ISIHS 6

77 35 8
                                    

Gun

After work, inaaya niya akong maglunch. Hindi kasi nakapagdinner kagabi dahil puro donut ang kinain. I hesitated but I still agreed. It's just a simple lunch, right?

"Ang ganda ng ambience dito." Sabi ko nang nakapasok sa isang restaurant. "Madalas ka rito?"

"This restaurant is owned by a friend. Madalas kami kumain dito." He said after he thanked the waitress who gave us the menu.

'Kami'?

"Hmm." I just nodded at hindi na nag salita. Hindi nakatakas sa akin ang nakaliliyong mga gawad na tingin nito sa akin.

"With family. I eat here with my family." Dagdag pa niya kahit di tinatanong.

"Armastus!" Isang tingin ko ay nasa mid fifties na babae ang lumapit sa mesa namin. Maayos at malinis na nakapusod ang buhok niya. Halatang kasapi siya sa mga alta dahil na rin sa kilos at pananamit. Her wrinkles are  noticeable but it did not concealed how beautiful her face is. 

"Narito ka." Natutuwang sabi nito at yumakap kay Armastus.

"Tita Anindya..."

"Nasaan si Lan? Bakit hindi mo..." Nadako ang tingin nito sa akin at nanliliit ang mata. Halata ang pagkadisgusto sa mukha niya. "..siya kasama?"

"She's back abroad, Tita."

Parang kahapon lang nasa opisina siya a? Anong nangyari at nasa abroad agad si Lan? May kinalaman kaya sa pinagusapan nila ni Armastus?

"Who is this lady with you, Armastus? A business partner?"

Napatingin si Armastus sa akin. "She is Sinta and she works in my company. She's also a friend of mine." Pakilala nito. "Sinta, she's Tita Anindya, the mother of my friend who owns this place."

"Hi,po." I said in a small voice.

She did not greet back. Ngumiti lang siya sa akin ngunit hindi maipagkakaila ang pagkapilit nito. "Next time. Bring Lan here, okay? Mas masaya kapag magkasama kayo. Parang kayong match made in heaven!" Humalakhak ito na parang bruha.

"Sure, Tita. Kapag may family dinner kasama ang pamilya niya."

"She's abroad? You're so sweet, I'm sure you are just protecting her from the threats." Matamis na ngumiti, parang anak na pinagmamasdan si Armastus.

Threat. Pangalawang beses ko na itong naririnig sa araw na ito. What's with the threats?

Hindi ngumiti si Armastus. Parang ayaw pagusapan ang topic na sinasabi ng matanda.

"Maiwan ko na kayo. Enjoy the food."

"Sure. Thank you, Tita." Aniya sa mababang boses.

Muli akong tinitigan ng babae saka madramang um-exit. Lumuwag ang paghinga ko nang mawala siya.

"Ganoon talaga siya?"

Umangat ang sulok ng kaniyang labi habang pinaglalaruan ang basong hawak. "She's strict and hotheaded most of the time but she's kind to me"

I want to ask what threats are they talking about. Pero wala ako sa lugar at cleaner lang sa kumpanya niya. Pinili kong manahimik.

"Nakapili ka na?"

"Yup.."Maraming Filipino food sa menu. Dahil paborito ko ang adobo ay iyon ang kakainin ko. "Pork adobo and ice tea, please." Sabi ko sa waiter.

"Pakidagdagan na rin nito..."Narinig ko na si Armastus naman ang nag salita, dinagdagan ang in-order ko. Madami iyon para sa aming dalawa, kaunti lang ang pinili ko dahil alam kong siya ang gagastos. Siguro nga ay dapat kong  ipabawas ang mga nagagasta sa susuwelduhin ko tutal ay hindi ko naman magagamit 'yun.

Indelible Sight In Harriniva: SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon