalaman nila na may something sa akin. "No, I'm really fine. Nakabangon na nga ako, oh? Tinatagan ko ang boses. "Please, Armastus?" Malambing na sabi ko.

Namumungay ang galit niyang mata. Nahaluan ito ng takot. Hindi ako sanay na ganito siya. Hindi ko kaya na titigan siya kung ganoon ang makikita ko sa mukha niya.

"Your life is at sake here, Sinta. Do you expect me to stay calm in this fucked up situation? I'll bring you to the hospital, Sinta. Just stay still, okay?" Pinaharurot niya ang sasakyan palabas sa parking lot.

"First aid is fine. Hindi na kailangan magpaospital." I said stubbornly.

"You are making me so damn worry, Sinta." He caressed my cheeks. "Sorry... sorry." Paulit ulit na sabi niya.

Whie driving, he never stopped whispering things to me. They are vague but that encourage me more to stay awake.

Umusbong ang kaba ko nang makarating kami sa ospital. Hindi matagal ang byahe dahil malapit lang ang ospital sa mall. Agad nila akong inasikaso.

Maraming ginawa sa akin bukod sa pagagamot ng sugat. May mga examine pa akong narinig dahil posible daw na naapektuhan ang utak.

Pinayuhan kami na nanatili muna sa ospital habang iniintay ang mga resulta.

Nakaupo na ako sa kama at hinihintay si Armastus na matapos sa kaniyang tawag. Naka pameywang ang isang kamay nito at ang isa naman ay hawak ang cellphone. Hindi ko marinig kung ano ang sinasabi niya dahil mahina ang boses niya. I saw him massaging the bridge of his nose, mariing nakapikit bago pinatayan ang nasa kabilang linya.

Indelible Sight In Harriniva: SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon