Chapter 7: Sandy and Niel

656 14 0
                                    

Nagtagal pa ang pag uusap nina Sandy at Niel kaya naman hindi na rin namalayan ni Sandy na hindi pa bumabalik sa mesa nila si Ella.

Si Niel pa ang unang nakapansin na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin si Ella.

Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Ella, nahila na naman kasi siya nina Patrice. Sigurado na kasama na nila ang iba pa nilang mga kaibigan.

Okay lang naman, ako pa nga ang nag sabi kay Ella na sumama muna siya sa mga kaibigan ninyo. Mukhang ang tagal na nilang hindi nagkikita kita eh.

You’re right, matagal din kasi lumayo si Ella sa mga kakilala namin. Dahil nga sa nangyari sa kanila ni Lance.

Narinig ko nga, iyon nga rin ang pinag uusapan nila kanina dito.

Maski nga ako na pinsan si Lance hindi ko rin ini expect na aalis na lang siya ng basta ganoon. Tinawagan na lang niya ako the day before his flight. At sinabi nga niya na aalis muna siya.

Ang ibig mong sabihin kahit sa iyo hindi pinaalam ni Lance na aalis siya.

Ganoon na nga, I still don’t know kung bakit bigla na lang din siya umalis noon.

Ang weird naman ng pinsan mo, pati sa iyo na kamag anak niya hindi nagpaliwanag kung bakit siya umalis.

Pagdating kasi kay Lance, what you see is what you get. Mga bata pa lang kami hindi na siya makwento. Hindi rin siya nakikihalubilo sa mga tao madalas, kung hindi lang din siya pipilitin ng Mama niya hindi siya pumupunta sa mga Family Gatherings namin.

Pati sa mga Family Gatherings ninyo hindi siya nagpupunta.

Yup, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit siya nagustuhan ni Ella.

Bakit naman?

It’s obvious, you know that is Ella is full of life. Ang ibig kong sabihin si Ella masayahin, maingay, maganda, mabait, maalalahanin.

Ano pa?

Tanong ni Sandy kay Niel habang nakangiti at may naiisip sa mga sinasabi ni Niel patungkol kay Ella.

Well what I mean is ang laki ng pagkakaiba ng mga personality nila and yet sila pa rin ang nagkagustuhan.

Di ba ang sabi nga Opposites Attracts, ganoon siguro ang nangyari kina Ella at Lance.

You’re right, what am I thinking…

Alam mo tama rin naman ang sinabi mo eh ang laki nga ng pagkakaiba ng mga ugali nila sa isa’t isa. Pero…

Pero ano?

Pero ikaw ang obvious eh.

Obvious about what?

Huwag ka sana mag iisip ng hindi maganda ha, masasabi ko lang ito dahil sa mga sinabi mo. At sa mga kilos mo na rin.

Ano ba talaga iyon?

Umm, may gusto ka ba sa pinsan ko?

What?

May gusto ka ba kay Ella? O mas tama sabihin na kailan ka pa may gusto sa pinsan ko?

Sandy were friends, I mean practically Ella is my girl bestfriend. Kaya alam ko siguro ang mga good and bad qualities niya.

May punto ka doon, pero iba kasi iyon sinasabi ng mga mata mo eh.

Anong ibig mong sabihin?

Napansin ko kasi na kahit na sinasabi mo iyon mga bad qualities niya at lalo na iyon mga good qualities niya. Iba iyon sinasabi ng mga mata mo?

Sinasabi ano?

Nagniningning… Paano ko ba sasabihin umm Nag tu - twinkle oo tama nag tu- twinkle iyon mga mata mo kapag pinag- uusapan si Ella.

Ahh, I don’t get what you mean…

Napansin ko lang naman iyon pero hindi ko alam kung napapansin mo din iyon.

Tumahimik sandali si Niel sa mga sinabi ni Sandy.

Wow, kararating mo lang pero na corner mo na agad ako

So ang ibig sabihin totoo nga? May gusto ka kay Ella?

Hindi naman mahalaga kung may gusto ba ako o hindi kay Ella, I mean she’s always be my cousin’s girlfriend.

Mahalaga na maamin mo sa sarili mo, kung hindi mo man masabi kay Ella iyon nararamdaman mo. At least para sa sarili mo naamin mo iyon totoong nararamdaman mo.

Napangiti naman si Niel sa mga sinabi ni Sandy sa kanya.

You’re right, I owe it to myself. I’ll be honest pero promise me one thing.

Ano iyon?

Lumapit ng kaunti si Niel kay Sandy at bumulong dito.

Pwede ba na sa atin na muna iyon pinag usapan natin I mean kahit kay Ella huwag mo muna sabihin.

Oo naman iyon lang pala eh. Huwag ka mag alala hindi ko sasabihin, pero aminin mo muna sa akin na may gusto ka nga sa kanya.

Hindi ko pa ba nasasabi?

Hindi pa kaya…

Okay okay, may gusto nga ako kay Ella matagal na. Pero kahit na kailan siguro hindi ko na masasabi sa kanya.

Bakit naman? Sabi nga di ba habang may buhay may pag-asa.

Ang tanong habang buhay ba ako aasa sa kanya?

Hindi pa naman huli ang lahat, malay mo this time magkaroon ka ng pag- asa.

Malabo mangyari iyon, lalo na ngayon na bumalik na si Lance.

Huwag ka pa rin mawalan ng pag asa.

Napangiti na naman si Lance sa mga sinabi ni Sandy.

Bakit ka na naman tumatawa? Pinag tatawanan mo ba iyon advice ko sa iyo?

Hindi iyon? Hindi lang ako makapaniwala na nasabi ko sayo lahat I mean hindi pa naman tayo matagal na magkakilala pero I was able to open up to you.

Magaling lang talaga ako mag advice.

Siguro nga, pero thank you I appreciate it. Thank you sa mga sinabi mo.

Sus wala iyon, dib a nga magkaibigan na tayo.

Oo naman, nanghihinayang nga ako at ngayon ka lang dumating dito. E di sana noon ko pa narealize at narinig iyon mga sinabi mo.

Huwag ka mag alala, kung may problema ka uli sabihin mo lang sa akin at susubukan natin solusyonan iyan.

Thank you Sandy, you’re amazing.

Amazing?

Oo, amazing in a good way.

Salamat kung ganoon…

Nagtawanan na lang sila ni Niel dahil sa sinabi niya.

Mukhang masaya ang pinag uusapan ninyo ah…

Napalingon silang dalawa sa nagsalita at nakita nila na nakalapit na sa kanila si Ella at naupo sa tabi ni Sandy.

Four Hearts, One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon