Isa siyang batang lalaki.
Paanong nangyaring napapalakad ng isang batang lalaki ang buong Land of the Dead.
"Von Custodio" wika niya.
"P-paano niyo nalaman ang aking pangalan" tanong ko sa Yama.
"Alam ko ang lahat,kilala na kita unang pasok mo palang dito sa Land of the Dead" saad ng Yama.
"Lilitisin na po ba ako Yama?Hindi pa po ako handa".Napapaiyak kong sabi.
"Wag kang umiyak,hindi ka pa ngayon mamamatay" seryoso sinabi ng Yama.
"H-hindi pa ako tatawid?"mahinahon kong tanong sa Yama.
"Mr. Yama, b-bakit niyo po ako pinatawag?" Dagdag ko.
"Gusto ko lamang na i-welcome ka sa magiging pansamantala mong tahanan" masayang sinabi ng Yama.
"Master Yama, hindi sa ayaw ko sa Land of The Dead, pero gusto ko pa po sanang mabuhay pa.Walang mag-aalaga sa lola ko, wala pong maiiwan sa kanya."naiiyak kong tanong kay Master Yama.
"Naiintindihan ko.Gusto mong bumalik sa buhay-lupa."Saad ni Master Yama.
"Opo."mabilis kong tugon.
"Well,Katie pumasok ka!"sigaw ng Yama.
Pumasok si Katie dala ang isang tablet.
"Katie ipaliwanag mo sa kanya."saad ng Yama.
Nagtataka ako sa mga nangyayari ngunit alam ko na may batid itong magandang balita.
"Sa tuwing sasapit ang Araw ng mga patay.Nagkakaroon ng Battle Roral.Ang kaluluwang matitira sa Battle Roral ay magkakaroon ng isang hiling."saad ni Katie.
Mabilis akong tumugon at sinabing "Sasali ako!". Kahit pa hindi ko alam ang mangyayari sumali ako sa Battle Royal.
"Kung gayon humanda ka!Hindi madaling manalo sa Battle Royal.May limang buwan ka pa upang maghanda."seryosong sinabi ng Yama.
Nilisan ko ang Office ng Yama dala sa aking puso ang pagkasabik at takot dahil hindi ko alam ang aking kahaharapin.Naiwan sa loob si Katie at Master Yama.
*Sa loob ng office.
"Hindi ba natin sasabihin kung ano ba talaga siya?" Saad ni Katie.
"Hindi muna,hindi muna sa ngayon" saad ng Yama.
Nag-antay ako sa labas.Maya-maya lumabas na si Katie.
"Ako ang magtetrain sayo bago sumapit ang qualifying round.Para maging qualified dapat makahuli kang tatlong Demon Beast,pero bago iyong pupunta muna tayo sa Blacksmith upang kumuha ng Elite Armament'' wika ni Katie.
''D-demon Beast?Elite Armament?a-ano ang mga iyon ?'' nagtataka kong tanong.
"Dito sa Land of the Dead naninirahan ang Demon Beasts sila ang sumusira at nangwawasak sa lugar na ito.mAlalakas ang mga Demon Beast ,iba-iba ang lakas at katangian ng Demon Beasts ang tanging makakahuli at makakakulong sa kanila ay ang Elite Armaments , ginawa ang maga ito ng mahuhusay na panday at inilagay dito sa Land of The Dead upang magamit pangtaboy ng mga Demon Beasts.Iba-iba ang Elite Armaments , may iba't-ibang katangian ang bawat Elite Armaments.Ang mga Elite Armament at dati nang ginamit ng mga naunang oumunta rito upang nakapangkulong ng Demon Beast bago sila magsitawid."pagpapaliwanag ni Katie sa akin.
"Ang kailangan mo lang gawin ay hulihin sila at ikulong sa green thermos" dadag pa niya.
Sumunod nalang ako sa mga sinabi ni Katie at pumunta sa Blacksmith upang kumuha ng aking Elite Armament.

BINABASA MO ANG
Capturing Demons.
ActionThis story is all about the journey of a young man who dies at a young age and becomes a demon capturer.