Nasa bahay na kami ngayon, at napaka kapal talaga ng muka ni Shane para pagbuhatin ako ng mga gamit nya!
'Feel Free to pick your own room' I said.
'Magkano renta ko?'
'You don't have to'
'Uhhmmm pagkain? Kuryente? Tubig?'
'U don't have to.'
'Weh? Baka scam! Ano kapalit nito?'
Tumingin naman ako sa dibdib nito dahil naakit ako sa pawis nya.'Gago! Aalis nalang ako!'
'Huh? Wala naman akong sinabi ah?'
'B-bakit ka nakatingin sa?...'
'Tsss, basang basa kasi mg pawis ang leeg mo'
Napakamot nalang ito sa ulo nya at nagsimulang maglibot.
'Ito! Dito ko gusto' sabay itinuro nya ang kwarto sa 2nd floor.
Dalawa lang naman kwarto sa 2nd floor, akin at ang guest room. Magkatapat ito ngunit malayo ang pagitan. Sa kaliwa ang akin at sa kanan naman ang napili nya. Apat ang kwarto sa baba, wala gusto ko lang, bahay ko to ako ang magdedesisyon.
'Paki-akyat ng gamit ko rito' utos nito sa akin
'Lakas naman ng loob mo para utusan ang *sigh* napaka-gwapong tulad ko'
'Ang dami kong gamit ooh, di mo ba ako tutulungan?'
'Kaya mo na yan' sabay pumasok na ako sa pinto ko.
Narinig ko naman syang nagdadabog, and it makes me smile.
Gabi narin naman at kailangan ko ng mag-pahinga. I tried closing my eyes pero hindi ako makatulog. Nag earphones narin ako pero di parin ako makatulog. Alam mo ba yung pakiramdam na antok na antok ka pero di ka makatulog!.
Lumabas naman ako sa terrace ng kwarto ko para magpahangin ng makita ko si Shane na nagtatampisaw sa pool.
'What's with you?' Tabi ko naman sa kanya. I offered a glass of wine pero di nya ito tinanggap.
'Ayoko ng wine' she said
'Kaya yung mga beer ko naman ang ini-inom mo?, wag mo na itago'
'Hehe, sorry'
'So why are u here? Hindi ba 8:00 am first class mo bukas?'
'Hindi ako makatulog iih. Ikaw?'
'Same'
'So, ano nga palang last name mo?' I added
'Asuncion, I am Shane Gabrielle Asuncion, ikaw?'
'Jay, Jay (De' Suvizhe) Alcantara'
'De' Suvizhe? S-seryoso ka ba?' Parang gulat na gulat syang tanong.
'A-anak ka ba ng may ari ng De' Suvizhe?'
'Yes, but only few knows.'
'Bakit Alcantara ang gamit mo? Grabe! Hindi ko alam na kasama ko pala ang anak ng mag-asawang may mga hotels WORLD WIDE! At may ari ng isang Famous Car Central dito sa Pilipinas!' Manghang sabi nya.
'Ayaw ng parents ko na maka receive din ako ng death threats or may magtangka sa buhay ko.' I said.
'Keep it a secret, Yun lang ang gawin mong bayad sa pagtira sa bahay ko' I added.
'S-so? Uhmm... N-nung gabi bang ano, uhmm nung ano, alam mo na' Nau-utal nyang sabi
'You mean last night?'
'O-oo, m-may nangyari ba satin nun?' Tanong nya
'Ano ba sa tingin mo?'
'M-meron?'
'Yun pala eh' Sabay ngiti ko naman dahilan ng pagkapula ng mukha nito.
'Ayaw mo nun? Isang gwapo ang naka-kuha ng virginity mo?' Bulong ko sa teynga nito dahilan ng mas pagpula nito.
'I j-just lost my virginity that night' nagulat naman ako dahil may lungkot ang mga salitang binitawan nya.
'Sorry. I didn't mean... Uhmm nadala lang ako kasi hinatak mo ako tapos hinalikan and then...'
'Okay na, kasalanan ko naman. Nawawala kasi ako sa sarili kapag lasing. Tsaka, NBSB kasi ako kaya siguro hayok na hayok ako' nahihiya nyang sabi.
'Seriously ? No boyfriend since birth ka?'
'Oo no HAHAHA'
'Alam mo ba? Syempre hindi.. Ikaw ang kauna-unahang babae na dinala ko rito sa bahay ko' sabay tingin ko sa kalawakan
'Weh? Ikaw? HAHAHAHAHA maniwala!'
'Oo nga, I don't like to have friends with someone I just got One night stand with, and also ayoko nung hahabulin nila ako pupuntahan sa bahay dahil gusto ng round 2, 1 night stand is enough. No more'
'Eh bakit mo ako dinala rito?'
'Sa awa siguro.'
'Bakit ka naman naa-awa sa akin?'
'Wala ka ng tatay, Kuya nalang ang meron ka pero pamilyado na. Nagt-trabaho ka sa isang café na madalang lang ang tao at late pa magpa-sweldo'
'Gago sino ka ba talaga?'
'Nag-research ako tungkol sayo kanina. Sorry hahaz'
'May nanay pa naman ako, pero sumama na sa lalaki nya sa ibang bansa. OFW kasi ang nanay ko, Caregiver sya sa Hongkong, Kaso may nakilala syang Lalaki don, nagpakasal sila. Nung una para maging resident daw sya, di nagtagal nagbuntis yung nanay ko. Nung nalaman ng tatay ko yun, Boom. Wala na, nagpakamatay na. Mahal na mahal nya kasi si Mama eh, si Kuya naman, wala na ring pakealam sakin. Malaki naraw ako, kaya ko ng mag-trabaho, apat na kasi ang anak nya kaya di na ako dumagdag. Ikaw napaka-swerte mo, nasa'yo na ang lahat tapos ganyan kalang ka-gago'
'Everyone has their own problem. May parents nga ako, hindi naman sila ang nakasama ko hanggang sa paglaki. Lumaki ako ng kasama lang ay nga maids. Hanggang sa 19 na ako, ayoko na ng katulong. 25 na ako pero di ko parin naraeanasan ang kalinga galing sa magulang. So yun hahaha'
'Kawawa naman tayo, Bakit kaya ganito ka-gago ang tadhana satin diba?'
'Haha. So are we... ahmm.. friends?'
'Akala ko ba di ka nakikipag friends sa naka 1 night stand mo?'
'Housemate kita, sa mismong bahay ko, so don't you dare tumanggi'
'Luh di naman eh'
'Sayo lang ako nagkwento ng problema, even my boys don't know how I feel. Ano bang meron sayo?'
'Baka siguro ahmm, Crush mo ako?'
'Gagi hahaha so friends?'
'Friends'
And then we shaked hands
'At dahil friends na tayo...' tumayo ito at tumingin sa akin.
'Ihahatid mo ako bukas sa school huh, sayang pamasahe iih. Tsaka para maipagmayabang mo kotse mo don HAHAHA!'
Sabay takbo nito papasok.
'Asa ka!' Sigaw ko naman at in-inom na ang alak na hawak ko.
What's really with you Shane? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ko inilabas ang mga pribadong impormasyon ko sayo,? Bakit pakiramdam ko ay pinagkakatiwalaan kita?, Bakit pakiramdam ko ay matagal na kitang kilala? Kaya kong alamin lahat ng sagot sa mga katanungan ko noon ngunit ng dumating ka, hindi ko na kaya. Ano bang meron sayo Shane Asuncion, Sino ka ba talaga?
BINABASA MO ANG
LUSTFUL SERIES 1 || Jay Alcantara
RomanceThere was a man named Jay Alcantara a lustful man, sa tuwing makikipag talik sya sa mga babae ay libog lamang ang pinapakita nito, kahit kailan ay hindi sya nagparamdam ng pagmamahal at motibo sa mga babaeng nakasama nya na. Not until he met a woman...