"Ring,ring"...Tumunog na ang alarm clock ko.
Maaga akong bumangon sa higaan dahil Lunes nanaman at dahil Lunes may pasok ako sa trabaho.Matapos kong patayin ang aking alarm clock bumaba ako sa kusina upang ipagluto ng makakain ang aking Lola Ging.
*Kinakatok ang pinto ng kwarto.
"Lola,kain na tayo nagluto ako ng itlog at hotdog."pasigaw kong sabi sa labas ng pinto ng kwarto ng aking lola.
"Apo,Von anak ,Ibangon mo ako dali sumasakit nanaman ang likod ko."Sabi ni lola habang hawak ang likuran at hinihimashimas ito.
Inakbay ko ang kamay ng aking lola sa aking balikat atsaka kami tumayo."Salamat apo."Sabi ng aking lola.
*sa kusina
"Von, magmadali ka na at ika'y papasok pa sa iyong trabaho.Maiging maaga ka na kaysa naman malate ka."Saad ni lola habang kami'y kumakain,
"Opo"sabi ko.
Naligo at pagkatapos ay nagbihis na ako.
Naglakad nalang ako papunta sa aking trabaho dahil malapit lang naman ang office na pinagtratrabahuhan ko sa aming condo.
Nasa tapat na ako ng building ng aming office nang may narinig akong parang nahuhulog mula sa itaas,nilingon ko ang aking itaas saka ko nakita ang malaking bakal na nahuhulog galing sa ginagawang bagong palapag ng building.
Whooosss,Bag!
Ang sumunod na nangyari ay nikita ko ang aking sarili na ipinasok sa loob ng isang emergency room ng Hospital.Maya-maya nakita kong tinutunton ng aking lola ang emergency room.
Umiiyak siya,nag-umpisa na akong magtaka sa mga nangyayari,sinilip ko kong sino ang iniiyakan ng aking lola.
Nabigla ako nakita ko ang aking sariling nakahiga at may mga aparatong nakakabit.Nang-akmang tatapikin ko ang ang lola biglang tumagos ang aking palad sa kanyang balikat."Patay na ba ako?Wait hindi pa ako handa,sino na lang mag-aalaga sa lola ko?
Lumabas ako ng emergency room upang umiyak.Maya-maya may nakita akong isang matandang lalaking umiiyak napansin ko na parang may dinudungaw siya sa labas ng isang kwarto.
matapos nito dumating ang isang napakacute na babae.Inilagay ng babae ang matandang lalaki sa isang puting elevator atsaka ito umakyat.
Nagulat ako sa nangyari.
Pagkatapos lumapit sa'kin ang babae at hinawakan ang aking kamay.
"Sumama ka sa'kin may pupuntahan tayo."Pautos niyang sabi.
"Wait,wait,wait bitawan mo ako miss,hindi pa ako handa."natataranta kong nasabi.
Pumasok kami sa isang kulay itim na pinto.
Paglabas namin bumugad sa'kin ang napaka high-tech na lugar.
"WOWWWWW! Ito na ba ang langit'' tanong ko sa babae.
"Hahahaha,wala ka sa langit,narito ka sa Land of the Dead."Saad ng babae.
BINABASA MO ANG
Capturing Demons.
ActionThis story is all about the journey of a young man who dies at a young age and becomes a demon capturer.