Chapter 9: Broken Heels

523 14 1
                                    

Nakatingin pa rin si Sandy sa lalaki na nagpakilala sa kanya na Lance.

Bigla niya naisip ang Lance na ex-boyfriend ng pinsan niya.

Sandy POV: Hindi naman siguro siya iyon, ang dami dami naman Lance sa mundo eh. Imposible naman na yung Lance na ex ni Ella ay itong Lance na kaharap ko ngayon.

Ilan sandali pa ay may narinig si Sandy na may lagutok ng heels.

Anong ginawa mo?

Nakita na lang ni Ella ang nasira niya na heels na binibigay ni Lance sa kanya.

Beyond repair na ang ang heels mo Sandy, it might as well na huwag mo ng gamitin.

Ano, bakit mo tinuluyan sirain? Wala ako isusuot iyan, paano ako makakabalik sa table namin?

I can help, aalalayan kita pagbalik sa table nyo. Dahil sigurado na hindi ka iyan makakapaglakad ng maayos. Knowing na isa na lang ang heels mo. Gusto mo ba ayusin ko na rin iyon kabilang pair para wala ka ng problema?

Anong ibig mong sabihin, sisirain mo rin iyon isa ko na pair. Hindi na kailangan, kaya ko na mag lakad mag isa.

Tumayo na ng dahan dahan si Sandy mula sa bench na kinakaupuan niya.

Sandy wait, where are you going?

Babalik na ako sa table namin, kahit na maglakad na lang ako ng naka-paa doon okay lang. Sige na maiwan na kita, Thank You na rin kahit papaano.

Nagsimula ng maglakad si Sandy, pero hindi pa siya nakakalakad ng malayo ay muntik na naman siya matapilok dahil hindi na nga pantay ang high heels na suot niya. Mabuti na lamang at nahawakan agad siya ni Lance sa kanyang braso para hindi siya tuluyan ma- out of balance.

Careful, sabi ko naman aalalayan na kita. Saan ba ang table ninyo?

Lance kaya ko naman talaga eh, medyo nahihiya lang ako na naka-paa na maglakad papunta sa table namin. Pero kung natatapilok naman ako huhubarin ko na lang ito na isang pair ko pa na suot. 

Sandy it's no big deal, mas gusto ko naman na tulungan kita para naman hindi ka na rin mahirapan sa paglalakad. Just trust me okay, I'm sure hindi naman gaano malayo ang table ninyo di ba?

Hindi naman...

Nang mga sandali na iyon ay hindi malaman ni Sandy kung bakit hindi na siya makatanggi sa pagtulong na iniaalok ni Lance.

Sandy's POV: Pasalamat ka mukha kang mabait dahil kung hindi, hindi ko talaga tatangapin iyan tulong mo. Buti na lang cute ka rin.... teka bakit ko ba nasabi na cute ka, hindi ko dapat iniisp ang mga bagay na ito.

Let's go...

Okay...

Sa table naman nina Ella at Niel ay nagkwentuhan din silang dalawa hanggang sa napansin ni Ella na ang tagal bumalik ni Sandy sa kanila.

Uyy Niel sandali lang, si Sandy bakit kaya hindi pa bumabalik. Sabi naman niya mag pupunta lang siya sa comfort room di ba.

Don't worry, I'm sure pabalik na siya. Masyado ka naman na te-tense agad eh.

Siyemre naman tayo nga lang dalawa ang kakilala ni Sandy dito sa party. Baka mamaya may biglang kumuha sa kanya hindi natin alam.

Sino naman ang kukuha kay Sandy?

Well...

Ella?

Napatingin na lang din si Niel sa tinitignan ni Ella at laking gulat niya ng makita niya si Sandy na inaalalayana ng isang lalaki na kilalang kilala niya.

Lance...

Narinig ni Niel sa pagsasalita ni Ella...

Malapit lapit na sina Sandy at Lance sa table nina Ella at Niel nang mapansin ni Sandy na halos ang mga tao na nakikita niya ay nakatingin sa kanya...

Sandy's POV: Ito na nga ba sinasabi ko, ayoko talaga ng center of attention eh. Pahamak kasi talaga ito high heels na ito, dapat hindi ko na isinuot ito eh.

Nang makarating sina Sandy sa kanilang table ay agad siya umupo sa pwesto niya kanina, pero hanggang sa mga sandali na iyon ay hindi pa rin naaalis ang tingin ng mga tao sa kanila.

Kaya naman kinausap niya si Ella.

Couz sobra nakakahiya talaga ako, hindi ko naman sinasadya na masira iyon high heels ko. Naglakad tuloy pinag-titinginan na ako ng mga tao.

Pero hindi pa rin nagsasalita si Ella sa kanya at gayundin si Niel na nakatayo pa rin hanggang ng mga oras na iyon at nakatingin sa lalaki umalalay sa kanya sa table nila.

Niel ano nangyayari sa iyo? Umupo ka na kaya...

Umm bago ko nga pala makalimutan ito nga pala si Lance, tinulungan niya ako para maayos iyon high heels ko. Pero sa ginawa niya mas lalo pa ako nagka-problema eh.

Wala pa rin nagsasalita sa mga kasamahan niya sa table at maging si Lance na ihahatid lang sana siya ay nakatayo rin at nakatingin naman kay Ella.

Guys, okay lang ba kayo? Medyo kanina pa kasi kayo hindi nag-sasalita. May nangyari ba?

Bigla anman tumayo si Ella at umalis sa table nila...

Ella, wait....

Sabi naman ng humabol na si Niel kay Ella.

Sorry for the late chapter, susubukan ko agad mag-update. On the spot ko ginawa ang chapter na ito ah, Enjoy Reading....

Four Hearts, One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon