Chapter 2 <POOL SIDE>

1 0 0
                                    

"How are you Ms. Cuevas?" bulong nito sakin..
Napatitig na lang ako sa kanya.... saka tinuhod ang gitnang bahagi nya.  Napangiwi na lang sya sa ginawa ko saka ako tumakas at lumabas ng kwarto ko. Narinig ko pa syang napasabi ng malutong na 'shet'. Haha.

- - - - Dining Hall - - - -
Bumalik ako sa dining hall kasi gutom na gutom na talaga ako.
"O Jian, come sit beside me." alok sakin ni Zico, pero sa halip ay umupo ako sa tabi ni Almond dahil bakante rin ito.
"Bilisan mo na pagkain mo, patapos na kaming kumain." mahinahong sabi sakin ni Almond
"Bilisan ka jan haha. Alas dose pa lang oh. Diba after lunch pa naman ung meeting with the client?" matawa-tawa ko namang sabi sa kanila.
"Ba't ba kasi antagal mo bumaba? Kanina pa nagstart yung meeting with that hotel owner." bulong ni Almond sa tenga ko.
"Ehermm.. Excuse me? I think that's my seat." sabi ng isang lalaki na nasa likod namin ni Almond, napalingon ako at si Gelo na naman ito.
"Your seat?" sarcastic kong sabi sabay tayo ko at sinigawan sya. "ANO BANG GINAGAWA MO DITO HA???!!!"
"Jian!!!" sigaw sakin ni Almond at Zico. Kinuha ako ni Zico at itinabi nya ako dun sa vacant seat na katabi nya.
"I'm sorry Mr. Clemente. She's our architect, Ms. Jian Cuevas. She had an emergency that's why she's late in our lunch meeting." sabi ni Almond na kinakausap si Gelo.

Bakit...bakit ganyan sya kausapin ni Almond? Saka , anong lunch meeting??
Ano bang nangyayari?

"It's alright Mr. Chua. Meron din akong emergency meeting this 12nn, sorry but I have to leave, but my secretary will e-mail and contact you for the other details."

"No, it's definitely alright Mr. Clemente."

"Okay. Then enjoy your one-week stay here in my resort. I guess I'll see you tomorrow WITH YOUR WHOLE TEAM." nagshake hands si Gelo at Almond.

Binigyan pa ako ng matalim na tingin neto bago umalis. Pero teka?? Enjoy your one-week stay here in my resort? In my resort? IN MY RESORT? Does that mean ... he is ... he's the ...

"Bukas pakabalik nya, you have to apologize to our new client, the owner of this hotel & resort. I mean, why the hell would you shout at him Jian ha?"

Ow shoot. No no no. No way!!! Gelo's the owner of all of these?? And his our client?? No no no no.

- - - - Almond's Room - - - -
"We won't take that project Almond."
"I'm asking multiple times Jian. Why? Bakit? Bakit ayaw mong tanggapin yung project?"
"HE'S MY EX OKAY??!! THAT MAN IS MY EX! SO WHY THE HELL WOULD I DEAL WITH HIM!!!"

Napahinto sya. Alam nitong bestfriend ko lahat, except for my ex's name. My one and only ex-boyfriend's name.

"Siya? Siya yunn?? But...but you should separate work from personal matters Jian. You know we need this project badly. Besides, andito lang ako. You know you always got my back. Pag may meeting, kahit..kahit kami na lang ni Zico humarap. Hindi mo naman sya makikita araw-araw. Yes may konting work pero diba andito tayo for team building natin, para magsaya't magbakasyon. Kung alam ko lang na sya ang ex mo di sana di ko na lang tinanggap yung invitation nya na dito tayo magstay for free."

Tama. Andito kami para magliwaliw.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango dito.

- - - - Swimming Pool - - - -
Anlalim na ng gabi pero andito ako ngayon nakaupo sa labas sa gilid ng pool. Umiinom mag-isa at nakababad lang ang legs ko sa tubig.

"Hindi ka na naman makatulog?" Tiningala ko kung sino nagsalita, si Zico lang pala. Tinungga ko ulit ung bote ng alak na hawak ko. Tumabi sya sakin at inilublob din ang mga legs nya sa pool.

"Si Mr. Gelo Clemente ba iniisip mo?" Bumaling ang tingin ko sa kanya pakasabi nya nun.

"Alam ko na lahat kaya di mo kelangan maglihim sakin Jian. Sinabi na sakin ni Almond. So sya pala yung ex mo kaya antigas ng puso mo't di mo ko sinasagot. Kaya pala ganun reaksyon mo nung makita mo sya kanina"
"Hmm bakit .. OA ba masyado reaksyon ko kanina?"
"Parehas lang kayo. Seems like mas gulat sya kesa sayo. Ano bang ginawa nya bakit kayo nagbreak?"
"Hahaha. So sa tingin mo sya ang may kasalanan kumbakit wala na kami. No no. Ako. Ako yung may kasalanan. Tanga ko kasi e. Basta-basta ko na lang sya pinakawalan. Ako unang sumuko samin. Hayss."
"Then I guess baka dahil sayo kaya sya nasa posisyon nya ngayon."
"Aish. Wag na nga natin sya pag-usapan. E ikaw ba? Bakit ba kahit ilang beses na kitang binasted di ka pa rin natigil?? Hahaha alam mo pag sinagot kita bibreak din tayo kasi alam mo...wala, wala akong time para jan sa rele-relationship na yann."

Tumungga ulit ako pero bigla nya itong inagaw sakin at sya naman ang tumungga at umubos dito.

Napatingin ako sa bahaging itaas ng hotel and nakita kong may isang lalaki na nanonood pababa samin dito sa pool. Nasa may balcony yung lalaki nakablack suit sya pero di ko makita masyado yung mukha nya kasi mejo malabo na paningin ko dala ata ng alak.
Pero nabaling yung paningin ko sa taas ng bigla na lang hawakan ni Zico ang baba ko at inikot ang ulo ko patapat sa kanya. Now he's giving me a kiss, a passionate one. Tinutulak ko sya pero di pa rin sya natigil.
Agad ko syang sinampal nung tumigil na ito. Pero tumingin uli ako sa taas, at wala na sa balcony yung man in black na nakatingin samin. Sure ako na dito sya nakatingin samin. WEIRD!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

7 Days At Hotel ClementeWhere stories live. Discover now