Naalimpungatan ako dahil may tumatapik sa paanan ko
"Men babalik na ako sa apartment" paalam ni Cal basa ang buhok neto ibig sabihin naligo na to
"Hmm" sagot ko
"kumilos ka na 7:30 klase natin 6:20 na" paalala neto
"Oo na don ka na" tinulak ko ang hita neto gamit ang paa
"Wag kang mag papalate yare ka kay Ma'am Ivy di ka pa pumapasok alalahanin mo"
"Oo nga andami mong sinasabi layas na" pag ka sabi ko non ay tumungo ito sa pinto lumabas kumalabog pa muna ang mga gamit sa kusina bago ko marinig na tuluyan na talaga itong lumabas sa apartment
Pumikit naman ako ulit di pa man ganon ka lalim ang tulog ko ay tumunog ang cellphone ko at pahablot ko tong kinuha sa side table ng tignan ko ito ay nakita kong tumatawag si Cal sinagot ko naman to
"Ano ba kingina" inis na sabi ko
"Sabi ko na bat dika pa nakilos mag handa ka na bopols" sabi neto di na ako sumagot at binabaan siya
Kinuha ko naman ang towel ko at pumasok sa banyo pag may pasok ay 15-20 minutes lang ako naliligo kaya naman mabilis din akong natapos at lumabas na sa banyo
1 week ay pwedi pa kaming mag civilian kaya naman kinuha ko ang black high waist at black/white stripe tee humarap naman ako sa salamanin at nag suklay at isinabit ang I'd bago pa mag simula ang klase ay ibinigay na Ito ng ayos na ang lahat ay saka ko sinuoy ang puting rubber shoes ng matapos ako ay chineck ko muna ang laman ng bag ko kung may kulang ba ako kinuha ko rin ang cellphone ko at ibinulsa
Isinabit ko ang bag sa balikat ko saka naman ako lumabas sa kwarto at pag labas ko nakita kong may naka lapag sa table na durian jam na dipa naka lock at tinapay na nag kalat din napailing ako dahil alam kong kagagawan to ni Cal lumapit naman ako dito at niligpit muna to ng ayos na ang lahat ay lumabas na ako sa apartment at bumaba
Ng palabas na ako sa building ay may nakakasabay akong mga istudyante rin dahil sa I'd nila kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tinignan ang oras 7:23 am na malapit lang naman ang school namin sa tingin ko ay sobra pa ang limag minuto kung sasakay ako kung may mapaparkingan lang sana ang motor namin dito sa apartment ay dinala ko na to kaso pag labas mo sa building ay highway agad ang bubungad sayo kay masyadong delikado ang mga labidabs namin pumara naman ako ng jeep na papunta sa school namin hindi naman ganon ka traffic nakikisama ang oras
Ilang saglit pa ay nasa harap na kami ng school inabot ko naman ang bayad ko kay manong saka ako bumaba dumeretso naman ako sa gate namukhaan naman agad ako ni Sam security guard sa school sanay na to saamin tinanguan ko lang siya saka tumuloy na
Tinignan kong muli ang cellphone ko at tatlong minuto nalang at malalate na ako hindi ako pweding malate ngayon dahil absent ako kahapon
"Xen!" biglang may tumawag saakin kaya napalingon ako sa likod ko nakita ko naman si Jen
"Oh? arat na malalate tayo" inantay ko pa to at ng makalapit na siya ay sabay kaming nag lakad
Paakyat na kami sa second floor malapit na kami sa third floor hindi na rin kami nag uusap ni Jen tuloy lang kami sa pag lalakad panay naman ang tingin ko sa phone ko siya naman ay sa relo nya
Ng nasa third floor na kami ay agad naming pinuntahan ang room namin at pumasok sa awa ng krokodayl ay di pa naman ako late halos mag kasunod lang kami ng dating ni sir Viliavende
Agad akong umupo sa tabi ni Cal sa second to the last kami sa likod namin ay si Joh at Shermae maliban sa mga barkada namin ay masasabi kong close friend din namin sila dahil matagal na namin silang kaklase ni Cal kaya ganon