"WOI POTANGINA PAGASA!!"
"WOI TANGHALI NA"
"TAENA BAT KA BA NANINIPA KITA MONG NATUTULOG YUNG TAO E!" bumangon ako at sinigawan si Cal
"Tanga ka ba bat dika pumasok? first day na first day iba ka may klase nat lahat gising mo ay 11:30 am " medyo kumalma ng sabi nya
"Puro pakilala lang naman yan" sagot ko dito at saka humiga ulit sa kama
"Ang sabihin mo dika lang naka move on sa pag ka talo ng CAVS" pasiring netong sambit saka umupo sa kama
"Ulul madudugas kalaban nila e" pag dedepensa ko dito
"Papasok ka bukas?" alam ko na San patutungo ang tanong neto
"Oo wag mo akong demonyohin papasok ako" sagot ko dito saka naman to biglang bumangon
"Tae wow ako pa nandedemonyo ha sinong hindi pumasok?" sarkastikong tanong neto
"Oh e bat nandito ka kung ganon may sarili ka man apartment hAkdOg ka"
"Tatambay di rin ako papasok e" sagot neto na kumakamot pa sa ulo
"lumabas kana at maliligo na muna ako" Saad ko dito
"Oh sige may epti ba dito?" tanong neto
"Mag luto ka pahinge rin ha" pang uuto ko dito
"Geh. ligo well" saka ito lumabas sa kwarto ko ako naman ay pumasok sa banyo at naligo
Kung nag tataka kayo paano to nakapasok may susi sila ng apartment ko nag tataka nga ako bakit hindi nya kasama si Jen hindi ata nya na demonyo at pumasok pa rin
Kamimg tatlo ay nasa iisang building lang may sari sarili kaming apartment pero madalas ay dito sila tumatambay ang bahay ng parents namin ay 3 hours muna ang byahe bago makarating sa school kaya ganon hindi na rin naman bago dahil halos lahat ng nag aaral sa school ay nag a-apartment lang
mag iisang oras na ako baka pag umabot ng isang oras e numipis na balat ko sa pag ligo HAHAHAH ng sa tingin ko ay malinis na nga ako ay lumabas ako sa banyo at tanging towel lang ang nakatakip sa katawan ko saka nag kalkal ng mga damit
"XEN MY BABE—" nagulat ako ng biglang may pumasok sa kwarto
"LUMABAS KA MJ KUNG AYAW MONG MAMATAY KINGINA MO YARE KA SAAKIN" sigaw ko dito agad naman itong tinakpan ang mata saka patakbong lumabas sa kwarto hinihiling ko na sana mabundol siya peste
Agad kong hinablot ang jersey short at isang white oversize shirt saka ko pinunasan ang buhok ko lumabas ako ng hindi nag susuklay
Nadadtan ko sa sala si Cal na prenteng naka upo sa single sofa at nakataas ang paa nagulat ako ng makita si Jen na nag seselpon katabi si Mj at Jake
"Anong ginagawa nyo dito mga hayop kayo" kunot noong tanong ko nag angat naman ng tingin si Cal
"Di rin sila papasok" pumapapapak ito ng gatas lumingon naman ako kay mj na nag gigitara
"Di kayo papasok? kelangan bang sa kwarto ka dumeretso? tangina" naiinis na tanong ko dito na parang wala lang sa kanya binalik ko naman ang tingin ko kay Cal
"At ikaw naman di mo man lang sinabing wag siyang pumasok alam mo naman na nailigo ako diba" nauubusan na ako ng pasensya dito dahil para itong walang narinig
"LUMABAS KAYO NGAYON DIN!" sigaw ko sa mga ito
"wag kang mag alala di tayo talo di ako bakla ayoko sa lalake" tumatawang sagot neto agad naman akong lumapit sa kanya at aambahan ng sapak ng tumayo si Jake at pinag layo kami
![](https://img.wattpad.com/cover/226042456-288-k7825.jpg)