UNO

15 2 0
                                    

ZEYRYX

PAPAAKYAT pa lamang ang araw ngunit gising na ang mga tao sa bayan. Ang ganitong senaryo ay araw-araw kong nasisilayan tuwing pagsapit ng bukang liwayway. Ang ingay ng mga traysikel at dyip,
Dami ng tao na namimili sa palengke at ang mga kabataan na naglalaro sa kalsada. Hindi na bago ito sa aking paningin. Umaga pa lamang ngunit ang mga tao sa lansangan ay buhay na buhay.


"Neng, isang mangkok ng champurado at palabok nga"


Mabilis akong kumilos at agad inabot ang champurado at palabok na nakalagay sa mangkok. Hindi pa masyado sumisikat ang araw pero ang dami na agad tao sa karinderya, hindi na bago ito dahil halos araw-araw naman ay dinudumog ang aming malaking karinderya. Tuwing pagsapit ng umaga ito ang aking pinagkakaabalahan, ang tumulong sa aming karinderya at pagsapit naman ng tanghali ay papasok ako sa coffee shop malapit sa tabing dagat. Dinudumog din ang coffee shop na aking pinapasukan dahil sa masarap na kape at magandang ambiance na nagugustuhan ng mga costumer kaya binabalik-balikan.


"Ate, sopas po!"napangiti ako sa bagong dating na bata. Si Larienne, suki din sya dito at kapatid ng matalik kong kaibigan na si Loriezze. Madali kong sinandok ang sopas at nakangiting lumapit sa kanya at inilapag sa mesa.

"Hi Lari! Kamusta?"umupo ako sa harap nito at nakangiting pinagmasdan ang masaya nitong mukha habang kumakain.

"Okay naman po, ate"


"Si lori nga pala, gising na ba?"nag-angat ito ng tingin at napalabi. Natawa ako sa kanyang expression. Malamang ay hindi pa ito gising dahil minsan ay kasabay nya ang kapatid mag-umagahan sa karinderya.

"Ay naku ate! Puyat na naman po kaka-selpon" natatawang ginulo ko ang maikli nitong buhok at nagpaalam na dahil papadami na ang mga tao sa karinderya.


Alas diyes y media pa lamang ay agad akong naligo at nagtungo sa kay Lori. Magkasama kami sa trabaho kaya sabay kami tuwing pupunta dito. Alas dose pa ang pasok namin pero maaga akong pumupunta kanila Lori dahil malamang ay tulog pa 'yon at mabagal pa kumilos kaya minsan nahuhuli kami sa tamang oras dapat ng aming pasok. Mabuti na lang din ay mabait ang may-ari ng shop.



Kumatok ako ng dalawang beses at agad naman itong binuksan.Bumungad sa akin si tita, ang mama ni Lori. Pinagbuksan ako nito ng pinto at pinapasok.Pagpasok pa lamang ay makikita mo agad ang katamtamang laki ng sala na may isang haba ng sofa at dalawang maliit na upuan. Sa harap ng mahabang sofa ang katamtamang laki ng flat screen na TV. Sa likod naman ng sofa ilang hakbang lamang ang layo at hagdan na nila paakyat ng second floor kung saan may dalawang kwarto. Ilang beses na akong nakapunta dito kaya medyo alam ko na ang pasikot ng kanilang bahay. Katamtaman lang ang kanilang pamumuhay, hindi mahirap at hindi din mayaman. Si tita ay nagtitinda ng isda sa palengke at si tito naman at ang papa ko ay mangingisda. Si mama ang nagbabantay sa karinderya kasa-kasama ng aking nakababatang kapatid.


"Upo ka muna Ikang , at gigisingin ko lang ang prinsesa kong anak"ngumiti lang ako at tumango. Ikang ang tawag sakin dahil yun ang tawag saakin ni mama na aking naging palayaw na din. Marami ang nagsasabi na malayo ang pangalan ko na Ikang sa Zeyryx at hindi daw bagay sa akin ang Ikang. Kalaunan ay nasanay na sila sa pagtawag sa akin na Ikang, kaya karamihan dito sa bayan Ikang ang alam na pangalan ko.


"'Bat naman ang aga mo?"napalingon ako sa nagsalita. Si Lori, halata dito na inaantok pa ito dahil nakapikit ang mata at tamad na tamad itong bumaba sa hagdan.Napatawa ako sa itsura nito. Magulo ang buhok at may panis na laway sa gilid ng labi.


"Mahuhuli na naman tayo sa trabaho dahil sa kilos mo na mabagal, kaya maaga palang pumunta na ako."pabagsak itong umupo sa mahabang sofa at inihiga ang sarili. Napailing ako.

FADEDWhere stories live. Discover now