XEN P.O.V"Pucha! Woi ACHEXEN! hayup kahit saan ka ilagay ay tulog ka kaagad" singhal ni Mj saakin na kakagising lang
"Wala kang pake" sagot ko dito sa loob loob ko ag nag didiwang na ako
"Amapanget mo matulog" pang aasar neto
"atleast pag tulog lang e ikaw? kahit gising at mag ayos ka ampanget mo pa rin" banat ko dito
"Payatot na kawayan" bira neto
"Mag taka ka kung may kawayan bang kasing laki mo ang tawag don P I G de kawayan" madiin saad ko
"Ang korni mo" Saad neto
"Basta ako kay Xen ako pupusta ayoko kay Mj nakanganga at tulo laway yan e" Saad ni Jen at kinindatan ko naman to
"Kung hindi ka lang ginising ni Mj ay mag isang oras ka ng tulog at di gumagalaw iisipin kong patay kana" sarkastikong saad ni Cal na tapos na rin mag laro
"Sana ol madaling makatulog" singit ni Jen
"Oo sana ol talaga tignan mo nga daig mo pa sinapag sa laki ng eyebags mo"
"Ang sama mo" nakangusong sagot neto
binuksan ko naman ang laptop kong nakalapag sa table at nanood mg movie kasama si Jen
Ilang oras pa ang nakalipas marami na rin kaming napanood si Cal naman ay nag papabuhat kay Mj at Jake sa ml ng biglang lumingon si Jen sa likod ko kaya pati ako ay lumingon din nakita naman si Kit na mukhang kakagising lang
"Bro ampanget mo talaga no?" biglang banat ni Jake tumawa naman kami dito
"Maputi ka lang" inis na sagot ni kit
"Cal, Jen mag luto na kayo gutom na kami" Saad ni Mj
"Umuwi kayo bat dito pa kayo kakain may kanya kanya naman tayong kusina" Saad ko
"Mcdo nalang tayo tinatamad akong mag luto" suhestyon ni Jen
"Puro kayo gastos" pambabara ko
"Tara na nag kukuripot nanaman si Xen" tumayong saad ni Jake lahat naman sila'y nag si tayuan ng ako nalang ang nakaupo ay hinila ni Jen ang baraso ko at pilit na pinapatayo
"Lilibre ka namin" ng marinig ko yun ay kusa na akong tumayo at nauna ng pumunta sa pinto
"Tara na at gabi na rin gutom na ako" lahat sila ay nakatingin saakin at di mapinta ang mga mukha
Ng makalabas kami sa apartment ay agad kaming bumaba nasa second floor lahat ng babae at sa third naman ang mga lalake
"Lezzgooowww" sigaw ni Kit ng maka labas kami sa building walking distance lang naman kaya oks na
Napatingin ako kay Mj at Cal na nasa unahan namin nag aagawan ng earpods at si Jake naman na ginagantungan pa ang dalawa kaya mas lalong nag aaway si Kit naman ay nakasunod sa tatlo habang kami ni Jen ay nasa likod at di nag iimikan
Ng makapasok na kami ay ako na ang nag hanap ng uupuan namin at sila ang nag order dahil nga libre nila ako
Ilang saglit pa ay dumating na sila katabi ko si Cal at Jen kaharap namin yung mga kupal ng ilapag na lahat ng order e nag tataka ako bakit sundae lang ibinigay saakin nakakunot noo ko silang tinignan
"Yan lang kaya namin" Saad ni Jake na nginisian pa ako
Di naman ako kumibo at kinain nalang yun panay ang sulyap saakin ni Jen na kumakain tinatanguan ko lang to inabot nya naman saakin ang fries nya
