DOS

7 0 0
                                    

PAGKILALA

KINABUKASAN ay ganoon pa din ang eksena. Ang ingay na nagmumula sa sasakyan at palengke. Tumutulong pa din ako sa karinderya kahit ayaw naman ni mama dahil kaya na nila ito pero nagpumilit pa din ako.

"Ganda, pabili nga ng ikaw"


"Ay nako kuya, alam kong mukha akong masarap pero hindi ho ako pagkain" Natawa ang ilang bumibili sa tinugon ni Lori. Kasama ko sya ngayon sa karinderya sa pagtinda. Maaga syang nagising at tingin ko ay maayos ang tulog kaya heto at naisipan pang tumulong. Kapag maaga talaga sya nagigising ay tumutulong sya dito. Ngunit minsanan lang dahil madalas pa din ang paggising nya ng tanghali.

Pagdating ng tanghali ay agad kaming nagtungo sa shop. Napadako ang tingin ko sa kabilang kalsada at agad nanlumo ng hindi makita ang itim na sasakyan. Pagpasok palang ay agad kaming nagtrabaho. Habang nagpupunas ay patingin tingin ako sa kabilang kalsada at nagbabakasakali na makita ang itim na sasakyan ngunit wala parin. Dumating ang oras ng break at halos mabali ang aking leeg kakalingon at tingin sa kabilang kalsada. Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit hinahanap hanap sya ng aking presensya.

Araw-araw ay palaging ganon. Habang naglilinis ay palaging napapadako ang aking tingin sa kabilang kalsada at hinihintay ang pagdating ng itim na sasakyan ngunit wala. Halos itanong ko na nga si sir Troye kung kailan ang dating ng lalaking may abo na mata ngunit pinigilan ko ang sarili.

Bakit ko nga ba sya hinahanap hanap?


Hindi ko alam sa sarili ang dahilan. Ni ang pangalan nga nito ay hindi ko alam kaya hindi ako makahanap ng dahilan sa sarili kung bakit hinahanap sya.

"Ikang, ayos ka lang ba? nitong mga nakaraang araw pansin ko ang paggiging matamlay mo. Masama ba ang pakiramdam mo?"nag-angat ako ng tingin kay Lori. Nasa counter ito at nagpupunas habang nakatingin sa akin. Bakas sa itim na mata nito ang pag-aalala. Totoo na nitong nga nakaraang araw ay matamlay ang aking nagiging kilos.

"Ayos lang ako, hindi lang maayos ang tulog ko"

Totoo na hindi maayos ang aking tulog. Halos pagsapit ng oras ng pagtulog ko ay iniisip ko pa din sya at hindi ko alam kung bakit. Isang araw lamang kaming nagkita ngunit hinahanap hanap ko na agad sya. Tuwing ipipikit ko naman ang mata ay ang abo nitong mata ang aking nakikita. Tila nakaukit na ito sa aking isipan na hindi na maaaring mabura. Ang mapula-pula at nakangiti nitong labi ay ayaw ding maalis saaking isipan lalo na ang abo nitong mata na ang lalim kung tumingin, ang mapilantik at makapal na pilik mata na daig pa ang akin. Ang kapal ng kilay nito na salubong ngunit nakakaakit ay tila hindi na rin mabura. Palagi nalang sa tuwing ako ay pipikit ang imahe nya ang aking nakikita. Hindi ko alam ngunit tingin ko ay nakatatak na saaking isipan ang magandang imahe ng kanyang mukha.

"Ikaw ha, baka naman iba na 'yan? Akala mo ba hindi ko napansin ang tingin mo sa kasama ni sir Troye? Ikaw ha." Agad na nag-angat ang tingin ko. Pinandilatan ito. May malisyosa itong tingin at nakakalokong ngiti.

"A-ano bang sinasabi mo? Hindi ko sya iniisip" mas lalong lumawak ang nakakalokong ngiti nito. Tumili ito ng mahina at hinampas ang balikat ko. Napaamang ako.

"Wala akong sinabi na iniisip mo sya, pero tingin ko sya ang dahilan ng paggiging matamlay mo" tumawa pa ito at sinundot ang aking tagiliran. Nanlaki ang aking mata sa ginawa nya. Akmang hahampasin ko ito ngunit tatawa-tawa na itong pumasok sa kusina. Napailing ako.





ARAW ng sabado at wala kaming pasok kaya naisipan ko munang tumulong sa karinderya habang wala pa si Lori. Tuwing sabado ay pumupunta kaming tabing dagat at doon nagpapalipas ng oras. May maliit naman na kubo doon kaya ayos lang kung doon din kami magpalipas ng gabi. Maganda doon, malinaw ang tubig at masarap ang simoy ng hangin. Dinadayo din 'yon dahil sa angking ganda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FADEDWhere stories live. Discover now