PANIMULA

28 4 0
                                    

TAHIMIK kong pinagmamasdan ang payapang alon ng dagat habang nakaupo sa ilalim ng puno.Napakabilis ng panahon.

Naramdaman kong may umupo saaking tabi.Kahit hindi ko ito tingnan, alam kong si Lori ito.

"Iniisip mo na naman ba sya?"mapait akong napangiti.Alam kong alam nya ang sagot sa sariling tanong kaya hindi na ako nag-abala pang sumagot.Sobrang payapa ng dagat at ang sarap pagmasdan nito.Sa lugar na ito kung saan ko kinulong ang sarili. Sa lugar na ito kung saan madaming alaala ang nanunumbalik sa aking isipan.Madaming tanong, tanong kung bakit nagkaganito ang lahat. Kung bakit ganito nagtapos ang lahat. Ngunit tingin ko, hindi pa ito ang huli. Nag-uumpisa palang.

"Ang hirap nyang kalimutan.Lalo na at nasanay ako na parati syang nandyan.Nasanay ako na nakakasama ko sya."ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng magkabila kong mata.

Napakahirap kalimutan ng taong nakasanayan mo.

Alam kong nakatadhana ang lahat.At alam ko ding hindi pa huli.

"Kahit kailan, walang araw na hindi ko sya naaalala.Walang araw na hindi ko sya iniisip.Dahil alam kong kahit hindi na ako, sya pa rin.Siya at siya pa rin"ramdam ko ang pagtulo ng masaganang luha sa aking pisngi habang naaalala ang lahat.Bakit nga ba napunta sa ganito ang lahat? Bakit nga ba humantong sa ganito ang lahat.

Parang noon lang, ang saya pa naming dalawa.At sa tingin ko, pagsubok lang ito na hindi namin nakayanan kaya napunta sa ganito ang lahat.

Ramdam ko ang paghaplos nya saaking likod at dahil doon napahagulgol ako.Sa puntong ito feeling ko nakahanap ako ng karamay.Feeling ko isa akong bata na inagawan ng paboritong laruan.Patuloy lang ako sa paghagulgol at sya naman sa paghaplos ng aking likod.Pagod na ako.Pagod na akong masaktan.

"T-tingin ko hindi ko na kakayanin.Sobrang sakit.Bakit kailangang maghirap ako ng ganito? Ano bang nagawa ko? Ano bang k-kasalanan ko para parusahan ako ng ganito?"

"Shh...alam kong pagsubok lang 'to kaya tatagan mo ang loob mo.Nandito lang ako.Wag kang sumuko.Dahil once na sumuko ka, talo ka"marahan nyang inangat ang aking mukha at pinunasan ang luha.Kita ko ang maganda nyang mukha.Loriezze,ang kaibigan ko.

"Kung tingin mong mag-isa ka nalang,nagkakamali ka, nandito pa ako.Nandito pa ang kaibigan mo"kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang magandang mata.

"S-salamat,salamat Lori"tumango sya at niyakap ulit ako.Lalaban ako,lalabanan ko ito.Hindi pwedeng iasa ko nalang sa tadhana ang lahat.Dahil alam ko,tayo ang gagawa ng sarili nating tadhana.Tayo ang gagawa kung papano ito mangyayare.

Aayusin ko ang tadhana.Itatama ko ang lahat.At tingin ko, panahon na para palayain ang sarili sa kalungkutan at hanapin ang totoong saya.

Kung hindi lang ako naging mahina at duwag,hindi sana hahantong sa ganito ang lahat.

Hindi sana kami nasasaktan ngayon.

"I know you're brave you can do this.Nandito lang ako sa tabi mo at handang sumuporta sayo.Kaibigan kita Zey."

"Thank you,thank you so much Lori."

Tumayo na kami at pumasok na sa kubo dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw.Bago isara ang pinto, matagal ko munang pinagmasdang ang payapang dagat na tingin ko ay ito na ang huling silay ko dito.

Panahon na para palayain ang aking sarili sa pagkakakulong sa lungkot.Magsisimula na akong hanapin ang totoong saya at ang aking sarili.At tingin ko, sa islang ito, ang magbibigay saakin ng masaya at masakit na alaala ng nakaraan.Hindi ako umalis sa islang ito dahil hindi ko pa kayang bitawan ang nakaraan.

At ngayon, handa na akong iwan at kalimutan ito.

At sa pagsara ng pintuang ito ay sya ring pagtanggap ko ng nangyare sa nakaraan.




FADEDWhere stories live. Discover now